Chapter 44

830 14 1
                                    

"Cely thank you...." sabi nito na ikinatigil ni Cely sa pagsubo at mabilis na kinuha ang tubig sa kaniyang tabi.

"Para saan naman Sir Brianze?" Tanong niya. Umiling lang ang binata bago pinagpatuloy ang pagkain.

Hindi na nakapagreklamo pa si Cely at tinapos na nila.

Makalipas lang ang isang oras natapos na din sila at kasalukuyan na silang naglalakad papuntang timezone dahil dito siya inaya ni Cely.

"Sir dali halika dito gusto ko makuha iyong palaka na iyon! Malas kasi ako sa ganyan. Pwede mo ba kunin para sa akin?" Tanong niya habang turo-turo niya ang palaka na stuff toy, nakaupo ang style nito at pinagsamang black and brown ang kulay niya, hindi ito nakaiwas sa tingin ni Brianze dahil hindi makapaniwala na iyon ang gusto ni Cely dahil maraming mas maganda doon kaysa sa pinili niya, merong mga bunny, hello kitty, at mas mga cute na stuff toy.

"Papalit po," sabi ni Cely at binigay sa kaniya ang isang daan. Balak nga ni Brianze na ibigay ay isang libo pero pinigilan siya ni Cely at dumiretso na sila doon.

Nang unang attempt hindi talaga makakuha si Cely hanggang sa maubos ang kalahati ng token nila, nang kalaunan si Brianze naman ang sumubok at tila ba nanggigigil na siya pag kukunin niya nang bigla din itong pinapakawalan ng machine.

"Here, papaplitan mo," sabi ni Brianze sabay abot kay Cely ng isang libo.

"Pero sir masyadong marami na ito," reklamo ni Cely pero sinamaan lang naman siya ng tingin ni Brianze kaya agad nalang siyang nagpapalit.

Pagkabalik niya hinayaan niya si Brianze mag laro at hanggang sa maubos ang isang libo nila wala ni isang nakuha ang binata kaya nagsisimula na itong mawalan ng gana.

"A-ano sir Brianze tara na, balita ko maganda daw tanawin sa rooftop," sabi ni Cely. Nagkukunwari lang siya dahil gusto na talaga niyang ayain si Brianze.

Hinihila niya ito sa braso hanggang sa bumitaw na si Brianze sa pagkakahawak ng controller, doon naman naglakad palabas si Cely pero nahinto siya nang hindi sumunod si Brianze.

"Sir?" Pagtawag ni Cely at lumingon ngunit nanlaki ang mata niya nang papunta na ito sa token changer.

"Naman!" Sigaw ni Cely bago mabilis na lumapit kay Brianze.

"Tama na, nagsasayang ka lang bg pera eh," sabi Cely bago hila-hila ang braso ni Brianze.

"No. I'll talk to the manager, tatanungin ko kung binibenta nila itong arcade, bibilhin ko,” nagmamatigas niyang sambit. Nanlaki ang mata ni Cely dahil doon.

"At para saan naman Sir? Naghahanap ka lang ng away eh, tara na kasi!" Pagpupumulit ni Cely, sa pagkakataon na ito nakahawak na siya sa mismong palad ni Brianze.

"I want to get that frog to give it to you ok!" Sabi nito na ikinatigil ng mundo ni Cely. Nang mapagtanto niyang siya ang dahilan bakit gusto na lamang ni Brianze na bilhin ang arcade para sa isang piraso lang ng palaka na ibibigay niya kay Cely.

Napalunok si Cely ngunit randam niya ang kabog ng kaniyang dibdib, pabilis ito ng pabilis at palakas ng palakas na halos hindi na niya marinig ang nasa paligid.

Malawak na ngumiti si Cely bago napahaplos sa kaniyang dibdib habang ang isang kamay naman ay pinisil ng bahagya ang palad ni Brianze. "Ok lang naman Sir Brianze kahit hindi mo makuha iyan pero slamat kasi gusto mo siyang makuha para sa akin, pero sayang kasi ang pera kung magpupumilit pa tayo, kaya tara nalang sa rooftop bilihan mo ako ng taho."

Napabuntong hininga nalang si Brianze bago tumango, sumuko na siya dahil sa pagpupumilit ni Cely sa kaniyang umalis.

Kaya naglakad nalang sila paalis doon at nagtungo papunta sa rooftop.

Maid With You - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon