"Wait Tiana I want to talk to you..... I know you still can't believe us but please hear me out." Nakatinginan si Jack at si Brianze bago binitawan si Cely sabay nila itong tinanguan.
Nakakunot naman ang noo niya at parang ayaw talaga pumayag, naglakad palayo ang dalawa ngunit hindi tuluyang umalis sa lugar na iyon.
Humarap siya kay Favian ng unti-unti bago ito napalunok. "Tiana alam ko hindi ka maniniwala pero sana pakinggan mo muna ako," sabi nito. Hindi sumagot si Cely pero nanatili lang itong nakayuko hindi din niya maintindihan bakit iba ang tinatawag sa kaniyang pangalan.
"May nangyari bago ka pinanganak nasa 7 years old na ako that time nalaman ko lang din lahat ito kay lolo at lola napagalaman ko na parehong magulang natin hindi maganda ang relasyon sa lolo at lola natin, si dad hindi niya sinusunod sila lola at lolo bago pa sila nagkakilala hanggang sa tinakwil siya sa bahay na 'to," napaangat ang mukha ni Cely dahil doon hindi makapaniwala na pinalayas ni Mr and Mrs.Myer ang anak nila.
"Hindi ka makapaniwala hindi ba? Kasi sa bait nilang ito ibang iba daw ang ugali nila dati pero sa part naman ni mom naging tutol din sila grandma at grandpa sa kanila ni dad dahil sa may gusto silang ipakasal kay mom pero nagmakaawa siya dahil sa only child si mom pinayagan siya sa isang kondisyon pag nanganak siya ng babae siya ang ipapakasal nila sa anak ng business partner niya." Natigilan si Cely at tila ba naguulit-ulit ang mga katagang iyon sa utak niya.
"Pero bakit babae?! Napaka unfair naman no'n!" Hindi na niya mapigilan na madala sa kaniyang emosyon maging ang dalawa na nakikinig sa hindi kalayuan hindi din makapaniwala sa naririnig.
"Sa pamilya kasi ni mom ang mag mamanage ng negosyo ay ang lalaki at wala silang anak na lalaki kaya hindi nila ako tinali pero pumayag sila mom at dad." Napakuyom ang kaniyang kamao kasunod ng hindi namalayang pagtulo ng luha.
'bakit kaylangan ako ang mag suffer para sa iba?' hindi niya mapigilang mapaisip.
"Hindi pa ako tapos pumayag sila dahil ng maipanganak ako ang alam nila maayos na dahil nasa lahi ng bawat magulang natin ang pagiging only child at pag naipanganak ako wala ng kasunod pero nagbago nang buntis nanaman si mom at ikaw nga iyon natakot magulang natin sa posibleng mangyari lalo na ng malaman nila na babae pala ang susunod na bata pero pinilit nila itong panindigan nagmakaawa ang magulang natin kila grandma at grandpa pero hindi sila nakikinig," sabi niya bago napabuntong hininga.
"Nung pinanganak ka ok na ang lahat nagbabalak na sila grandma at grandpa na gumawa ng kasunduan pero nang makita nila ang balat mo sa mukha nagbago ang lahat ang kagustuhan nilang gamitin ka para sa business naglaho at gusto ka nilang ipapatay." Napakunot si Cely sa kaniyang narinig at tila ba naramdaan niya ang paninigas ng kaniyang kalamnan.
"I-ipapatay?" Utal na tanong niya. Napatango si Favian.
—
May isang babae na nagiiyak kaharap ang magulang niya habang ang kaniyang asawa ay wala doon.
"Ma, pa please naman oh huwag kayong magbiro ng ganiyan," sabi niya habang nakalugod hawak-hawak ang damit ng kaniyang magulang.
"Kailey hindi natin pwedeng kupkupin ang baptang iyan! Masisira ang image ng pamilya natin!" Sigaw nila. Mangiyak-ngiyak na umiling ang babae.
"Hindi pwede wala kayong karapatan, anak ko siya wala kayong karapatan para magdesisyon para sa kaniya please ibalik niyo na anak ko lalayo kami dito ipapaputol ko din pangalan ko sa inyo kung hindi niyo siya matanggap hindi....hindi ko ipaaalam sa iba na kamaganak ko kayo kung iyan ang gusto niyo ibalik niyo lang anak ko please," hiling niya. Lalong sumama ang tingin ng mag-asawa sa kaniya bago tinulak ang kaniyang kamay papalayo sa kanila .
"Guard!" Sigaw ng ama niya. Lumapit ang isang guard habang nagpupumiglas ang babae walang nagawa ang mga ito upang patamaan ang batok niya hanggang sa mawalan ng malay ang babae at inihiga nila ito sa sofa.
"Get me the gun," sabi nito sa kusina. Nanlalaki ang mata ng isang babae nang marinig iyon bago niya narinig ang mahinang iyak sa taas.
Nagmamadali siyang umakyat upang alamin kung na saang kwarto ito muntikan pa itong mahuli ng isang katulong mabuti nalang at makapagdahilan siya na kaylangan niyang palitan ng bedsheat ang kama at malaya niyang kinuha ang bata.
"Ano bang nangyayari?! Bakit ganito sila? Kaming gustong magkaanak hindi nabibiyayaan pero ngayon merong baby gusto lang nilang putulan ng buhay!" Marahan niyang binuhat ang bata sa kaniyang bisig bago ito inihele.
"Shhhh huwag ka ng umiyak itatakas kita tapos pag ok na ang lahat ibabalik din kita sa magulang mo," sabi niya bago nagmadaling lumabas habang buhat buhay ang batang nakatulog na.
"Hoy ano yan!" Sigaw ng isang guard ng papunta siya sa laundry room tinago kasi niya ang bata sa bedsheet pero sinigurado niyang makakahinga ito.
"Maglalaba ako ng bedsheet," sabi niya. Hindi pinaalata na kinakabahan na siya naniwala din naman ang guwardya ay ng makaalis na siya agad na nagmadali ang babae na tumakas hanggang sa gate ng likod ng bahay ito ang kadalasang ginagamit ng katulong upang pumunta ng palengke.
Takbo lang siya ng takbo hanggang sa makapara siya ng taxi rinig pa niyang sigaw ng tao sa loob ng bahay bago siya tuluyang umalis.
Nang makalayo pinagmasdan niya ang mukha ng bata at nakita nga niya ang balat niyo sa kaniyang noo pero hinaplos niya ito "Napakagandang bata..."
—
Muntikan nang matumba si Cely ngunit may sumalo sa kaniya at si Brianze iyon.
"After no'n dumating si dad kamasa sila lolo at lola pinatawad na nila si dad at tinulungan nila ito kasama na din si mom habang sila grandma at grandpa hindi nila nahuli," Umiling-iling si Cely hinaplos naman ni Brianze ang kaniyang likod para patahanin nang bigla itong humikbi maging si Jack hindi mawala ang tingin niya sa kanyang kaibigan at sobra ang pagaalala niya para dito, gusto man niyang siya ang magpatahan ngunit naunahan na siya ni Brianze.
"Tiana nangungulila ang magulang natin sayo sana mabigyan mo sila ng pagkakataon na tanggapin, dahil walang taon na hindi umiiyak si mom at dad pag dumadating ang araw na iyon ang alam nila patay kana pero sana maisip mo sila. I'm begging you." Hindi nakaimik si Cely patuloy lang siyang umiiyak sa bisig ni Brianze.
"I'm sorry to interrupt but we should wait for her to recover it's not easy to take this all I know her she will talk to your parent once she's ready," sabi ni Brianze na ikinatigil ni Favian. Tinitigan lang niya ang kapatid bago napabuntong hininga.
Matapos noon tumalikod si Brianze at nagsquat para pasanin si Cely na hindi naman nagreklamo at pareho silang pumasok ng bahay.
Naiwan naman sa labas si Favian at Jack na nakatingin sa makulimlim na kalangitan.
"Hindi ako makapaniwala na may ibang magulang pala si Cely, hindi kami close nung elemantary kahit magkabaranggay kami pero nalaman ko na naaksidente si ninong Reccy nung nasa grade 6 palang kami, minahal siya nila ninong at ninang kaya alam ko mahirap sa kaniya tanggapin lalo na napunta siya sa magulang na inalagaan siya ng husto, sana maintindihan mo siya," sabi ni Jack na nakatingala parin. Hindi naman maiwasan ni Favian na lumingon at tinignan ang binata.
"I understand I shouldn't push her too far," sabi nito. Ngumiti naman si Jack.
"Pasensya kana dahil hinusgahan kita kanina nabigla lang ako dahil hindi pala iyak na babae si Cely at ngayon ko lang siya nakitang umiyak, ayaw kong makita ulit iyon," sabi niya wala sa sariling napatitig si Favian ngunit bumuntong hininga siya bago tumalikod at naglakad paalis, iniwan doon si Jack habang nakatingin parin sa kalangitan.
BINABASA MO ANG
Maid With You - COMPLETED
RomanceSi Cely ay isang dalagang napagpasyahang mamasukan bilang isang katulong ngunit may nirokomenda ng kaniyang ina pero nang malaman niya ang magiging amo niya ay ang batang ninais niyang huwag nang lapitan pa, si Brianze isang isnaberong lalaki. Ngun...