Chapter 42

836 18 0
                                    

Lumipas ang ilang araw matapos mangyari ang kahihiyan na ginawa ko syempre ilang ako kay Sir Brianze nung unang araw, ewan hindi lang din ata ako ang umiiwas pati din siya.

Nitong nakaraang araw pumunta kami sa mga barkada ko tapos nakikita ko kay Sir Brianze na hindi na talaga siya galit sa kagaya nila Bianca dahil nakikisama siya at mas lalo nga siyang napalapit kila Eya at Sheila, nakakaselos tuloy hahahah pero biro lang.

Noong gabi kasama ko barkada ko kasama si Sir Brianze na pumunta ng bundok mga gabi na iyon dapat ang aya nila Recky sa perya kami pero nagreklamo si Jack dahil sabi niya nakakaburyong na daw doon at lagi na nalang sila nandoon, kaya nag-stay nalang kami sa bundok, mabuti nalang hindi pinagbabawal pumunta doon, may nag-ca-camping pa nga eh pero pag gabi meron ng entrance at mahigpit na ang mga gwardya nilibre naman kami ni Sir Brianze kaya ok lang.

"Sir Brianze anong ginawa mo?" Pagtawag ko kay Sir Brianze. Hindi kasi niya ako inutusan magtimpla tapos pinapanood ko lang siyang maglakad papunta sa kusina, sinundan ko siya at nadatnan ko siyang nagtitimpla ng kape. Teka! Ano nilalagay niya? Asin?!

Patakbo akong lumapit sa kaniya bago ko hinablot ang kape na akma na niyang iinumin.

Anong nangyayari dito?

"Sir anong nagyayari sa'yo?" Tanong ko dahil sa lakas ng boses ko bigla siyang napatingin sa akin at parang doon lang siya natauhan.

"Huh? Ohhh nothing..." sabi niya na parang wala parin sa sarili. Hindi ko maiwasan magtaka. Bakit siya nagkakaganun, pero pinabayaan ko lang baka napuyat lang siya.

Nagkibitbalikat ako bago naghanda ng makakain niya, lagi naman akong nagluluto para sa pangtanghalian niya.

Maya-maya pa bumungad si sir sa kusina bago tinignan ang aking ginagawa, maglalakad palang siya palapit natisod na siya agad, dahilan para mapakunot ako pero mabuti nalang hindi siya napatumba.

"Sir may problema ba?" Tanong ko. Hindi ko na talaga matiis sa tingin ko kasi may kakaiba sa kaniya ngayong araw na ito. Hindi naman ganito si Sir Brianze at kung gusto niya ng kape magpapatimpla siya at sino ang matinong magtitimpla na asin ang ilalagay imbis na asukal?!


"Nothing. Hindi pala ako papasok ngayon." Naglakad siya paalis at nauntog pa siya sa pintuan. Pinanood ko siyang hinilot ang kaniyang noo bago binuksan ang pintuan ng kusina.

Inilapag ko ang kutsilyo at handa na sana siyang sundan pero bumungad si manang na ang mukha din ay nag-aalala, alam kong meron siyang alam kaya naglakad ako palapit sa kaniya.

"Manang may nangyari ba? Bakit biglang nagkakaganun si Sir Brianze? Nagtimpla kasi siya ng kape tapos asin 'yong ilalagay niya tapos madalas din siyang mauntog o di kaya matitisod." Kumunot ang noo niya bago napabuntong hininga.

"Anong araw na ba ngayon?" Tanong niya. Nagtataka man ako pero tinignan ko sa cellphone ko kung anong date na.

"October 18 po," pagsagot ko bago binalik sa bulsa ang cellphone ko.

"Alam ko hindi ko pwedeng sabihin ito sa iba pero nagkakaganyan lang si Brianze dahil sa isang dahilan..." Hindi ko parin talaga maintindihan ang nangyayari.

"Ano po iyon?" Tanong ko. Gusto kong tulungan si sir Brianze pagaanin ang loob niya at malaya niyang masasabi sa akin nararamdaman niya.

"Cely ito ang araw na kinupkop siya ng magulang niya na si Mr and Mrs.Chavez," sambit niya. Napanganga ako sa aking nalaman.

"Po? Ibig sabihin po ampon din po si Sir Brianze katulad ko? Meron din po siyang tunay na magulang?" Tanong ko. Naiintindihan ko na bakit ganoon siya nung panahon na kinakausap ko siya, alam kong may kakaiba pero hindi ko alam na ganito pala kalalim ito.

Maid With You - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon