Chapter 38

1.5K 43 1
                                    

"Teka! Nasaan na ba siya?!" Natatarantang sambit ni Cely nang makapasok sila sa kompanya, tila naging bula si Brianze, mabuti nalang nakapasok sila kung hindi, hindi siya papapasukin ng grawdya, nagkataon din na si Brianze ang nagbuhat ng lahat ng pagkain na hinanda niya.

"Ahh ayun!" Natuwa siya nang makita niya anag isang lalaking may buhat na folder, ang tansya niya nasa 40's na ito at nakasalamin na din ngunit napanganga si Cely dahil may itsura parin ito, parang ang dad lang niya.

Naglakad palapit si Cely, doon na sana siya papasok sa isang room.

"Sir! Wait lang po!" sigaw niya bago siya lumapit.

Humarap ng unti-unti ang lalaki sa kaniya. "Yes?"

Hinihingal na napahingo si Cely sa harapan niya. "Ano po kasi.....nawawala ako, pwede po ba—"

"Ohhh are you the janitor I hire to clean my office for today? Wait here, I'll just give this file," sabi niya at nakanganga si Cely dahil hindi manlang siya pinatapos ng lalaki na magsalita.

"Ano po kasi-" sa pangalawang pagkakataon hindi nanaman siya pinatapos at iniwan siya doon bago siya naglakad sa loob, nakita naman niya na nagsitayuan ang mga empleyado sa bago yumuko.napakunot naman ng noo si Cely.

Maya-maya pa lumabas narin ang lalaki bago pinasunod si Cely wala nalang siyang nagawa kung hindi sumunod, tatanungin nalang niya ito matapos ang ipag-uutos sa kaniya.

Nang makarating sila, nakapunta sila sa napakalaking kwarto at ang laman ay maraming libro kasunod na nakakalat ang maraming papel sa lapag.

"Haha I been busy yesterday so I mess my things up. Can you arrange that? I'll pay you double." Tumango nalang si Cely alam niyang hindi suya paaalisin doon hanggang hindis uay sumusunod.

Kaya sinimulan ni Cely ayusin muna lahat ng libro papunta sa shelf, inayos na din niya ang arrangement. Matapos niya doon sinunod naman niya ang papeles, napansin na ang lalaki ay nagtratrabaho na sa lamesa niya kaya pinagpatuloy lang niya ang kaniyang ginagawa, maya-maya pa tagaktak ang kaniyang pawis na natapos at nilagay lang ang ilan sa mga kahon.

"Saan po ilalagay ang mga ito?" tanong ni Cely sa mga kahon habang tinuturo niya ito.

Umangat ang tingin ng lalaki at namangha dahil sa maikling oras natapos na ni Cely ayusin ang lahat.

"There. I have stock room, you can put that in that room." Turo niya sa isang nakasarang pinto. Tumango nalang si Cely bago pinagbubuhat ang lahat ng iyon. Lumipas lang ang dalawangput minuto natapos na rin siya sa wakas bago niya winalisan ang sahig.

"Tapos na po-" natigil siya dahil sa pagkalam ng kaniyang tyan kaya napatingin siya sa relo niya at tanghali na pala...

"Do you know how to stir a coffee? Can you make me one?" Request ng lalaki. Napabuntong hininga nalang si Cely dahil inaalala na wala siyang pera na dala para makabili ng pagkain..

"Sige po," sabi niya bago pumunta sa isang kwarto. Namangha dahil may sariling kwarto siya para sa mga kape, at doon siya nagtimpla, hindi na din siya nagtagal at nilabas na niya ang kape bago dahan-dahanng nilapag sa lamesa.

"Thank you," sabi niya bago tumingin sa kaniyang bag, nilabas niya ang kaniyang wallet at may inabot kay Cely.

"Here buy a food," sabi niya. Walang reklamo si Cely na kinuha iyon bago lumabas, ang lalaki naman humigop ng kape at nanlaki ang mata sa sarap nito. Unting-unti nalang magkalasa na sila ng timpla ng kaniyang  pinakamamahal na asawa.

"That kid..."

                                    —

"Did you saw a girl wearing pants and blue plain t-shirt? She also bond her hair," paliwanag ni Brianze sa empleyado na nakita niya nang makalabas siya sa opisina, naalala niya bigla si Cely dahil tanghali na, pinabayaan talaga siya nito para makagala sa kompanya.

Maid With You - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon