Chapter 16

1.9K 50 0
                                    

"Cely bakit humihiyaw ka may nangyari ba?" Tanong nila. Pinaikot ikot pa ako halos mahilo ako sa ginawa nila mabuti nalang napakapit agad ako kay Jack na agadan din akong sinuportahan.

"Iyong halaman kasi ni mama naputol ko at saka wala namang nangyaring masama napaka oa niyo," sabi ko ngunit habang nagsasalita ako kay Brianze ko na pala sila nakatingin.

"Siya iyang hottie na yan?" Tanong ni Shiela at Eya sa aking tenga napakunot naman ako.

"Boss ko at saka pinsan iyan ni Althea," sabi ko. Nanlalaki ang kanilang mata habang ang mga lalaki naman nasa likod namin nakakunot lang na nakatingin sa amin.

"Pakilala mo kami dali!" Sabi nila. Mapabuntong hininga ako bago ko sila pinagtutulak.

"Sa susunod nalang sige na alis na muna kayo dali na," sabi ko. Panunulak ko, lahat sila nakasimangot habang ngayon naman kasalukuyan ko na din tinutulak si Jack.

"Sigurado kabang magiging ok ka lang?" Tanong niya. Nag thumb ups pa ako para kumpirmahin.

"Huwag kang mag-alala kahit masama ugali nyan hindi siya nangangain ng tao," bulong ko. Napailing nalang siya saka ko lang namalayan ng bigla niyang pinitik ang aking noo.

Gaganti na sana ako nang bigla siyang tumakas paalis. Doon ko nalang napagpasyahan na tumingin kay Brianze na kasalukuyan nang nakakunot siguro sa sinag na ng araw.

"Sir pasok kayo," sabi ko. Inawyaya siyang pumasok. Nahihiya din akong papasukin siya dahil maliit lang talaga ang bahay dahil sa rentado kang din ito at wala kaming sariling bahay ni mama pero pangarap ko balang araw mapagpapatayo ko din siya ng bahay hindi lang isang palapag gusto ko tatlong palapag at magpapagawa ako ng rentahan para din magkapera siya.

Pumasok kaming dalawa sa loob, pinaupo ko naman siya sa upuan namin na kahoy habang ako pumunta sa kusina upang kumuha ng maiinom nang nang makabalik ako pansin ko ang tumitingin siya sa buong bahay. Ano pa nga ba alam ko namang papansinin niya ito.

"Sir kape. Ano nga pala pinunta niyo dito?" Tanong ko matapos iabot ang tasa na may kape.

"I'm sorry." Napanganga ako sa aking narinig dahil hindi ako handa. Ano daw?

"Huh?" ulit ko para kasing biglang nawalan ng makina utak ko pero teka wala namang makina ang utak diba?

"I said I'm sorry!" Sabi niya ngunit pansin ko na nakakunit ang kaniyang noo dahilan upang mapatayo ako ng diretso sabay inilagay ang parehong kamay sa aking bewang.

"Bakit galit ka?" tanong ko. Paano kasi parang napipilitan lang siya sa paghingi ng tawad. Alam mo iyon, iyong parang may nakatutok sa kaniyang baril tapos may pumupilit sa kaniyang gawin iyon para hindi siya patayin.

"Paulit-ulit ka kasi wala ba kayong cotton buds?" Pagiinsulto niya sa akin. Bigla namang tumalim ang aking mga mata na tumingin sa kaniya.

"Magso-sorry nanga lang parang pilit pa, sige makakaalis kana," sabi ko. Sa totoo lang nagsisi din ako noong nasigawan ko siya pero dahil ininsulto niya ako at hindi pa ayusin ang paghingi ng tawad binabawi ko na.

Akma na sana akong tatalikod upang iwan siya doon nang bigla niyang hinila ang aking pulsuhan dahilan upang mapatayo ako ng diretso sa aking kinakatayuan pero hindi parin ako lumilingon.

"I'm sorry ok? I feel guilty when manang tell me everything sorry if I jump into a conclusion and blame you I'm really sorry can you please comeback to my house manang is waiting for you." Teka nakalimutan ba niyang hindi ako masyadong nakakaintindi ng english at may mga parte lang na words ang naintindihan ko?! Oo na tatanga-tanga ako dahil wala akong alam sa english. Pasang awa nga ako kaya lang nakapasa sa grade 10 dahil sa pangongopya sa mga kaklase kong matatalino.

"Sir Brianze naman alam mong mahina ako sa english baka gusto mong tagalugin para alam ko isasagot ko sayo," sabi ko. Natigilan naman siya habang ako nakatitig sa maaari niyang maging reaksyon hanggang sa ilang segundo ang lumipas kumurba ang isang ngiti sa kaniyang mukha hanggang sa humalakhak ito ng tawa habang ako masamang tingin ang ibinibigay ko sa kaniya kahit alam kong hindi niya iyon pansin dahil tawa siya ng tawa.

Pero sa totoo lang gusto ko ito. Ito ang unang pagkakataon na tumawa siya. Hindi malamig katauhan niya pero bihira lang siyang ngumiti o baka hindi ko lang talaga iyon nakikita.

"Tapos kana?" Tanong ko nang makita kong huminahon na siya.

"Ahem! I mean is hinihintay ka na ni manang sa bahay bumalik kana." Mapaisip naman ako bigla tila ba'y nagdadalawang isip ako.

"Pero hindi na ako pwede magtrabaho sir 6 months nalang pasukan na ulit napagpasyahan ko kasing mag-aral nalang. Makaipon na din naman na ako ng pera dahil sa sahod ko sayo," sabi ko. Napatulala naman siya sakin hinihintay kong magagalit siya ngunit bumuntong hininga lang siya bago ngumiti.

"That's good. Hindi naman kita pipigilan mas magandang makapagaral ka para mas makakuha ka ng magandang trabaho pero pwede ba na bumalik ka muna bago pasukan niyo? Don't worry I will tutor you every sunday." Nanlaki ang aking mata dahil doon hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. Seryoso ba siya sesweldo na ako may libreng turo pa galing sa kaniya sino ba naman ako para lampasan ito diba?

"Seyoso ka sir? Libre ba pagturo ko sakin?" Kinapalan ko na mukha ko baka bigla akong mamulubi kung may bayad o kaya wala din akong sahudin.

"Meron of course there's no free in our generation," sabi niya dahilan para mapasimangot ako. Umasa pa naman ako sa wala.

"Magkano pwede bang isang daan?" Tanong ko kung papayag siya makakatipid ako.

Akala ko pa naman seryoso siya pero bigla ba naman siyang tumwa ng malakas. Napapaisip ako anong nakainin niya ng wala ako sa bahay niya at biglang nagiba ugali niya sa harap ko hindi kaya nalason siya?

"I'm just kidding, yes it's free ano payag ka?" Tanong niya. Bigla naman akong napangiti doon dahil sa aking tuwa wala sa sariling naihampas ko sa kaniyang likod ang aking kamay dahilan upang mapangiwi siya.

"Ayy hahaha sorry nasanay lang" sabi ko. Mabuti nalang hindi siya nagalit. Doon naman ako nakahinga ng malallim. Sanay kasi akong gawin iyon sa barkada ko dahil nga sa natuwa ako nakalimutan kong amo ko pala siya.

"So tara na? Iaayos ko lang gamit ko," sabi ko. Tatalikod na sana ako pero agad nanaman niyang hinila ang aking pulsuhan.

"Hindi pa ako kumain pwede bang magluto ka muna?"

Maid With You - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon