Chapter 08

2.3K 74 4
                                    

Nang makarating si Cely sa bahay ni Brianze agad agad nitong niligpit ang pinamili sinabi na din niya kay manang ang mga pinamili niya at hinayaan na siya nito ng makapagbihis. Kahit pa nagtanong ang matanda sa kaniya kung anong nangyari dahil sa itsura niya ngunit hindi siya sumagot dahil sa sama ng loob na kaniyang dinidibdib nakuha niyang hindi pansinin ang matanda at kinaila ang nangyari.

Matapos niyang maayos ang sarili lumabas agad siya sa kaniyang kwarto at dumiretso sa kusina.

"Manang sorry po kanina," sabi ni Cely ng nakayuko. Natigilan naman ang matanda sa paghahain ng pagkain at napatingin sa kaniya.

"Ayos lang iha. Nag-aalala lang ako dahil umuwi ka ng ganoong itsura baka anong nangyari sayo," sabi ni manang. Sinuklian lang siya ng ngiti ni Cely. Ayaw niyang isabi sa matanda na hindi manlang siya tinulungan ni Brianze at siya din ang dahilan kung bakit siya naputikan ng oras na iyon.

"Iha pwede mo bang pakitawag na si Brianze? sa kwarto niya kakarating lang niya pero tawagin mo na siya para kumain na," sabi ni manang. Agad namang tumango si Cely at daliang tumalikod upang maglakad pataas kung nasaan ang kwarto ni Brianze.

Agad siyang kumatok sa pintuan ng makarating siya. Mga ilang minuto lang ang nakakalipas binuksan ni Brianze ang pintuan at sabay doon na nagsalita si Cely habang ang kaniyang tingin ay nasa sahig lang.

"Kumain na po kayo Sir," sabi niya ng pabulong. Matapos niya iyong sabihin agad din siyang tumalikod para bumaba na. Ramdam niyang sumusunod naman si Brianze.

Naglakad si Cely palapit sa kwarto niya ngunit napahinto ng biglang nagsalita si Brianze sa kaniyang likuran.

"Hindi moba ako sasabayan?" tanong ng binata. Napabuntong hininga si Cely bago ito sumagot.

"Hindi po," sabi niya at tuluyan ng pumasok sa loob ng kwarto. Nang makapasok agad na napahawak ito sa kaniyang dibdib dahil sa tila may sumasakal dito ng mga oras na iyon.

                                       —

Kinaumagahan nang magising si Cely agad din niyang tinapos lahat ng gawain niya. Inabot siya ng hapon dahil sa naglinis din siya ng buong garden at ang pool sa rooftop.

Matapos siya, naghanda agad siya ng meryenda para kay Brianze. Nang mga oras na iyon medyo hindi na niya iniinda ang sama ng loob at pinabayaan nalang ang sariling nararamdaman.

"Sir handa na ang pagkain mo," sabi ni Cely. Hindi na siya umaastang hindi siya ok ngunit alam ni Brianze na hindi parin siya ok dahil hindi parin lumalabas ang makulit na Cely na kilala niya.

Bumalik sa sala si Cely upang magligpit doon dahil sa kung maaari ayaw niyang mapagod ang matanda hinahayaan nalang niya itong siya ang magluto at sa mga mabibigat na gawain inaako niya ng hindi sinasabi kay manang. Minsan makikita nalang ng matanda na wala na siyang ibang gagawin.

Habang naglilinis siya may biglang boses na nagsalita sa kaniyang likuran.

"Cely." Muntikan nang mahagis ni Cely ang remote sa malaking tv.

"Ay bwesit ka," gulat na sigaw niya. Nang mahimasmasan lumingon sa kung sino man ang pakana kung bakit siya nagulat.

"Ano ba tan-... Sir?" sumigaw siya ng una ngunit ng makita na si Brianze ito tumigil siya sa balak na magmura.

"Are you mad because of yesterday that I didn't help you? I was busy that time and there's a urgent happen in the company," sabi niya. Napakamot naman ng ulo si Cely dahil meron sa word na sinabi ni Brianze ang medyo hindi niya maintindihan.

"Ok na hindi mo naman na kaylangan magpaliwanag sir, sorry lang kaylangan ko ok nako," sabi niya. 'sa susunod talaga mag-aaral na ako ng english hindi itong tatanga-tanga ako pag nage-english si boss'

Mabilis lang niya itong napatawad dahil hindi naman talaga marunong magtanim ng sama ng loob si Cely. Marinig lang niyang nagsorry ang may atraso sa kaniya ok na siya at iyon ang napakalaking kahinaan niya.

"Magbihis ka may lakad tayo," sabi agad ni Brianze.

"Wait sir wala ka bang work ngayon? At saka saan tayo pupunta?" tanong niya. Nagtataka kung bakit bigla siyang inaya nito.

"I'm not going to office for now," sabi niya. Bakas sa kaniyang mukha ang hindi maipaliwanag na ekspresyon.

"Sige sabi mo eh," sabi niya at umalis upang magbihis.

Matapos siyang maggayak lumabas agad sila ng bahay ni Brianze dahil alam niyang nasa labas na ito at hindi nga siya nagkakamali. Naglakad siya palapit sa kotse, akma na sanang uupo sa passenger seat ng biglang binuksan ni Brianze ang bintana.

"Ano ako driver mo?! Dito ka sa harap," iritang sabi niya. Gustong umirap ni Cely ngunit walang nagawa kung hindi sumunod.

"Kanina ang bait niya tapos ngayon back to normal nanaman hmmmp isa siyang malaking itlog," bulong ko habang sumasakay sa sasakyan. Mahit mahina ito sakto lang upang makaabot sa tenga ni Brianze.

"What did you say?" tanong niya ng nakakunot.

"Ahehehe wala sir. Sabi ko kabait nyo ngayon at sinama niyo ako sa lakad niyo," nagkukunwaring tumatawang sabi niya. Wala sa sariling napailing si Brianze bago sinimulan ng paandarin ang makina.

Buong byahe gusto nagsalita ni Cely hanggang sa hindi na niya mapigilan ang magtanong.

"Boss ilang taon ka na?" Tanong ni Cely. Noong una hindi sumagot si Brianze handang susuko si Cely at piliin nalang manahimik ng biglang nagsalita si Brianze.

"30," simpleng sabi niya. Hindi makapaniwalang napatitig si Cely. Kung titignan siya mukha talaga siyang binata. 'binata parin naman siya dahil wala pa siyang asawa tama ba ako?'

"Hindi mo ako dino-dogshow boss?" sabi niya, nagta-taka namang sumulyap si Brianze sa kaniya.

"Dog-show?" nagta-takang tanong niya. Wala naman sa sariling natawa si Cely dahil dito.

"Ano iyong parang hindi mo ako pinaglalaruan para ganoon. Hirap talaga kapag mayaman kausap mo ang hirap magbiro," pabulong lang ang huling sinabi ni Cely.

"No. Do I look like I'm joking?" Seryosong sabi niya. 'killjoy talaga nito'

"Seryoso? So pwede pala kitang tawaging tandang barbie," bulong ni Cely. Naisip lang niya na itawag iyon dahil sa gustong magsinungaling ni Brianze na bakla siya kaya barbie at ang matanda dahil sa malapitlapit nadin siyang lalampas sa kalendaryo.

"Tandang barbie?" Tanong ni Brianze habang kasalukuyang nakakunot ngunit nasa daan parin ang tingin.

"Oo, ikaw tandang barbie." Wala sa sariling napatakip si Cely sa kaniyang bibig dahil sa bigla niyang sinabi. 'lagot!'

Hinanda na ni Cely ang sarili at daliang napatakip sa kaniyang tenga para proteksyon dahil sa alam na niya ang kasunod na mangyayari.

"WHAT???!!!!"

Maid With You - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon