Chapter 32

1.4K 42 0
                                    

"Your foster parent, I can see that they really took care of you and love you. What parent they are?" Nagliwanag ang mukha ni Cely sa tinanong ni Brianze.

"Iyon ba? Pala sermon si mama," pauna niya na ikinatingin ni Brianze. Ang akala niya nakikipaglokohan nanaman ang dalaga sa kaniya.

"Totoo 'yon, minsan niya dinadagukan ako pag may ginawa akong kalokohan pero kahit ganoon alam ko namang dahilan bakit siya laging nanenemon dahil gusto niyang pagsabihan ako sa mga dapat at hindi ko dapat gawin, ang alam ko maraming mama na katulad niya st siguro mas bihira ang mama na hindi pala sermon sa anak hahahah." Natatawang sabi niya doon naman napailing ng ulo si Brianze at ito ay nakangiti na. Dahil ang mom niya isa sa mga bihira na manermon at dahil siguro lumaki si Brianze na laging sunod sa magulang at hindi sila nagagalit.

"Pasaway ka siguro kaya ganoon, magtataka ka pa sa isang taon na kasama kita parang gusto nalang kita ibalik sa tyan ng magulang mo," sabi ni Brianze. Naalala parin niya kung gaaano kakunsimisyon si Cely pagdating sa pangungulit sa kaniya hanggang sa napunta sa pag-aaway nilang dalawa.

"Aray naman ha kinukulit lang naman kita Sir kasi nakakatawa ang mukha ko pag nagagalit ka hahaha." Muling tawa nito na ikinawala ng ngiti ni Brianze.

"Ohh really?" Natigilan si Cely ng biglang hagisan siya ng tubig ni Brianze sa mukha na galing sa pool. Bigla siyang napalunok dahil nasakto ito sa bunganga niya na ikinalaki ng mata nilang dalawa.

"Hahahahhaa disgusting, you drink that?" Tatawa-tawang sabi ni Brianze bago nagmadaling tumayo upang hindi na siya mabawian ni Cely na nagbabanta na din humakot ng tubig.

"Kadiri sir! Lgot ka talaga sa akin!" Sigaw ni Cely habang sahod-sahod ang tubig sa palad niya at nagsimula na silang maghabulan sa garden. Natigilan lang sila ng naubos na ang tubig sa palad ni Cely at saktong nasa tapat na sila ng fountain at naupo lang sila doon sa bench.

"Hahah let's stop it what about your foster father?" Tanong ni Brianze. Hindi na mawala ang ngiti sa mukha niya dahil sa kahit papano pag nasa tabi niya si Cely nawawala sa isip niya si Bianca at napakalaki ng pasalamat niya para doon.

"Si papa? Hmmmm sabihin natin napakabait niya, siya ang tagapagtanggol ko pag galit si mama at dahil nga pinagtatanggol niya ako ang galit na para sa akin napupunta sa kaniya hahahaha.....ang kaso nagbago din lahat.." sabi nito ang masiglang boses niya kanina napalitan ng pagkalungkot at nahalata agad ito ni Brianze.

"What happen?" Napabuntong hininga si Cely dahil hanggang ngayon mabigat parin para sa kaniya ang nangyari kahit ilang taon na din ang lumipas.

"Namatay si papa bago ako mag highschool, wala siyang sakit malakas ang pangangatawan niya. Namatay siya dahil sa isang aksidente sa construction sight, nagkaroon kasi ng nindol noong araw na iyon nangako pa nga siya sa akin na susunduin niya ako dahil maaga siyang uuwi at sahod din niya ang sabi pa niya secret lang namin kay mama na idadala niya ako sa mall para maglaro pero hinintay ko siya hanggang sa umabot na ang alas singko ng hapon wala parin siya kaya napagpasyahan kong pumunta nalang sa lugar na iyon, malapit lang naman kasi sa bahay namin iyon at kaya kong lakarin pero ang nadatnan ko lang doon ang nagkukumpulan na tao at wasak wasak na kagamitan. Narinig ko pa lahat nakaligtas sa nangyari pero isa ang namatay at si papa nga iyon." Napatitig sa kaniya si Brianze at hindi ito inaasahan. Alam man niyang wala ng ama si Cely ngunit hindi niya inakala na ganoon ang pagkamatay ng kaniyang nito.

Napatingin si Cely kay Brianze, halata nito ang isang emosyon na bumabalot sa kaniyang mukha ngunit hindi niya mabatid kung ano iyon.

Mabilis na tumayo ang dalaga bago kinuha ang atensyon ni Brianze na agad din naman napatingin sa kaniya.

"Sir, hindi ba nagtratrabaho parin ako sa iyo? Bakit hindi kana nag-uutos madalas nakakapanibago lang," sabi niya sa binata pero tinitigan lang siya ni Brianze.

"Why you want me to order you around?" Tanong nito. Doon naman tumango si Cely.

"Naman. Amo kita, responsibilidad ko na paglingkuran ka basta sahudan mo ako ng maayos hindi ako magrereklamo, sa totoo lang gusto ko na din umuwi pero may part sa akin na ayaw ko pa dahil gusto ko din sila makasama," sabi nito. Napalunok naman si Brianze sa sinabi ng dalaga.

"Cely look..." Gusto nitong isabi ang nararadaman. Unti-unting napaupo si Cely pabalik sa tabi ni Brianze bago napabuntong hininga.

"Gusto ko sana mag-stay pa dito para makilala ko sila, hindi ko alam kung pwede ko bang hilingin sa iyo sir," sabi nito. Hindi naman makaimik si Brianze dahil salungat ang gusto niyang mangyari sa sinasabi ni Cely.

Nais na niyang bumalik sa kadahilanang gustong sundan si Bianca para maayos man kung ano ang problema nilang dalawa at hindi din masabi kung pagbibigyan niya ba ang kahilingan ng dalaga.

Mga ilang minuto ang lumipas at agos lang ng fountain ang naririnig sa paligid kasabay ng pagdampi ng hangin sa kanilang balat.

Maya-maya lang napaubo si Cely ng peke upang buwagin ang katahimikan bago ito napatayo. "Sorry sir kung naging makasarili ako sa sobrang saya ko na naging magaan na pakiramdam ko dahil sa mabait din tunay kong magulang at makakasama ko sila, biglang nawala sa isip ko na may problema ka pala, pasensya na po," sabi nito ngunit hindi parin nakakaimik si Brianze sa kaniya.

Tinitigan ni Cely ang binata at bigla nalang siyang napangiti dahil sa alam niyang nahihirapan din magdesisyon ang binata. Ipinatong ni Cely ang kaniyang kamay sa balikat ni Brianze na naging dahilan para mapatingin si Brianze sa kaniya.

"Ganito nalang para hindi kana maguilty Sir babalik nalang tayo dito pag naayos na ang sa inyo ni Bianca pwede ba iyon?" Sabi niya habang nakangiti kahit pa mahirap sa kaniya iyon pero ayaw niyang maging makasarili.

Handa pa sanang magsasalita si Brianze ng may isang tawag mula sa hindi kalayuan. "Hoy Brianze anong ginagawa mo sa Cecely ko? Ano ba Cely bakit ko siya inaakbayan pinagtataksilan mo na ako?" Bungad ni Jack at maya-paya pa hinabot na ang kamay ni Cely palayo sa balikat ni Brianze dahil doon nagsamaan sila ng tingin.

"The hell, anong gagawin ko sa kaniya at huwag kang umasa walang kayo ni Cely!" Sigaw ni Brianze at mas biglang tumalim ang tingin nila sa isat-isa. Natawa naman si Cely dahil sa biglang away ng dalawa.

"At ikaw? Ano mo si Cely ha? Wala ka din karapatan kaya alis ka d'yan," inis na sabi ni Jack na nagpatigil sa pagtawa ni Cely, tila ba umaasa ito sabano mang isasagot ni Brianze.

"Ano ko siya? Wala katulong ko at  nakakabatang kapatid ang turing ko sa kaniya." Napairap nalang sa kawalan si Cely bago napatayo at malakas na pinalo ang ulo nilang dalawa ng sabay dahilan para matigil sila at napatingin sa kaniya. Hindi naman nila napansin ang nakasimangot na mukha ni Cely ng oras na iyon dahil sa nakatalikod na siya.

"Hmmppp! Mauna na ako sa loob KUYA~"

Maid With You - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon