"Manang pumasok na po ba si Sir Brianze?" Tanong ni Cely nang magising siya kinabukasan.
"Kanina pa ijah, " sabi nito. Kasalukuyan na siyang naghuhugas ng pagkainan. Napakunot naman ng noo si Cely.
"Manang bakit hindi niyo po ako ginising?" Tanong niya dahil naramdaman lang niya na anong oras na pala siyang nagising at ni isa walang nanggising sa kaniya.
Unti-unting humarap ang matanda palingon sa kaniya bago ngumiti ng malapad. "Sabi ni Brianze huwag ka daw gisingin, hayaan daw kita magising magisa, alam niyang pagod ka dahil sa lakad niyo kahapon." Hindi maiwasan na mamula ni Cely dahil sa simpleng bagay na kaniyang nalaman.
"Talaga po sinabi niya 'yon?!" Sigaw ni Cely na ikinatigil ni manang dahil sa gulat ngunit kalaunan natawa nalang siya ng mahina dahil sa pagiging energetic ni Cely nang malaman niya ang bagay na iyon.
"Oo, basta huwag mo daw kakalimutan na dalahan siya ng makakain niya sa opisina, alam mo naman iyon, gusto niya ang luto mo," sabi ng matanda bago kumindat. Tumalikod na ito upang ipagpatuloy ang kaniyang hugasin.
Nang marinig naman ito ni Cely unti-unti niyang inangat ang kaniyang kamay upang idampi sa kaniyang pisngi, ramdamn na niya ng pagiinit nito at tila ba biglang nagkaroon ng battery ang buo niyang katawan at walang sabing pumunta sa basement kung nasaan ang mga cleaning tool, pakiramdam niya puno siya ng energy para maglinis ng buong bahay.
Nang makuha na niya ang kaylangan niya, inuna niyang linisan ang kwarto ni Brianze na magulo. Hindi nga niya mawari kung kaylan magbabago ang binata dahil parang hindi ito umaasta ayon sa kaniyang taon ngunit dahil sa masigla siya wala siyang reklamong nilinis ang damit ni Brianze pinagtutupi na niya iyon dahil wala na sa ayos at nagpalit na din siya ng punda ng unan at foam ni Brianze.
Inabot din siya ng alas dyes medya nang matapos siya at bigla namang kumatok ang matanda sa pintaun.
"Cely tapos kana ba? Ako nalang pupunta mamalengke dahil kaylangan mo pang magluto ng pagkain ni Brianze maiwan na kita dito ha?" Sabi ng matanda sa pintuan, agad naman naglakad si Cely palapit doon at binuksan ang pintuan.
"Kaya niyo po ba? Bakit hindi nalang po ako ang mamalengke pagkabalik ko po?" Tanong ni Cely dahil nag-aalala siya na baka mahirapan ang matanda na buhatin ang pinamili niya.
"Ikaw masyado mo akong tinuturing na matanda. Malakas pa ako at kayang-kaya ko iyon huwag kana makulit at alam ko naman nagtatagal ka pa sa opisina ni Brianze, hindi ba?" Binigyan niya ito ng mapanlokong tingin na biglang nagpainit ng tenga ni Cely.
"Manang naman!" Reklamo ni Cely bago tumingin sa ibang direksyon. Simula nang malaman ng matanda na wala na si Bianca at Brianze madalas niyang tuksuin si Cely na hindi naman makalampas sa pagtutukso nito.
"Hahaha siya punta na ko ijah, ingat ka dito huwag na huwag kang magpapapasok ng kung sino ha?" Marahan naman ngumiti si Cely bago tumango at 'yon na ang naging hudyat para maglakad na pababa ng hagdan ang matanda, kinuha lang niya ng kaniyang wallet sa kusina dahil nailapag niya 'yon bago siya lumabas sa pamamahay ni Brianze, sinigurado din niya na ni-lock niya ang gate bago pumara ng taxi.
Sa banda naman ni Cely naglakad na siya upang kuhanin ang basket kung nasaan ang mga maruruming damit ni Biranze kasama na doon ang punda upang ilagay sa loundry room. Wala pa siyang balak maglaba at dahil tuwing sabado sila naglalaba.
Nagtingin-tingin si Cely da buong bahay at naghahanap ng malilinis hanggang sa makita niya ang living room, malinis na ito ngunit dahil sa sinisipag siya kumuha na siya ng panlinis upang maglinis ulit doon.
—"Mom?" Tawag ni Brianze nang makapasok siya sa opisina ng kaniyang ama. Hindi inaasahan na makikita doon ang kaniyang ina.
BINABASA MO ANG
Maid With You - COMPLETED
RomanceSi Cely ay isang dalagang napagpasyahang mamasukan bilang isang katulong ngunit may nirokomenda ng kaniyang ina pero nang malaman niya ang magiging amo niya ay ang batang ninais niyang huwag nang lapitan pa, si Brianze isang isnaberong lalaki. Ngun...