Chapter 24

1.6K 49 0
                                    

CELY

"Wow lola ang ganda naman po ng bahay niyo," puri ko habang napapatingin sa loob grabe ang laki mas malaki pa ata ito sa bahay ni tandang barbie eh.

Hindi sumagot sa aking si Mrs.Myer ngumiti lang siya sa akin habang ako pinagpatuloy ko ang pagtingin sa buong bahay natigil anng ako nang bigla kong narinig ang boses ni Jack na humahangos sa aking likuran. "Cely naman bakit mo ako iniwan doon??" Sabi niya. Naramdaman ko naman na napakapit siya sa balikat ko habang hinihingal parin ako, tinitignan kami ni manang ngayon.

Kasabay niya na pala 'yong dalawa kawawa naman, napasama pa siya sa dalawang walang kabuhay buhay, naawawa ako bigla dito kay Jack.

"Hahahaha sorry na agad hahaha," tumatawang sabi ko. Narinig ko namang tumawa din si Mrs.Myer sa likod ko.

Pero nakita kong napasimangot si jack dahil sa sinabi ko, sabi niya, "hindi mo ba alam pinagdaanan ko doon? Ang hirap maging tahimik!" sigaw nya sa akin. Natatawa akong inakbayan siya, doon naman nagpaalam si Mrs.Myer kakausapin niya daw ang katulong, tumango lang kaming dalawa ni Jack sa kaniya bago siya tuluyang umalis.

"Hahaha atleast na experience mo diba," sabi ko at napakindat pa. Nakakatuwa lang kasi talaga siyang maasar, siguro kung ako ang nasa sitwasyon niya kanina mas grabe pa reaksyon ko dito kaya nga sinama ko siya para hindi ako magmukhang alalay at para hindi na din mapanis laway ko sa katahimikan

Magsasalita na sana si jack nang bigla kaming naayos ng tayo. "Ang landi-landi hindi naman sila kung maka akbay wagas." Nanliit ang aking mata sa aking narinig, alam kong ganoon din ang ekspresyon ni Jack ngayon.

Sabay kaming humarap ni Jack habang nakaakbay parin ako sa kaniya. Namumuro na talaga itong babaeng ito pag hindi ako makapagtimpi manghihiram talaga siya ng mata sa aso.

"Ano ang sinabi mo?" tanong ko. Marahang tinanggal ang aking kamay sa balikat ni Jack bago ako naglakad ng paunti-unti palapit sa' kanila

"Sabi ko ang landi mo." Gumuhit ang isang ngiti sa aking labi nang inulit niya iyon, napahimas ako sa aking kamao pinapatunog ko pa iyon habang matalim ang tingin na nakabaling sa kaniya. Nakangiti parin ako habang ginagawa iyon, pansin ko din naman na nanlalaki ang mata ni sir Brianze alam kong alam na niya ang susunod kong gagawin sa bruha niyang kasintahan

"Kung ano binabalak mo Cely tigilan mo yan ako makakalaban mo." Natigil lang ako sa paghakbang nang may kung sino ang humila sa akin palayo sa lugar na iyon.

Habang naglalakad kami palayo rinig ko naman ang hiyaw ni Jack ngunit wala parin sa tamang wisyo ang isip ko, bumalik lang ito nang bigla kaming huminto sa labas ng mansyon kung nasaan mismo ang malaking puno.

Marahas kong  binawi yung kamay ko bago matalim ang tingin na binaling sa kaniya.
"Ano ba problema mo?"

"Ikaw ang problema ko, marunong ka naman lumugar gusto mo bang saktan si Bianca!!!" sigaw niya sa akin, napatulala naman ako.

"Oo sasapakin ko sana 'yang girlfriend mong hindi prumepreno magsalita, sige kung ikaw ako anong gagawin mo tutunganga? Ngingitian sya kahit sinabihan ka ng malandi?!" Sigaw kong pabalik.

"Bakit hindi ba? Kaibigan mo lang yang si Jack pero kung makaakbay akala mo may relasyon na kayo! Anong tawag mo doon?" Diretsang sabi nya. Pareho kaming natigilang dalawa. Hindi ko alam kung saan patungo ng away namin na ito pero sapol na sapol ako sa sinabi niya.

Punyeta ako malandi?! Gano'n na pala term ng malandi ngayon, akbay lang napaka big deal na.... paano pa kaya kung nakita nila akong nakikipaghalikan makukulong na ako?

Hindi ko na alam kung ano ang emosyon na naipapakita ko sa mga oras na ito basta ramdam ko ang sakit na parang tumutusok sa dibdib ko, gusto kong ilabas, gusto kong sumigaw gusto ko siyang saktan hanggang sa makontento ako. Marahas akong napapunas sa aking mukha pilit na inaalis ang luha sa aking mata habang matalim parin ang tingin sa kaniya.

"Look Cely I'm sorry hindi ko sinasadyang sabihan ka ng ganoon," pambawi nya sa sinabi nya sakin. Mapait akong napangiti akma na sana akong magsaslita ngunit biglang lumabas ang hikbi sa aking bibig dahilan upang mapatakip ako sa aking bunganga. Ilang beses akong bumuntong hininga bago ko ulit tinanggal ang kamay ko sa aking bibig

"Hindi mo nga sinasadya pero yun ang tingin mo sa akin tama? Ok SIR alam ko na...pinagsisihan kong sumama pa sayo dito kung ganitong masasamang salita lang aabutin ko," sabi ko. Tumalikod ako sa kaniya bago sinimulang ipadyak ang aking paa palayo sa lugar na iyon

Ang kapal ng mukha....nagsisisi din ako kung bakit  siya pa nagustuhan ko... sino siya para pagsabihan ako ng ganoon.....

Natigil ako sa aking paglalakad nang marinig ko ang boses ni Jack. "Cely."

"Anong ginawa ng lalaking yun sa iyo?!" sigaw niya habang sapo-sapo niya ako, ramdam ko din ang kaniyang kamay na pinalibot sa katawan ko. Ngumiti ako ng mapait at muli nanamang tumulo ang mga luha sa aking mga mata na kanina ko pa ayaw palabasin.

"O-ok lang ako, hindi naman niya ako s-sinaktan in physically pero dito oh ang s-sakit sakit...." humikhikbing sabi ko.

Ramdam kong napahigpit ang kaniyang yakap sa akin dahil doon tuluyan na akong humikbi ng napakalakas, napakapit na din ako ng mahigpit sa kaniyang likod habang ang aking mukha ay nasa kaniyang dibdib.
"Ang sakit sakit na pagsabihan ka ng malandi ng taong gusto mo, hindi ma niya deretsahang sinabi pero ayon 'yong punto niya sa lahat ng sinabi niya sakin." Ang sama talaga ng loob ko sa taong iyon.

"Sana pala hindi nalang ako nagpumilit pumunta dito eh, ganto lang din naman maabot ko," huling sabi ko habang napapahigpit ang aking kapit sa kaniyang damit.

Napahaplos naman siya sa aking likuran dahil para kumalma ako ng bahagya
"Shhh tahan na Cely mula ngayon hindi ko na hahayaang paiyakin ka ng lalaking 'yon, tumahan kana ha." Dahil sa sinabi nya parang gumaan yung loob ko, kahit ganun parin naman natanggap kong salita may tao parin naman na andito pag kaylangan na kaylangan ko......

Nanatili kami sa posisyon na iyon ngunit pareho kaming napahiwalay ng yakap nang biglang may tumawag sa akin sa hindi kalayuan.

Nanlaki ang aking mata nang maaninag ko kung sino iyon, si sir Brianze, hinihingal habang palapit sa akin. Napatingin ako sa eksperyon ni Jack matalim ang kaniyang tingin kay sir Brianze bago ko naman binalik ang aking tingin sa kaniya. Napatayo ako ng diretso nang marinig ang sumunod niyang sinabi...

"Cely! Sorry ok, please I don't mean it......I'm sorry."

Maid With You - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon