Chapter 22

1.7K 46 1
                                    

"Hoy manang Cely pakibilisan mo d'yan," tawag ni Brianze sa kaniya habang si Cely naman ay naglalakad papuntang compartment para ilagay ang gamit nila. p
Pupunta na sila sa probinsya dahil may aasikasuhin si Brianze doon at upang dumaan na din sa imbitasyon ng mga nakita nila sa mall. Walang tiwala si Brianze ngunit ilang pilit na siyang kinukulit ni Cely kaya wala siyang magawa kung hindi pumayag.

"Teka naman kasi tandang barbie wala pa yung si Jack eh— oh and'yan na pala sya." Matapos niya mailagay iyong gamit nila tumingin siya sa paligid saktong nakita niya agad ang motor ni Jack papalapit, tumakbo siya papunta sa kaniya at iyon na nga bumaba siya sa motor niya

Nang matanggal niya iyon pinasalubungan agad siya ni Cely ng sapak sa braso dahilan upang mapangiwi siya.

"Aray naman Cely hindi ka parin nagbabago," sabi niya habang napahawak sa baraso.  Napakindat naman si Cely at natatawa sa kaniyang ginawa.

"Naman hahha wala naman kaylangan baguhin ano ka ba, kamusta na katawan mo ang sabi mo sa akin kagabi masama pakiramdam mo dahil sa nangyari kahapon ganoon ba katigas katawan ng nakabungguan mo at sumakit iyang katawan mo?" Tanong niya sa wari nang nakita sakto lang ang katawan ng lalaking nakatalikod sa oras na iyon ngunit mas maganda parin ang katawan niya kay Jack.

"Oo bakal ata katawan no—"

"Magkwe-kwentuhan nalang ba ako d'yan?!" Natigil silang dalawa nang marinig ang sigaw na iyon napasama ang tingin ni Cely maging si Jack at gulat na gulat sa narinig sa unang pagkakataon nakatagpo siya ng babaeng masama ang ugali.

"Hindi kami nagkwe-kwentuhan sumamayaw ata kami," sagot ni Cely sabay napairap. Dahil doon napalitan ang ekspresyon ni Jack sabay natatawang napapailing

"Totoo ngang masama ugali niyang girlfriend ng boss mo," sabi ni Jack. Nagkibitbalikat nalang si Cely bago sila sabay na sumakay sa kotse ni Lucas sa bandang likuran. 

"Balita ko kay tita pinayagan kana niyang mag-aral sa pasukan paano ba iyan sa akin ka sasabay," sabi niya. Napangiti naman si Cely dahil noong highschool pa silang dalawa kay Jack talaga siya sumasabay na pumapasok napagkakamalan din silang mag kasintahan sa tuwing sinusundo siya ni Jack.

"Hmmm oo naman," sagot ni Cely sa kabilang banda naman napatingin si Brianze sa salamin habang nagnanakaw ng sulyap ng nasa likuran.

"Mag-aaral pa mukhang katulong lang naman ang mapupuntahan niya." Natigil silang dalawa nang marinig nanaman ang boses na iyon.

"Jack diba alam mo ang ayaw na ayaw ko sa lahat 'yong may nakikisabat," sabi ni Cely. Tumango naman si Jack ayaw niyang makipagaway si Cely ngunit may parte sa kaniya na nababagay sa babae na makatikim ng leksyon niya sa pagiging masama ang ugali nito.

"Masyado kalang kasing umaasa," sabi nanaman niya. Tinignan ni Brianze si Bianca upang patahimikin na pero hindi siya pinansin ng babae, habang si Cely naman ay napakuyom ng kamao pinipigilan ang sariling huwag patulan ang babae.

"Mas maganda na 'yong umaasa dahil sinusubukan ko hindi 'yong puro asa nalang alam ko na hindi lahat ng bagay nakukuha basta-basta, hindi katulad sa pagkuha mo kay sir, tama ba? Just saying." Napatingin si Brianze at Jack kay Cely nang marinig itong. Magsalita ng maikling english word dahil magdamag din siyang nakamulat kagabi idagdag pa ang magdamag siyang tinuruan ni Brianze buong maghapon. Dahil din doon may nga natutunan siyang basic english word.

Gusto man punahin ni Jack iyon ngunit hindi ito ang tamang pagkakataon.

"Atleast ako nakuha ko ikaw ba makukuha mo ba 'yang gusto mo?" Napatanggal ang pagkakasandal ni Cely sa upuan handa nang manapak nang hinila siya pabalik ni Jack habang nakayakap ang kamay sa braso ni Cely upang pigilan ito dahil nagpupumilit na gumalaw si Cely.

"Both of you enough!" Sigaw bigla ni Brianze. Nakita din niya ang posisyon ni Cely at Jack. Hindi mawari kung bakit mas nagalit siya sa kaniyang nakita idagdag pa na nakikita niya ang tunay na kulay ng kaniyang kasintahan.

Natigilan silang lahat dahil sa sigaw na iyon.
"If you won't stop this argument I will throw all of you out of this car!" sigaw niya. Natahimik silang lahat maging si Bianca nabalik ang tingin sa harapan at inayos ang upo.

                                        —

"La, I'm going home now, I'm on my way," sabi naman ng binata sa kabilang linya.

"Sige apo your mom already miss you," sabi ng matanda. Napabuntong hininga naman ang binata.

"Yes I know it by the way why you suddenly want me to go home?" Tanong naman niya habang ang tingin ay nasa daan parin.

"We have a visitor tommorow want to hang out with them? You're always busy at your job you should rest too," sabi niya. Napailing nalang siya dahil sa ilang araw na siyang pinipilit ng kaniyang lola upang umuwi lang.

"Who are they? Why you invite someone we didn't even know?" Tanong ng binata sa kabilang linya. Biglang natigilan ang matandang babae bago tumingin sa gilid ng kwarto.

"I will tell it when you arrive, don't rush from driving ok?"

"Ok la, I'll go now," sabi ng binata bago pinatay ang tawag at nagfocus nalang sa pagmamaneho.

"Manang prepare Favian favorite food he will come here," sabi ng matanda sa tauhan ng kusina. Magkatabi lang ang bahay nila at ang bahay ng anak.

May malalim silang dahilan kung bakit nila niyaya ang dalawa doon sa bahay nila at malalaman din iyon ng lahat.

"Hon natawagan mo na ba siya? Alam na ba niya ang nangyayari?" Tanong sa kaniya ng kaniyang asawa na kakalabas lang sa kwarto nila at kasalukuyan nang naglalakad pababa.

"Yes noong una nagulat siya sa nalaman gusto nga niyang pumunta dito pero hindi pwede at nahihirapan siya mag byahe siguro pag may pagkakataon tayo pupuntahan natin siya upang magpasalamat," sabi niya habang nakangiti napahaplos sa kwintas na hawak-hawak niya.

"Sila Kailey at Dave nalaman na ba nila?" Tanong niya. Napabuntong hininga siya dahil sa tanong na iyon.

"No...." Natigilan ang asawa sa narinig.

"But you have to tell it to them as soon as possible," sabi niya bago naglakad papuntang sofa.

"I know, there's will be a way for that..."

Maid With You - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon