Chapter 47

824 11 0
                                    

Nasaan ako?

"Hmmmppp!!" Teka tinakpan ba nila ang bibig ko?

Hindi ako makakita.

Ano ba ang nangyayri? Tama ba ang nasa aalala ko? Hindi panaginip na biglang may pumasok na mga lalaki sa bahay ni Sir Brianze at bigla nalang ginulo ang mga gamit niya?!

Pilit akong kumakawala sa pagkakagapos ngunit alam ko naman na wala din mangyayari.  Bakit ba kaylangan mangyari ito? Ano bang kasalanan ko?

"Cely stop struggling, hindi ka nila papakinggan." Bigla akong natigilan ng marinig ko ang boses ni sir Brianze sa tabi ko. Lumingon ako sa kanan dahil alam kong nandoon siya kahit hindi ko pa siya makita dahil puro itim lang ang nakikita ko dahil sa blindfold na nilagay sa akin.

"Sir Brianze, ikaw ba iyan?" Tanong ko. Gumalaw ako upang umusog ng kaunti sa tabi niya.

"Yes," simpleng sagot niya kaya napakunot ang noo ko.

"Sir anong nangyayari? Huwag mong sabihin na ikaw ang gumawa nito?" Kinakabahan kong tanong ngunit narinig ko lang siyang napabuntong hininga.

"I wish I'm be the one who plan this so I won't let you hurt tsk. Just don't move, you're just hurting yourself," sabi niya. Tila ba gusto nalang tumulo ng luha sa mata ko dahil sa sinabi niya, gulong gulo na ako, ni wala akong ka-ideya-ideya kung bakit nangyayari ito. Bakit ba? Ano ba'ng ginawa ko?

"S-sir Brianze n-natatakot ako." Hirap kong isabi dahil sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng takot na ganito, hindi ko din alam kung pabilis ng pabilis  ang tibok ng puso ko maging ang katawan ko ay nagsisimula ng manginig.

Naramdmaan kong umusog si Sir Brinaze sa akin at idinampi ang balat nuya sa balat ko. "Cely huwag kang matakot, kung pera man ang pakay nila sa atin hindi ako magdadalawang isip ibigay sa kanila iyon, makakalabas din tayo dito." Nakahinga ako ng maluwag sa lalim ng boses niya at tila ba pilit niya akong pinapakalma gamit ang kaniyang tinig.

"Remove their blindfold." Natigilan ako nang marinig ko ang boses na iyon. Pakiramdam ko hindi siya nag-iisa at ang hula ko nasa anim na kami kung saan banda kami ngayon.

Maya-maya pa malaya kong iminulat ang aking mata at nilibot ang paningin nang biglang may isa sa kanilang tinanggal ang takip ko sa mata.

Ang kinakalagyan pala namin ay isang kwarto kung saan wala ni isang gamit at ang bintana lang ang nagsisilbing liwanag sa loob dahil wala itong kailaw-ilaw.

Lumingon pa ako hanggang sa mahagip ng aking mata si Sir Brianze na mataam akong tinititigan. Nanlaki ang mata ko dahil sa nakita kong bakas ng dugo sa labi niya at ang pasa sa kaniyang mukha.

"Sir Brianze anong nangyari sa iyo?!" Sigaw ko bago ako lumingon sa tatlong taong pinapanood kami. Biglang sumama ang tingin ko sa kanila, bago ako nagpatuloy magsalita, "anong ginaw niyo sa kaniya?!"

Nagkatinginan ang tatlo bago sila natawa. Hindi talaga ako natutuwa at tila ba ano mang oras gusto ko nalang sila ilibing ng buhay, wala akong pakealam sa edad nila.

"Ano pa? Pinahirapan namin siya dahil hindi siya sumasang-ayon na tawagan ang ngayo'y kinikilala niyang magulang," sabi nila sa pagitan ng kanilang pagtawa.

"Ano ba ang kaylangan niyo?! At ikaw hindi ba't kaibigan ka niya? Bakit mo ito ginagawa?!"

                                           —

"Hon where's Brianze?" Tanong ng kaniyang asawa dahil nangako ang anak kanina na uuwi ito sa bahay nila upang maghapunan at sinabi na din niyang idadala niya si Cely doon.

"Hindi parin siya dumadating hon," sagot ng asawa na nasa kusina din. Kahit nagtratrabaho siya sa kaniyang laptop sinasamahan parin niya ang kaniyang asawa na magluto.

Maid With You - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon