Chapter 21

1.7K 49 0
                                    

"Who are you?" Nanlalaki ang aking mata nang tinanong niya iyon. May sayad ba siya? O baka naman nakalimot?

"Halla sir nakalimot ka?!" Tanong ko dahil sa natataranta na ako nayuyugyog ko na pati ang ulo niya. Natigilan lang ako nang hawakan niya ang aking pulsuhan dahilan para maialis ko ito agad, para akong napaso na ewan.

Inayos ko ang aking tayo sabay napapalunok ng malapot. "Ahhh s-sorry" nauutal na sabi ko. Napabaling pa ang aking mata sa kabilang direksyon dahil sa kahihiyan. Hindi ko alam pakiramdam ko namumula buong katawan ko dahil lang sa paghawak niya sa pulsuhan ko. Hindi naman iyon talagang palad at alam kong hinawakan niya lang iyon para patigilin ako.

"Akala ko naman kung sino, anong nakain mo at nagpa-bangs ka? Wait..." Hindi ako makatingin ngunit ramdam ko na tinititigan niya ako, "you wear make-up hahahahahha!" Tumatawang dagdag niya. Napakunot ang aking noo at tila ba pumunta lahat ng init ng aking katawan sa aking ulo bago marahan na liningon siya..

"Anong nakakatawa doon kung naka makeup ako?" Napapairap na sabi ko dahil sa bigla kong binasag trip niya. Bigla niyang binitawan ang papeles na hawak niya bago inilagay iyong kamay niya para haplusin ang kaniyang baba, maya-maya lang pinagmamasdan ko siya sa kaniyang susunod na gagawin at 'yon na nga ngumiti siya ng napakatamis dahilan upang mapatayo ako ng tuwid at agad-agad din naman nawala ang inis na nararamdaman ko kanina dahil sa ngiting iyon.

Isa ba itong spell na gayuma?

"I'm just happy to see you like that. For the first time hindi kana mukhang manang Cely hahhaha!" Natigilan ako. Hindi ko alam kung iniinsulto niya ba ako o hindi.

"Anong ibig mong sabihin sir?" Tanong ko ng mahinahon.

"You're beautiful.." sabi niya ng may ngiti sa labi. Napalunok ako ng malapot bago napabaling ang tingin sa ibang direksyon.

"A-ahhh ano s-sir pasok na a-ako haa!" Nang maisabi ko iyon nagmamadli akong lumabas ng mini glass, hindi ko nadin siya hinintay na magsalita.

Agad akong nakarating sa bilis kong tinakbo ang garden papunta sa entrance ng mansyon, nakakainis! Sa susunod ayaw ko na talaga mag ayos magkakaroon ako ng sakit sa puso nito.

Kasalanan ito ni Jack eh!

Nang makapasok ako sa kwarto agad kong binalibag ang aking sarili sa kama habang nakatulala lang naman akong napatitig sa kisame. Hindi ko alam kung ilang oras na lumipas nakatulala lang ako kahit wala namang malalim na iniisip humupa na din ang init ng aking pisngi at naibalik na din sa dating tibok ang aking puso, sa tingin ko kumalma na ako.

"Mas gusto ko pang iniinsulto mo ako kaysa sa puriin mo ako, nakakasama sa puso nakakainis naman!"

                                      —

Kinabukasan nakarinig ng malakas na katok si Cely galing sa labas ng kaniyang kwarto. Agad din naman niya itong binuksan. Ini-expect na si manang ang kumakatok upang sabihan na siyang gumising para makapaghanda ng pagkain ni Brianze ngunit habang kinukusot niya ang kaniyang mata na maluha luha pa .

Ang mga mata ay nagsasara bukas ngunit naimulat ng malawak ito nang makita si Brianze na nakatitig sa kaniya habang sapo sapo ang t'yan. Sumama ang tingin ng dalaga dahil sa halakhak na narinig niya mula sa binata. Agad siyang naglakad nilampasan ito dahil sa kakagising niya masana ang mood kaya niya nakuhang lampasan ang binata, hindi na inintindi kung amo ba niya ito o hindi.

"Morning manang," sabi niya nang makarating sa kusina

"Balita ko bukas na kayo pupunta sa probinsya?" Tanong ng matanda habang umiinom naman ng tubig si Cely. Tumango siya at sakto ding pumasok ng kusina ang binata.

"Bakit mo ako iniwan doon ha?! May sasabihin pa ako!" Sabi ng binata. Nagkibitbalikat lang naman si Cely.

"Ano iyon?" Tanong niya bago isinuot ang apron sa katawan, akma nang tutulungan si manang na magluto.

"I take a leave today then tommorow we will go to provinve pero tuturuan kita about sa english mo," sabi ng binata. Napatigil naman si Cely bago siya lumingon ng may ngiti sa labi. Tuwang-tuwa siyang napatakbo kung nasaan si Brianze at wala sa sariling napayakap sa binata.

Nanlalaki naman ang mata ni manang at Brianze habang nakayakap na si Cely sa kaniya.

Nang maibalik sa tamang wisyo si Cely agad siyang napahiwalay.

"Sorry natuwa lang," sabi niya. Masyado siyang natuwa dahil gusto talaga niyang matuto ng english para kapag nagsasalita na si Brianze maiintindihan niya at para hindi siya nagmumukhang walang alam.

"It's ok get the breaksfast at the mini house, I'll wait you there," sabi ni Brianze na agad na tumalikod. Nagtataka naman si Cely nang mapansing parang nagmamadali ang binata.

Habang si Brianze namang napakuyom ng kamao bago nagmadaling umalis.

"Anong nangyari doon?" Tanong ni Cely bago siya lumingon kay manang na nakangiti na tila ba inaasar siya sa kaniyang natunghayan.

"Manang among sinabi niya pwede niyo bang itagalog? Ang bilis eh," Tanong ni Cely. Napailing naman ang matanda.

"Sabi niya ipunta mo daw iyong umagahan niya doon sa glass house, hihintayin ka daw niya doon," sabi niya. Napatango naman si Cely bago nagmadaling tumakbo sa kwarto para makaligo, matapos no'n bumalik siya sa kusina para kunin ang umagahan ni Brianze ngunit nagtimpla muna siya ng kape bago siya pumunta sa garden, nadatnan ang binata na nakaupo sa lapag ng glass house na nasa tapat din ng glass na mababang lamesa sa gitnang bahagi ng mini house.

"Sir," tawag niya, bago inilapag doon ang pagkain ni Brianze. Hinintay lang naman siya ni Cely matapos at iyon nagsimula na niyang turuan si Cely.

Ilang minuto ang nakalipas parang nakasarado ang utak ng dalaga.
"Ang sakit sa ulo ayaw kona!" Mangiyak-ngiyak na sabi niya. Napakunot naman ang binata gusto nadin niya maiyak dahil sa hirap na pinagdadaanan niya habang tinituruan si Cely.

"Hinimay ko na hindi ba gusto ko matutunan mo muna ang verb pero napapapikit pa iyang mata mo!" Sabi niya. Iyon ang obserbasyon niya kanina habang pinapaliwanang sa dalaga ngunit napapapikit siya sa antok.

"Bakit hindi mo alam itong mga ito pinagaaralan ito noong elementary ha," sabi niya. Napaangat naman ng ulo si Cely.

"Hindi ko din alam wala akong maalala naaalala ko lang tungkol noong highschool pero napabarkada din ako kaya hindi ko din napagaralan," sabi niya. Napatigil naman ang binata para bang umurong ang inis na nararadaman at pagkawala nang pasenya turuan ng dalaga.

"Paano ka nakapasa ng 4th year highschool kung hindi mo alam ito?" Tanong ng binata. Nag-aalangan namang ngumiti ang dalaga bago napakamot sa kaniyang batok.

"Kumokopya ako sa pinsan mo syempre" sabi niya. Napabagsak agad ang balikat ng binata dahil sa narinig.

"Gusto mo ba matuto?" Tanong niya agad namang lumingon si Cely at tumango.

"Kung ganoon seryosohin mo, walang mangyayari sayo kung nagsisimula ka palang sumusuko kana," sabi ng binata. Napatulala naman si Cely, iniiisp ang sinabi ng binata. 'tama siya'

"Ok! Promise seseryosohin ko na ito!" Sabi niya. Inunat pa ang braso, napangiti naman agad si Brianze bago inayos ang upo napagpasyahan na ilabas ang tinatago niya sa ilamim ng unan sa tabi niya. Nakatingin namang si Cely habang natataka kung ano iyon habang si Brianze naman maingat na nilapag ang isang katamtamang kahon sa lamesa.

"Ano iyan?"

"Text book, nandyan na din lahat ng kaylangan mong aralin sa culinary course." Napanganga naman si Cely bago binuhat ang karton sa hita niya. Agad na binuksan ang kahon na may libro karamihan doon ay english text book.

"Wow salamat sir!" Tuwang-tuwa niyang sabi. Hindi naman mapigilan ni Brianze na mapangiti habang pinagmamasdan ang dalaga na tuwang-tuwa sa kaniyang nakikita.

Agad na napailing si Brianze nang maibalik sa tamang wisyo ang kaniyang isip. 'shit why am I smiling?'

Maid With You - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon