Chapter 37

1.4K 39 0
                                    

"G-girl? Hahahahahaha you make me feel disgusted." Nanlaki ang mata ko at tila nahilti akong mapaiyak. Iyon na din ang huli niyang sinabi bago ito umalis at mabilis na pinaharurot ang sasakyan.

Mas lalong lumakas ang hagulgol ni Bianca dahilan upang mapatakbo si Cely palapit sa kaniya.

"B-Bianca.... Ano...mas mabuti pa na ihatid na kita kung saan bahay niyo, ako nalang kakausap kay sir Brianze." Hindi naman kumibo si Bianca at patuloy lang sa paghikbi kaya inalalayan siya ni Cely na lumabas ng parking lot bago siya pumara ng taxi sa labas ng mall at sinuwerte naman sila dahil hindi na nila kaylangan magtagal para maghintay.

Habang nasa taxi pinapatahan ni Cely si Bianca hanggang sa kumalma siya. "Pwede bang sa *** Street nalang ako?" Tanong niya. Tumango si Cely bago sinabi sa driver kung saan sila pupunta at hindi din naman natagalan nang makarating sila.

Laglag ang panga ni Cely nang makita ang isabg malaking bahay na kasing laki ng bahay ni Brianze.

"B-bahay niyo ito? Wow ang ganda," sabi niya habang tumitingin sa harapan. Pinaghalong glass, wood, at cement ang bahay at napansin ni Cely na design lang ang may wood part.

"No, it's Ashlyn house. I'll try to talk to her... thank you for what you've done Cely, I promise I'll make up to you when the promblem is done," sabi niya. Nanlaki ang mata ni Cely.

"Ano kaba ayos lang 'yon. Sigurado ka bang ok kana dito? Aalis na ako ha, ingat ka. Balitaan mo nalang ako pag ok na kayo ni Ahslyn, ganoon din gagawin ko pag nakausap ko na si sir Brianze." Tumango si Bianca at doon na sila napaalam sa isat-isa.

Sumakay sa taxi si Cely na hinihintay niya bago sinabi ang address ng bahay ni Brianze.

Nang makarating siya pumunta siya sa bar counter sa bahay ni Brinaze dahil sigurado siyang nandoon lang ang binata, at tama nga siya nang maidala siya ng kaniyang paa sa pwesting iyon.

Unti-unting umupo si Cely sa tabi ni Brianze... "Sir..." Paninimula niya. Inagat ni Brianze ang kaniyang ulo, pansin na din dito ang pamumula ng kaniyang mukha at magulo nitong buhok maging ang mata ay may namunuong luha, lahat iyon napansin niya. Sa unang tingin hindi maiwasan ni Cely na makaramdan ng kirot sa kaniyang puso nang mapagmasdan kung ano ang nararamdaman ng binata sa mga oras na iyon.

"Ohh you came back? Gusto mong uminom? K-kumuha ka ng baso doon, iabot mo na din yong ice cube sa freezer..." Utal-utal nitong sabi habang hawak-hawak ang bote ng alak. Napasimangit naman si Cely bago mabilis humarap sa harapan.

"Sir Brianze ang totoo niyan narinig ko ang lahat..." Pagsabi niya ng totoo dahilan na mapatigil sa paglaklak ng alak si Brianze bago tumingin kay Cely.

"W-what do y-you mean? Hahahahah," tumatawang tanong niya pero bakas sa boses niya na ang hirap sa pagtawa, tila ba ito ay pilit lamang.

"Kasi..... Ako ang nagsabi kay Bianca na kausapin ka dahil mas maganda nang malaman mo ngayon kaysa magtagal pa..." Napapikit si Cely matapos niyang maisabi iyon kasunod ng isang malakas na tunog ng bote na nabasag sa sahig dahilan upang mapaigtad siya.

"Both of you are funny, kung sana hindi ka nangealam masaya pa ako ngayon! So ikaw pala ang nagsabi sa kaniya na kausapin ako?! HAHAHAH." Tila ba nawala na siya ng katinuan. Pinilit intindihin ni Cely na kaya sinasabi 'to ng binata dahil lasing siya at may pinagdadaanan.

"Y-you know what I d-did all the things to help you pero anong ginagawa mo?! Tinulak mo siyang sabihin ang totoo! Bakit ba pinagdedesisyonan mo ang buhay ko?! Wala kang pakealam sa dapat kong maramdaman! Magtagal man iyan, pinagtiisan ko nga ng ilang taon hintayin siya!" Marahas na napatayo si Cely kahit na naapakan niya ang bubog ngunit hindi manlang siya dumaing.

Maid With You - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon