"Brianze, Cely......" tawag ng isang tinig na pareho nilang kilala.
Unti-unting humarap si Cely ngunit ramdamn niyang hindi humarap si Brianze.
"Bianca?" Pagkukumpirma ni Cely. Lumapit sa kaniya ang dalaga bago hinawakan ang kamay ni Cely.
"Brianze..... Gusto sana kita makausap." Tinitigan ni Cely si Bianca bago unti-unting tinanggal niya ang kamay ni Bianca na nakahawak sa kaniya bago naglakad sa harapan ni Brianze na nakatalikod parin.
Tinitigan siya ng binata nang nakatayo si Cely mismo sa harapan niya. Ngumiti ng malawak si Cely upang isabi sa binata na magiging ok din ang lahat. Tinapik ang balikad nito at tumingkayad siya bago nilapit ang kaniyang labi sa tenga ni Branze para bumulong.
"Sir Brianze magiging ok din ang lahat, alam ko pag nakausap mo na siya ng maisinsinan mas mawawala ang tinik na nasa puso mo. Kaya mo yan ha doon dito lang ako, fighting!" Pagpapalakas nito ng kaniyang loob, maya-maya pa kumurba na din ang ngiti ni Brianze sa kaniyang labi bago marahang tumango.
Matapos no'n ay humarap na din sa wakas si Brianze at tumango kay Bianca. Nakahinga naman ng maluwag ang dalaga dahil doon.
"Let's talk to the garden," sabi ni Brinaze, bago naglakad na mauna nilingon naman ni Bianca si Cely bago tumango ng nakangiti nag-thumb ups lang naman si Cely na mas ikinangiti ni Bianca.
—
"Bakit niyo ako pinatawag? Meron na ba kayong maipapautang sa akin?" Tanong ng isang lalaki na kakapasok lang sa isang maliit na bahay habang nakaupo doon ang dalawang taong nakaharap sa kaniya nasa sulok sila at tila hindi maaninag ang mukha.
"Wala ngunit meron kaming alam na paraan para magkapera ka," sabi ng isa sa kaniya bago malawak na ngumisi.
"Ano?" Tanong nito. Isang malaking trahedya para sa kaniya ang mawala lahat ng kaniyang ari-arihan kaya buhos kayod ito upang magkapera ngunit inilalaan lamang niya ng lahat ng ito sa alak.
Ngumisi ang dalawa bago nagkatiginan, ang isa naman inayos ang upo bago nagpalumbaba sa armrest sabay inabot ang piraso ng kaniyang sigarilyo at ito'y sinindihan.
"Simple, ligpitin ang dapat ligpitin, pakinabangan ang dapat pakinabangan at iyon lang ang dapat mong gawin."
—
Kalahating oras na walang nagsasalita kila Bianca at Brianze habang nakaupo sila sa damuhan sa garden ni Brianze.
"Wala kabang sasabihin?" Tanong niya dahil alam niyang kanina pa naghihintay si Cely doon dahil pinangako nito na maghihintay siya sa kaniya hanggang sa matapos silang dalawa.
"A-ano..." Napakunot si Brianze dahil para bang hindi ito ang Bianca na nakilala niya.
"Ikaw ba talaga si Bianca?" Tanong niya habang nakakunot parin ang mga noo.
Mahinang natawa si Bianca bago tumango. "Sorry sa lahat ng nagawa ko, sorry kung iniba ko ugali ko para lang ma-turn off ka."
Napalunok si Brianze dahil naibanggit na din ito ni Cely sa kaniya ngunit noong una hindi talaga siya naniniwala pero ngayong si Bianca na mismo ang nagsabi dito na siya naniwala.
"Cely already told me about that," sabi ni Brianze at ngayon kasalukuyan na siyang nakatulala sa kalangitan, tila ba naghahanap siya ng bituwin ngunit wala siyang makita ni isa.
"Hmmmm si Cely talaga... Pumunta ako dito kasi gusto kong mapatawad mo ako... Hindi ko lang 'to ginagawa para maayos ang relasyon namin ng girlfriend ko kundi gusto ko din malaman mo na nagsisisi ako Brianze. Sorry... Sorry kahit anong gawin ko hindi ko talaga kaya... Sorry kung napaasa kita." Natahimik sila sa isang pagkakataon ngunit maya-maya pa napabuntong hininga si Brianze.
"I forgive you Bianca, gusto ko din humingi ng tawad dahil sa naisabi ko, hindi ko sinasadya na maliitin ang kagaya niyo hindi ko lang talaga napigilan ang sarili. Huwag kang mag-alala, malaya kana." Namuo ang luha sa mata ni Bianca dahil sa narinig at wala sa sariling napayakap siya kay Brianze na ikinatigil nito.
Hindi na niya naramdaman ang pakiramdan noon nang niyakap siya si Bianca, iba na ang nararamdaman niya kaya napangiti nalang siya nang ma-realize 'yon.
"Thank you..." sabi niya. Maya-maya pa natawa silang dalawa bago naghiwalay ng yakap. Pinunasan naman ni Bianca ang sarili niyang luha.
"You should give thanks to Cely, she'd been pushing me to forgive you and I finally know what she's talking about earlier," sabi ni Brianze habang nakangiti. Natigilan naman si Bianca bago tinitigan si Brianze, tinitignan ang kaniyang mata, hindi makapaniwala sa ngiti nitong kakaiba at alam niya ang mali doon, iyon ay ang ibang pagngiti niya noong sila pa at ngayon wala na sila mas nakikita niya ang saya sa mata ni Brianze kahit hindi pa niya ito sabihin.
"Hmmm, swerte mo kay Cely," bulong niya habang nakayuko ngunit siya'y nakangiti.
"What?" Tanong niya dahil hindi niya ito narinig. Umangat ang tingin ni Bianca bago ngumiti at umiling.
"Nothing hahaha. So this is goodbye?" Tanong ni Bianca baka kasi ito na ang huli nilang pagkikita.
"No we can still friends?" Tanong niya na ikinatigil ni Bianca, ang inaasahan lang niya ay mapatawad siya ni Brianze ngunit hindi ang kaibiganin pa siya matapos ng nangyari.
"Brianze, you're a wonderful person. I know you will met someone who as wonderful like you," sabi ni Bianca, isa na din itong pagsangayon sa sinabi ni Brianze.
"Hope so." sabi niya bago tumingala, iniisip kung sino ba ang taong magtatagal sa kaniya ng ganoon.
"Bianca can we just be together again?" Biglang pagbuwag ni Brianze ng katahimikan na ikinatikom ng bibig ni Bianca.
"I thought we talk about it already?" Sabi ni Bianca habang nakayuko. Maya-maya pa bigla siyang nakarinig ng mahinang tawa kaya muling inangat ang tingin sa kaniyang harapan.
"Haha I'm just kidding. So can I see who's the girl you're talking about?" Tanong niya. Doon naman nabuhayan si Bianca bago nilabas ang cellphone niya at pinakita kay Brianze ang picture ni Ashlyn at nanlaki ang mata niya nang makita ang babae.
"May problema ba?" Tanong niya. Sinenyasan siya ni Brianze na lumapit. Bumulong siya kay Bianca kaya bigla din nanlaki ang mata nila.
"Now you know you can pursue you parent to be with her," sabi ni Bianca. Tumulo ang kaniyang luha, doon naman tumayo si Bianze bago nagpagpag ng kaniyang short.
"Brinaze!" Tawag ni Bianca nang makatalikod na siya. Natawa si Brianze dahil natatanaw na niya si Cely na nakaupo sa simento habang nakayuko. Alam nyang natutulog na ito.
"Kung sakali ba, kaya mo pang magmahal ulit?" Tanong ni Bianca. Napatayo naman ng mabuti si Brianze.
"I think so..." Alam niya hindi lang si Bianca ang nag-iisang taong magpapatibok ng puso niya.
"Alam ko na alam mo kung ano ang nararamdaman ni Cely sa iyo? Hindi ba?" Napalunok si Brianze dahil alam niya iyon Pilit niyang binabali ang kaniyang isipan na may pagtingin sa kaniya si Cely dahil ayaw niya itong saktan.
May sinabi si Bianca, malalim ang meaning at naintindihian naman ito ni Brianze ngunit hindi na siya sumagot pa at umalis nalang.
Naglakad siya palapit kay Cely habang hindi na alam ang iisipin dahil sa sinabi ni Bianca.
Unti-unting umupo si Brianze kapantay ni Cely bago pinitik ang noo ng dalaga.
"Huh?... May sunog?! MANANG MAY SUNOG!!!" Biglang tayo ni Cely bago nanlalaki ang matang sumisigaw. Nanlaki ang mata ni Brianze ngunit kalaunan natawa sa reaksyon ng dalaga.
Pinanood lang niya si Cely na tumakbo papasok upang isabi sa matanda na may sunog. Hindi naman maiwasan ni Brianze ang mapailing bago siya tumayo sa kaniyang inuupuan kanina dahil iniwan na siya ni Cely at nag-pa-panicked na sa walang kabuluhang bagay.
Papasok na sana sa loob si Brianze ngunit biglang nag-echoe sa kaniyang tenga ang huling sinasabi ni Bianca sa kaniya.
'Brianze hinihintay ka ni Cely, hinihintay ka niyang makabangon...'
BINABASA MO ANG
Maid With You - COMPLETED
عاطفيةSi Cely ay isang dalagang napagpasyahang mamasukan bilang isang katulong ngunit may nirokomenda ng kaniyang ina pero nang malaman niya ang magiging amo niya ay ang batang ninais niyang huwag nang lapitan pa, si Brianze isang isnaberong lalaki. Ngun...