"Sir sorry na..." sabi niya mula sa labas ng glass house. Hindi parin niya ito binuksan hinihintay na hindi na siya sisigawan ni Brianze.
"WHAT?" Sigaw niya mula sa loob hindi naman nag-paapekto si Brianze
"Sir sorry na po, hindi na mauulit wag ka nang magalit. Ok lang sa akin kahit ilang beses mo akong sigawan ng ganoon hindi po ako magre-reklamo, alam ko naman po sa una palang kasalanan ko na ang lahat. Hindi dapat ako nagdesisyon ng ganoon, hayaan niyo po sa susunod magpapalaam na po ako ng maayos at hindi na po ako tatakas kung hindi niyo po ako papayagan," mahabang sabi sabi niya. Hindi man siya binigyan ng tingin ni Brianze ngunit napahinto ito sa pagta-type sa ipad niya.
"Umalis kana." Halata sa boses nito na hindi na siya galit ngunit pinipili niya paring maging matigas sa harap ni Cely.
"Boss naman eh papasok na ako," sabi niya, at agad-agad na binuksan ang pintuan ng glass house, alam niyang hindi naman gusto ni Brianze na palayasin talaga siya dahil hindi naman naka-lock ang pintuan kaya madali siyang nakapasok.
Nang nagtagumpay siyang buksan iyon agad siyang lumapit sa pwesto ni Brianze at naupo sa carpet. Ang glass mini house ay puno lang ng unan sa loob at carpet. May maliit na lamesa para kung saan doon nakakapagtrabaho si Brianze ng maayos. Mas pinili niya itong gawing office kaysa sa loob ng bahay dahil mas gusto niya ang may natatanaw habang nagtratrabaho siya.
"Sir sorry na ha, hindi ko naman alam na may regla ka pala. Akala ko kasi napapayag na kita heheheh," birong sabi ni Cely nang makaupo siya mismo sa harapan ni Brianze. Dahil sa sinabi niya tuluyan nang tumingin si Brianze kaniya habang ang noo at nakakunot.
"What are you talking about? Ako nireregla?" nakakunot na tanong niya. Umiwas naman ng tingin si Cely at doon sinamantalang tumawa ng mahina. Nang matapos siya agad naman niyang binaling ang tingin kay Brianze nang nasa ayos na ang expresyon.
"Ayy hehehe, wala 'yon boss hehehe, inumin mo na 'yan Sir, masarap yan. Hinaluan ko ng pagnanasa ay este ng magandang ngiti habang tinitimpla yan." Dahil sa biro ni Cely hindi maiwasang hindi mapangiti ni Brianze sabay abot ng kape at tinikman ito.
"Sir bati na tayo ha wag kanang highblood nakakapangit ng sobra 'yon. Paano na magiging anak natin pag pumangit ka." Wala sa sariling naibuga ni Brianze ang kape mismo sa mukha ni Cely.
Nanlalaki ang mata nilang dalawa sabay tayo ngunit ang inalala agad ni Cely ay ang papeles na nasa table agad niya itong kinuha at inabot kay Brianze.
"Sir naman bakit ka naman nangbubuga? Iyong mga paper mo oh!" sabi ni Cely at abala na siyang pinupunasan ang lamesa gamit ang basahan na nasa bulsa lang niya kanikanina lang.
Wala sa sariling natulala si Brianze kay Cely at pinapanood na magpunas ang dalaga hanggang sa matapos ito.
"Ayan boss pwede mo nang ilapag iyan," sabi ni Cely. Agad na nilapag ni Brianze ang mgagamit niya pabalik at naupo sila habang si Cely ay naging abala pumasan gamit ang kamay ang kaniyang mukha na nabuhusan ng kape.
Guilty namang pinigilan ni Brianze ang kamay niya at pinunasan ito gamit ang kaniyang panyo.
"Aruyyy si sir Brianze ang sweet." Pangaasar ni Cely, para mawala ang kaba na nararamdaman ngunit dahil sa sinabi niyang iyon biglang hinagis ni Brianze ang panyo sa kaniyang mukha.
"I change my mind wipe your face," sabi niya sabay balik sa trabaho habang si Cely naman ay napasimangot nalang at marahas na pinunasan ang mukha.
"Sir matagal ka pa diyan?" tanong niya, tumingin langbahagya si Brianze bago tumango.
"Kung ganoon mauna na ako sir," sabi ni Cely at mapanlarong ngumiti kay Brianze. Nang mahalata ni Brianze na hindi parin umaalis si Cely tinignan niya ito habang nakataas ang kilay.

BINABASA MO ANG
Maid With You - COMPLETED
Любовные романыSi Cely ay isang dalagang napagpasyahang mamasukan bilang isang katulong ngunit may nirokomenda ng kaniyang ina pero nang malaman niya ang magiging amo niya ay ang batang ninais niyang huwag nang lapitan pa, si Brianze isang isnaberong lalaki. Ngun...