Chapter 06

2.4K 81 2
                                    

Kinagabihan matapos maglibot nila Cely at Thea sa mall. Marami-rami din silang ginawa hanggang sa inabot na sila ng gabi at kinukwento na din ni Cely ang mangyayari kung magtatagal pa siya doon. Kaya napagpasyahan nilang pareho na umuwi nalang.

Dali-daling naglakad si Cely upang makahanap ng taxi papunta sa bahay ni Brianze, at sinuwerte naman siya at nakasakay siya agad. Buong biyahe tulala lang siya ngunit napapangisi kapag naaalala niya ang kalokohang ginawa bago siya tumakas. Kung ang normal na tao na makikita siya sa ganitong kalagayan ay pagkakamalan siyang nawawala na sa sarili.

Nang makarating siya mismo sa bahay ni Brianze nangangatog ang tuhod na nagbayad sa driver bago sinubukang maglakad ng diretso. Para bang nililitis na ang kaniyang pakiramdam.

Dahan-dahang naglakad si Cely, nagbabakasakaling hindi siya mahuhuli ni Brianze ngunit nang pagkabukas niya nang pintuan nagulantang siya sa isang pigura na nakapatong ang kaliwang paa sa kanan na paa habang masama ang tingin na nakadako sa kaniya.

"Why did you comeback?!" Sigaw nito ng napakalakas.

"Ahehehehe hi sir," tinanggal niya ang kaba na nararadaman at kumaway nalang kay Brianze.

"What I said is, why did you come back?!" Halata sa kaniyang emosyon na sasabog na talaga ito sa galit.

"Sir nagpaalam po ako sa inyo diba? Na pupuntahan ko kaibigan ko?" sabi niya ng mahinahon.

"Yes, you did that but I didn't allow you, you escape from here using your nonsense method?! You're not ashamed to yourself?!" sabi nito. Sa bawat kataga niya ay isang matalim na patama ang napupunta kay Cely. Napayuko nalang siya nang walang sinasabi hanggang sa maramdaman nalang niya ang mga yabag ni Brianze paalis sa pwestong iyon.

Pinakiramdaman muna niya ang yabag nang wala na itong marinig, kumurba ang kakaibang emosyon sa kaniyang mukha. 'Kasalanan ko naman bakit siya nagalit ng ganoon' paliwanag ng kaniyang isip para makumbinsi ang sarili at pag-aamin na din ngunit dahil lang sa kaniyang ginawa unti-unting bumibigat ang pakiramdam sa kaniyamg dibdib at nagsimula nang tumulo ang likudo sa kaniyang mata pababa sa kaniyang mukha.

'Ano ba hindi naman ako iyaking tao bakit sa simpleng pagsigaw niya naiiyak na ako!'

Marahas na ipinahid ni Cely ang palad sa kaniyang mukha nang marinig niyang nag-ring ang cellphone, agad niya itong kinuha mula sa bulsa at agarang sinagot.

"Hello," mahinag sagot niya. Sinigurado niyang hindi mahahalata ng nasa kabilang linya ang panunuyo ng kaniyang lalamunan dahil sa pag-iyak.

"Cely umiiyak ka ba?" Napabuntong hininga nalang si Cely dahil kilalang-kilala siya ni Thea, walang panahon upang magsinungaling sa taong kahit baho niya alam na alam.

"Nagalit kasi sakin yung amo ko," sabi niya nang mahinahon.

"Diba nagpaalam ka naman?" tanong niya pabalik, tumango si Cely na para bang magkaharap lang siya ng nasa telepono.

"Ok lang ako nasaktan lang naman ako sa pag-sigaw niya pero hindi naman masakit sinabi niya hindi ko naman naintindihan eh," sabi niya, ngayon medyo huminahon na siya sa nararamdam.

"Huh ano ba sinabi niya at hindi mo naintindihan?" tanong ni Thea inaakalang isang kataga na mahirap intindihin lang iyon, sa pagmu-mukha niya talagang seryoso siya at nag-aalala sa kaibigan.

"Aba malay ko english ng english pinsan mo paano ko maiintindihan 'yon ha?!" Inis na sabi ni Cely bago naglakad papunta sa kwarto niya ngunit napahinto siya ng bahagya nang biglang sumigaw si Thea sa kabilang linya.

"Bwesit ka talaga Cely!!!!" sabi niya, nagtataka namang napatingin si Cely sa cellphone.

"Bakit galit ka dyan? May ginawa ba ako?" nagtatakang sabi niya. Sinubukan namang ikalma ni Thea ang sarili at piliing intindihin si Cely bago nagsalita.

"May natandaan ka bang english na sinabi niya?" tanong niya, matapos ikalma ang sarili. Pagkapasok ni Cely sa kwarto napahawak siya sa kaniyang baba bago nag-
simula mag-isip.

"Ano nga ba 'yon? Same? ano samelesh?" naguguluhang sabi niya, sa pagka-kataong ito gusto nang ilabas ni Thea ang kamay sa cellphone para sabunutan si Cely dahil sa gigil.

"Ewan ko sayo anong same?! May galit bang sasabihin ang word na same at ano yang asamelesh baka ashame 'yon!" sigaw niya dahil doon napatango si Cely.

"Ayan tama ka ashame nga!" excited na sabi niya.

"Kakaiba ka umiyak ka ng hindi alam ibig sabihin ng sinabi niya hindi ko alam kung matatawa ba ako o sasabunitan ka," sabi ni Thea, ginugulo ang buhok dahil sa stress kay Cely.

"Ano ba kasi ibig sabihin no'n?" tanong niya. Hinihintay ang sagot mula kay Thea ngunit hindi siya nagsalita nag-iisip kung sasabihin ba ang totoo dahil may parte sa kaniya na ayaw niyang madagdagan ang sama ng loob ni Cely sa pagkakataong ito.

"Ahh 'yon ba? Ibig sabihin noon mag-ingat ka o mas matamis pa na salita pwede iyong sabihin," sabi niya naghihinala man si Cely sa sinabi niya.

"Huh may ganoon ba? Pwede pala iyon sabihin pag galit ka?" Nagtataka niyang sabi, napabuntong hininga nalang si Thea gustong pagnindigan ang pag-sisinungaling niya.

"Oo tama hahaha kaya hindi galit sayo si kuya Brianze sa sinabi niya," bumalik ang sigla ng boses noon dahilan para makumbinsi si Cely na maniwala.

"Ganoon pala 'yon hindi dapat pala ako umiyak, kainis nasayang lang luha ko!" Pareho silang nagtawanan matapos noon kahit labag man sa sarili na lokohin si Cely mas makakabuti na iyon alam niyang may gusto ang kaibigan sa kaniyang pinsan mas masakit para dito ang makatanggap ng ganoong salita lalo na sa taong hinahangaan niya. 'sorry bessy'

"Sige Thea salamat sa lahat magpapaalam na ako napag-isipan ko na din kasi na dapat humingi ako ng tawad alam ko naman na mali talaga ginawa ko bye!" sabi niya, sabay patay ng tawag. Nakangiting lumabas si Cely sa pinto at hinahanap kung nasaan si Brianze.

Inisip niya na nasa loob ng kwarto niya ngunit wala siya at isa lang ang lugar kung saan siya madalas pumupunta. Ngunit bago kuna siya pumunta kung nasaan si Brianze agad siyang nagtimpla ng kape.

Naglakad papunta ng garden si Cely at nakita nga niya doon si Brianze nakaupos sa loob ng glass mini house.

Tumakbo siya palapit doon dahil sa pagtakbo niya nakuha niya agad ang atensyon ni Brianze na matabang siyang tinignan. Iniba naman ni Cely ang emosyon sa mukha upang ipakita na sincere siya bago nag-salita.

"Sir, sorry na...."

Maid With You - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon