Chapter 09

2.2K 61 2
                                    

Cely Pov

"Waaahhh ayaw kona!!!" sigaw ko habang napapatakip pa sa aking mga mata. Kami ay kasalukuyang nanunuod na sa cinema habang ako dito halos kapain kung saan ang exit makalabas lang dahil sa takot pero ang boss ko pinapanood lang ako habang natatawa para bang hindi horror pinapanood namin, ang totoo hindi naman kasi talaga ako takot sa horror pero natakot ako kasi biglang may carnival scene hindi lang iisa halos buong movie ganoon.

"Hahahaha it's just a movie hahaha," tawang tawa na sabi ng tandang barbie sa aking tabi.

"Kahit na hindi ka ba nandidiri sir?" sabi ko, pinagsisihan ko talaga at sumama ako sa kaniya hindi ko naman kasi alam na trip niyang mag mall, ako pa talaga sinama niya bakit hindi siya magsama ng kaibigan niya o kahit si Thea, bakit ako? Para pagtripan?

"Stop that, you look stupid," pangaasar niya. Tinanggal ko ang pagtatakip ang aking mata at bigla siyang sinamaan ng tingin. Wala kami sa bahay niya at wala sa kontrata na kaylangan kong umastang maid pag nasa labas kami ng bahay.

"Ano kamo?" tanong ko ulit. Kahit malinaw naman na narinig ko lahat ng sinabi niya.

"Nothing, let's go," sabi niya. Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang aking kamay sa pulsuhan at hinila ako palabas sa sinehan.

"Bakit ba hila ka ng hila sir kasakit na ng kamay ko," sabi ko kay sir Brianze, habang naglalakad kami palabas. Hindi na din namin natapos ang movie siguro dahil kahit papano naawa na siya sa akin.

"Because you look like a rope," pangaasar niya. Naninibago ako dahil nakikipagbiruan siya ngayon iba ang ugali ni sir Brianze alam ko iyon siguro dahil nasa labas kami walang amo o katulong sa aming dalawa.

"Sige pakasaya ka sir pag ako bumawi magsisi kang inasar ako," panannakot ko. Sinubukan ko lang baka sakaling matakot siya diba pero halata naman sa ekspresyon niya na wala lang ang sinabi ko.

"Wow natakot ako," sabi niya kaya sa sobrang inis ko inapakan ko ang kaniyang paa. nagtatalon siya dahil sa ginawa ko.

"I already regretting that I get you here!" sigaw niya habang pinapadyak pa ang kaniyang paa.

"Wala kanang magagawa, sinama mo na ako dito sir kung pagsisisihan mo pa iyan isusumbong kita sa police na pinilit mo akong dalhin dito ng hindi ko alam!" pananakot ko habang sumisenyas pa na parang lagot siya.

"The police will never believe you," sabi niya, nagtataka naman akong tinaasan siya ng kilay.

"Paano mo nasabi sir, sa panahon ngayon madami nang na re-rape na babae kaya hindi malayong pakinggan nila ako kasi babae ako like duhhh," sabi ko. Malakas siyang tumawa bago ulit nag-salita.

"The police will never believe because you are look more men than me," sabi nya. Aba bastos to ah, purkit baduy at hindi ako babae manamit mukha na agad lalaki? Hindi ba pwedeng may sarisarili lang taste ang bawat tao!

"Eh ikaw mukha kang BARBIE!" sigaw ko, dahil doon nagsitinginan lahat ng tao na dumadaan kung nasaan kami kasalukuyang nakatayo at kita ko namang natatawa sila sa narinig.

Masamang tingin ang binaling ni sir Brianze a akin. Balak na sana niyang mag-salita ng biglang may narinig kaming isang boses sa hindi kalayuan sa amin.

"Ang cute ng dalawang 'yon oh hon." Napalingon ako sa dalawang matanda na naguusap, sa tingin ko mag-asawa sila dahil nakahawak ang kanilang mga kamay.

Nginitian ko sila saka nag peace sign, kakahiya pala ng pinagsasabi ko haha napalakasan ko pa.

"You're so scandalous," bulong ng katabi ko. Wala sa sariling kinurot ko siya sa tagiliran.

"Aaarrraaayyy!!" sigaw niya, tumawa ako dahil tumingin nanaman 'yong mga tao samin

"Oh sinong magaling magiskandalo sa ating dalawa sir?" Pangaasar ko. Nakatanggap ako ng masamang tingin mula sa kaniya ngunit bigla akong napaatras ng makita kong humakbang ang kaliwa niyang paa.

Alam ko na ang mangyayari kaya dali-dali akong umatras at humanap ng tyempo at daliang tumakbo palayo sa kaniya. Kahit pa may tao sa mall na nakikita akong tumakbo hindi ko nalang pinansin ang mahalaga hindi ako maabutan ni tandang barbie.

Nang makarating ako mismo sa rooftop dahil gusto ko ding magpahangin naupo ako sa bench doon habang napapaypay ako sa aking mukha gamit ang aking kamay sa sobrang init at pagod dahil sa pagtakbo.

Mga ilang minuto akong nakaupo doon nang may biglang tumawag sa akin sa hindi kalayuan.

"Cely." Pamilyar sa akin ang boses kaya dalian kong nilungon kung sino 'yon.

"Jack!" Tawag ko. Siya ay isa kong barkada, loyal friend iyan at kahit anong gawin ko sa kaniya hindi siya magagalit dahil isa siya sa pinaka-close ko sa lahat. Sa ugali niyang mapanakit sa iba ay hindi niya pinapakita sa akin, lahat ng mga kalokohan kami ang nagkakasundo.

Matagal ko na siyang kilala simula highschool dahil sa pagligaw ko dati ng nag camp kaming magkakaklase noong time na 'yon magkaklase kami pero hindi siya namamansin pero ng bigla akong naligaw at naisakto naligaw din siya magkasama kami noon na hinanap kasamahan namin after noon kinakausap na niya ako.

"Wow akala ko pag nakita kita ulit magbabago na din pananamit mo, mukha ka paring tambay hahahah," tatawa-tawang sabi niya. Napasimangot ako dahil sa sinabi niya. Kakatanggap ko lang ng insulto kay sir Brianze sa pananamit ko tapos sumunod pa siya.

"Baka gusto mong masapak Jack Gallura?" Pagbabanta ko, ngunit ngumiti lang siya habang ang mga kamay ay tinaas na para bang sumusuko na siya.

"Sige sapakin moko bibigyan kita ng ipis." Napairap ako doon.

"Mukha mo walang isip dito," sabi ko at natawa siya kahit hindi naman nakakatawa ang sinabi ko, siraulo din ito eh.

"Iyan ang gusto ko sayo Cely eh, kaya mas lalo akong naiinlove." Tinitigan ko siya bago ko ipinakita ang gitnang daliri ko sa kaniya, pagkatapos noon kumuha ako ng barya sa aking bulsa.

"Oh piso bili ka ng candy para manahimik ka d'yan hanap kana din ng kausap mo baka magkasya 'yang binigay ko," sarkastikong sabi ko.

"Hahaha sa tingin mo piso makakahanap ako? Ni babae nga sa bar wala nang halagang piso Cely," sabi niya, pero kinuha din niya iyong piso na inaabot ko.

"Mamimili ka pa sa bar, maghanap ka ng pulubi problema ba 'yonz" pamimilosopo ko. Bigla niyang inabot ang ulo ko sabay gusot ng aking buhok. Wala naman akong pakialam sa ginagawa niya kahit pa magulo buhok ko magulo naman na talaga kahit hindi niya pa guluhin.

"Ang mukhang to pulubi? Wag nalang, sayo nalang ako," sabi niya habang ginugusot buhok ko. Magsasalita na sana ako ngunit may tuwag sa bandang likod ko.

"Cely..." sabay kaming napalingon sa bagong dating na biglang tumawag sa pangalan ko.

"Sir!"

Maid With You - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon