Chapter 27

1.5K 46 0
                                    

"Cely!!" Nagising ako sa malakas na katok mula sa kwarto na pinagtutulugan ko.

Kinusot ang aking mata sabay mulat nito napakusot din ako ng marahas sa aking buhok bago ako tumayo sa kama at nagsimula nang maglakad papuntang pintuan.

Nang mabuksan ko ito bumungad agad ang mukha ni sir Brianze sa akin, nakakunot ang noo. Ano nanaman kaya problema ng taong ito maayos lang siya kagabi ah huwag niyang sabihin may ginawa akong masama habang natutulog.

"Ano iyon sir?" Tanong ko ng mahinahon.

"I can't find Bianca to her room did you see her?" Sabi ko na nga ba. Bakit sa akin niya hahanapin girlfriend niya hanapan ba ako ng nawawalang kasintahan?

"Hindi. Ginising mo nga lang ako diba sir? May nangyari ba?" Tanong ko ulit bago ako lumabas. Nagsimula kaming maglakad pababa nang makababa kami nadatnan namin si Jack na nakaharap na sa lamesa nakayuko ang ulo para bang antok na antok parin ito.

Napangisi ako bago dahan-dahang lumapit sa kaniya. Nang makalapit ako bigla kong inihampas ang aking kamay sa lamesa dahilan upang manlalaki ang kaniyang matang napaangat ng ulo. "Cely?!" Sigaw niya. Tumawa lang ako bago tumabi sa kaniya, napansin ko namang umupo sa harapan nakin si sir Brianze na nakakunot parin ang noo.

"Nasaan sila Mr and Mrs.Myer?" tanong ko sa kaniya. Nagkibitbalikat lang naman siya bago napatingin kay sir Brianze at sumama ang tingin. Napakunot naman ang noo ko doon, may balak pa ata siyang makipagbangayan ng sobrang aga.

"Nga pala nakasalubong ko kanina si Bianca sabi niya mauuna na daw siyang umuwi dahil sa may aasikasuhin daw siyang mahalaga pinasabi niya na huwag na daw tayo sumunod," sabi ni Jack. Nagtinginan naman kami ni sir Brianze. Siguro nga may problema talaga 'yong babaeng 'yon.

Marahas na napatayo si sir Brianze bago ito nagsalita. "Cely pack your things we'll go back now," sabi niya. Tatango na sana ako nang biglang napatuwid ang aking upo dahil sa malakas na tunog nang isang palad na inihampas sa lamesa.

"Nakikinig ka ba? Hindi ba sinabi ko na ang sinabi niya huwag na tayo sumunod? Kung may problema man kayo ng girlfriend mo hayaan mo muna siya makapagisip," sabi ni Jack. Ngayon ko lang narinig sa kaniya iyon pero may tama naman siya.

"You're the one who didn't understand what's happening! Sa tingin mo malalaman ko ang problema kung hindi ko siya hahabulin?!" Sigaw pabalik ni sir Brianze. Gusto ko sila pigilan pero parang naputol dila ko.

"Naiintindihan ko pwede ba kung gusto niya ng space bigyan mo siya kasi wala ding mangyayari diyan sa ginagawa mo!" Sigaw pabalik ni Jack. Hindi ko na alam gagawin ko.

Hindi parin ako nakapagsalita nang marahas na tumalikod si sir Brianze para umalis. Nang makalabas na siya ng kusina doon ako natauhan tumayo ako ngunit naramdaman ko ang kamay ni Jack na hinawakan ang aking pulsuhan kaya agad naman akong napatingin sa kaniya.

"H'wag mo na siyang sundan," sabi niya pero umiling ako bago dahan-dahan inalis ang kamay niya na nakahawak sa akin at tuluyan ng umalis.

Nang makalabas ako nakita ko ang likuran ni sir Brianze kaya agad ko siyang sinundan.

"Sir!" Sigaw ko pero hindi niya parin ako nililingon hanggang sa makarating kami sa pool hahakbang na sana ako nang bigla nalang parang tumigil ang lahat hindi ko na alam ang nangyayari ngunit ramdam ko na ang aking pagbagsak sa tubig. Nang maiahon ko ang aking mukha napapunas ako sa aking mukha kasunod na hinawi ko ang bangs ko.

"Cely!" Rinig na sigaw ni boss kasunod nang makalapit siya sa akin kasalukuyan na niyang inilahad ang kaniyang kamay, agad ko naman itong kinuha handa na sana akong magpasalamat nang may mapansin akong limang na taong nakatayo sa likod ni sir Brianze.

Mahiya-hiya akong napayuko dahil nakita ko sila Mr and Mrs.Myer baka isipin nila na lumangoy akong walang pahintulot.

Nang mapansin naman ni sir Brianze na may tinitignan ako agad din siyang lumingon ngayon lang siguro niya nahalata na may tao na pala doon.

Nang tumingin ako sa kanila napansin ko ang pagiba ng kanilang ekspresyon, nanlalaki na ang kanilang mata pwera kila Mr and Mrs.Myer. Nagtataka naman ako kung bakit ganoon reaskyon nila pero nahalata kong nakatulala sila sa akin.

Naramdam ko nalang ang ang pagpalibot sa akin ni sir Brianze ng Jacket niya hindi ko makuhang kiligin dahil napakataas ng tensyon ng pagtitig sa akin ng mga taong ngayon ko lang nakita.

"Thank you," bulong ko kay sir Brianze.

"Sino ba nagsabi sa iyo na lumangoy ka?" Tanong niya napasimangot ako dahil doon.

"Ilan nakuha mong palaka?" Tanong niya, mas sumama ang aking mukha sa narinig pero nahalata ko na napatingin siya sa aking noo.

"Woah you have a birth mark on your forehead?" Tanong niya. Napatakip ako sa aking noo hindi na din namin naalala na may tao pa pala kaming kasama doon basta iniisip ko na nakita niya ang balat ko.

"Don't be afraid bakit ganiyan ka maka-react? Natatakot kaba na laitin kita? I won't do that it's look cool!" Ito ang unang pagkakaton na may nagsabi sa akin na isang tao ang ganito, naalala ko noong grade 1 palang ako noong panahon ba hindi pa ako nag ba-bangs mga kaklase ko ako ang tampulan ng tukso dahil sa balat ko na ito para daw may dugo ang aking mukha, nakakatakot daw ako.

"Tatlo 'to meron sa likod ko at sa talampakan ko," sabi ko ng masigla. Natuwa kasi ako parang nawala sa isip niya iyong si Bianca at sa unang pagkakataon nakatanggap ako ng hindi panlalait nang makita balat ko kahit hindi din naman minasama ni Jack sa akin dati pero ito ang unang pagkakataon an may namangha dahil lang dito.

"Namana mo ba iyan sa mama mo?" Tanong niya, umiling naman ako ng ilang beses.

"Hindi syempre wala naman ganito si mama at si papa," sabi ko habang umiiling. Magsasalita na sana siya nang makarinig kami ng tikhim.

Napalingon kami, doon lang kami natigilan nang maalala na may tao pala doon nakalimutan talaga namin mahiya-hiya kaming tumango.

Napansin kong nakangiti si Mrs.Myer pero pansin ko na maluha luha siya, napakunot ako, bakit kaya siya ganoon?

Napansin naming naglakad sila palapit sa amin ngunit napatayo ako ng tuwid nang hinawakan ng isang magandang babae ang aking pulsuhan habang tinitignan ako ng kaniyang napakagandang mata pero parang pamilyar mukha niya saan ko ba siya nakita?

"Maari ko bang malaman kung ano ang pangalan ng magulang ko?" Tanong niya. Nagtataka man pero mukhang wala namailn siyang masamang gagawin kung sasabihin ko hindi ba?

"Cecelia Ramos at Reccy Ramos po." Tila ba naramdaman kong nanlambot ang pagkakahawak niya sa akin kasunod ng bigla nalang itong muntikan matumba ngunit sinapo siya ng isang lalaki na napaka gwapo kahit medyo may edad na din ito.

"Kai!!"

Maid With You - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon