Chapter 18

1.8K 44 0
                                    

CELY

"Lagot ka sir," bulong ko sa kaniya. Hindi naman siya nakaimik dahil doon

Muli isang malakas na ubo ang nagpatigil sa aming dalawa doon na nagsalita si sir Brianze.

"Bianca," sabi lang niya hindi niya makuhang lapitan ito. Hindi ko din alam kung bago ngunit naglakad na din iyong bruha palapit sa pwesto namin

Ang akala ko si  Sir ang lalapitan niya ngunit nang makalapit samin nanlalaki ang aking mata nang bigla nitong hinila ang buhok ko, ramdam ko ang hapdi sa bawat paghigpit ng kamay niya rinig ko din mga bulungan ng mga empleyado. Doon handa na sana akong itulak siya nang mga ilang segundo lang nawala na din ang kamay niya sa aking buhok.

Hindi ko inayos ang buhok ko na napaangat si Sir pala ang nanghila sa kaniya mabuti naman at hinila niya kung hindi niya iyon ginawa bago pa ako mawalan ng pasensya manghihiram siya ng mukha sa manok.

"Ano bang problema mo?" tanong ko. Para kaming nasa pelikula dahil ang daming nanunuod pero wala na akong pakealam. Nangangati na ang aking mga kamao na bumasag ng mukha.

"Ikaw problema ko ang landi landi mo!" Nanlaki naman ang mata ko dahil doon.

"Anong kalandian ko ha? Bakit nakita moba akong hinalikan si Sie hindi naman diba?!" sagot ko. Napaduro na din ako sa kaniya hindi ko na din alam kung anong reaksyon ngayon ni Sir.

"Bianca that's enough!" Bawal ni boss
pero hindi nagpaawat yung girlfriend niyang eskandalosa. Nakita ko ding itunulak niya ang kamay ni Briaze bago ako sinamaan ulit ng tingin.

"Sa harapan pa talaga ng mga empleyado kayong dalawa naghaharutan!" Sigaw niya. Isang mahihinang bulungan ang akong naririnig mula sa hindi kalayuan hindi ko narinig kung ano ang pinagbubulungan nila dahil ang buong atnesyon ko dito sa babaeng kung makapanghugas ay wagas.

"Aba teka nga naman hindi harutan 'yon nagaasaran kami magkaiba iyon. Iyong naghaharutan naglilingkisan. Nakita mo namang gusto konang sapakin si sir dahil sa pangaasar niya diba, hindi lang din pala masama ugali mo mapanghusga ka din pala," sabi ko. Hindi ko siya nasagot doon sa bahay ni sir Briaze pero ngayon huwag niya akong aangasan bibigwasan ko talaga siya.

"Cely," biglang tawag sakin ni boss para pahintuin ako. Napabuntong hininga nalang ako. Ano pa nga ba baka mapasobrahan nanaman bunganga ko. Napagpasyahan ko nalang na manahimik ngunit ilang segundo lang nanlaki ang aking mata nang isang malakas na sampal ang binigay ni Bianca kay Sir Brianze dahilan kaming lahat doon napanganga.

"Ako pinapatamik mo ng may sigaw tapos diyan sa babaeng 'yan tinawag molang ng mahinhin 'yong pangalan, wow ha!" sigaw niya. Mukhang si sir na ngayon pinagiinitan niya.

"Bakit ganyan umakto si Bianca? May namamagitan ba sa kanila ni Mr.Chavez at saka wala namang masama sa pag-uusap nila noong babae na kasama ni Mr.Chavez," narinig kong sabi ng empleyado.

"Ang babaw mo naman, ako nga 'yomg hindi pa nakakapagtapos nakakintindi ako ikaw pa na may pinagaralan, sobra naman ng insecurities mo sa katawan," sabi ko bago ko nilapitan si sir Briaze at saka hinila paalis na sa lugar na iyon. Hindi naman iya nakapagreact kahit girlfriend niya pa 'yon dapat hindi siya ganoon umakto kahit baliktadin niya ang lahat boss din niya si Briaze.

Hindi ko lang alam kung magiging maganda pa tingin sa kaniya ng mga empleyado dito sabagay hindi ko naman na problema iyon....

Nang makarating kami sa opisina ni sir Briaze agad ko naman siyang hinarap.
"Sorry, sana pala hindi na kita inasar para hindi umabot sa ganito," nakayukong sabi ko. Ngayon ako nakaramdam na parang kasalanan ko nanaman ang nangyari pakiramdam ko laging ako ang dahilan ng pagaaway ng relasyon nila.

"No. Ok lang, huwag kang maalala sa mga empleyado kasi kakausapin ko naman sila then kay Bianca ako na bahala sa kaniya," sabi nya bago lumapit sa lamesa.

"Ok lang na iwan mo siya doon?" Tanong ko. lumingon naman siya sa akin.

"Kung kakausapin ko siya ng may nakakakita baka magiba pa sitwasyon, walang alam ang mga empleyado dito na kami ni Bianca at pag nangyari iyon magiging kawawa siya. Pinagusapan na din namin iyon ang kaso gumawa siya ng eksena kanina," sabi niya. Napatango-tango naman ako hindi ba parang pinapahalata naman niya 'yong relasyon nila ni sir Briaze kung ayaw niyang malaman ng kompanya hinding-hindi niya gagawin iyon o sadyang makapal lang talaga mukha niya.

"Sorry, pero pwede magtanong?"

"Ano 'yon?" Tanong niya habang pinagpapatong mga papel isahan.

"Hindi kaba ginayuma ni Bianca? Kasi tignan mo naman oh amsama ng ugali," walang hiyang sabi ko. Bakit kahit harapan ko na tanungin 'yon ang gusto kong kasing maging totoo.

"Hahaha Ii dont know," natatawa nyang sabi para bang hindi siya nasaktan na pinagsasalitaan ko ng masama girlfriend niya.

"Ayun tumatawa kana. kuhanin mo na lahat ng pipirmahan mo pagod na ako Sir, ang hyper ng girlfriend mo," reklamo ko. Nakita ko lang napapailing siya bago kinuha lahat ng mga pinapapatong niya kanina.

Naglakad siya palapit sa akin akala ko naman kung ano ang sasabihin niya pero biglang inabot sa akin lahat ng iyon na halos sasayad na ata sa baba ko sa sobrang dami.

Masamang tingin ang binigay ko sa kaniya habang yakap-yakap ko na ang mga papeles.

"Wow sir Brianze gentledog ka talaga," pamimilosopo ko. Nauna kasi siyang naglakad at nakasunod nalang ako sa kaniya.

"What the , gentle pwede pa pero dog? No way mas kamukha mo yun hahahah," tumatawnag sabi niya. Hilig niya talagang pagtripan mukha ko ano?

"Bwesit ka talaga tandang barbie," sabi ko. At saka nagdadabog na naglakad. Inunahan ko na siya. Napapatingin naman sa amin mga empleyado dahil glass lang ang nagmimistulanng parang pader kaya kitang-kita kaming naglalakad

"Sir ang tagal-tagal mo maglakad para ka talagang barbie mukha ka nangalang barbie kumilos kapa parang barbie," pati pinagsasabi ko hindi ko na din maintindihan. Sinimangutan lang naman niya ako nang walang sinasabi at iyon na nga tahimik kaming nakarating sa paradahan. Agad din naman akong lumuod nang matapos kong ilapag lahat ng buhay ko sa back seat ng kotse niya.

"Nga pala sir kaylan kayo nagkaroon ng relasyon ni Bianca bakit iyon lang unang beses na pinunta mo siya sa bahay mo?" Tanong ko. Pangbasag na din sa katahimikan ayaw ko mapanisan ng laway.

"We become partner after we came home from the mall." Napanganga naman ako mga dalawang lingo mahigit palang sila?

"Ganoon ba akala ko naman nakagawa na ako ng kasalanan, sige." Nakita ko siyang napakunot siguro hindi niya naintindihan ibig kong sabihin.

Ang totoo kasi naalala ko iyong araw na ninakawan ko siya ng halik kaya bigla ko tinanong, mabuti nalang talaga wala pa sila noong panahon na iyon kung meron siguro hindi ko alam baka magluksa ako dahil nagnakaw ako ng halik sa lalaking may girlfriend na.

"What do you mean?" Tanong niya. Lumingon ako bagong ngumiti ng bahagya. 'pero tama bang mahalin ang taong may mahal ng iba?'

"Wala iyon....."

Maid With You - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon