Chapter 11

2K 54 0
                                    

Napakunot ng noo si Cely nang maramdamang tila may yumuyogyog ng bahagya sa kaniya.  Dahan-dahang nagmulat ng mata sabay inaninag kung sino ito.

"Manang bakit po?" Tanong niya sabay umupo sa kama.

"Ijah kaylangan natin agahan ngayon dahil may bisita si Brianze," sagot nito. Hindi naman alam ni Cely iyon dahil wala namang sinasabi sa kaniya si Brianze.

"Po sino pong bisita?" Tanong niya ulit sabay tayo at kinuha ang kumot upang tupiin ito

"Girlfriend daw ni Brianze iha." Natigilan naman si Cely sa pagtutupi at biglang natulala.

"Ahh Girlfriend po? Isa po ba sa anak ng business partner nya?" Bulong niya. Malumanay naman siyang tinitigan ng matanda, alam niya ang narardaman ni Cely sa pangahon na iyon kahit pilit na hindi pinapahalata na hindi siya apektado halata sa pagiging mahinahon niyang magsalita ang pagkalumo.

"Secretary niya ijah. Tara na baka mapagalitan ka nanaman ni Brianze." Marahan na hinawakan ng matanda ang kamay ni Cely at hila sa kaniya patungong kusina.

Hindi naman nakapagreklamo si Cely ngunit ng makarating sila saktong binitawan ni manamg ang kamay niya nakasimangot na ito.

"Manang bakit mo ako agad hinila hindi pa ako nakapaghilamos at nakapag toothbrush," sabi niya habang nakanguso. Napalingon naman sa kaniya ang matanda sabay tawa nito ng bahagya.

"Nakalimutan ko hahaha sige balik ka muna ijah para ayusin sarili mo." Tumango naman si Cely sabay balik sa kwarto. Inayos lang niya sarili niya napagpasyahan na din maligo muna para makapagbihis siya nang matapos,  agad siyang bumalik sa kusina.

"Naligo kana ang bilis mo iha ah," pangaasar sa kaniya ng matanda habang naghihiwa sa lababo.

"Manang ganito po talaga maligo ang legend!" Sabi niya. Tumawa lang naman ang matanda habang si Cely naman dumiretso sa tabi niya kumuha na din ng choppingboard para matulungan silang maghiwa.

Maghihiwa na sana siya ng biglang pinigilan ni Manang ang kaniyang kamay dahilan upang magtaka siya at mapatingin sa matanda.

"Bakit po?"

"Magaling ka sa paggawa ng mga inumin, naisabi kasi ni Brianze mahilig girlfriend niya sa smoothie kaya mo ba iyon?" Napatitig naman si Cely bago napabuntong hininga sabay tumango.

"Sige po," sabi niya pero kinuha na din niya ang chopping board at kutsilyo. 'bakit ako magsasakrispyo sa girlfriend niya pwede namang bumili nalang sila diba!'

Naglakad palapit sa refrigerator ngunit nang makita niyang hindi pa frozen ang prutas na gagamitin niya napatingin siya sa matanda na abala maghiwa.

"Manang anong oras po ba darating dito bisita ni Brianze hindi pa po kasi na fro-frozen itong prutas," sabi niya. Napatingin naman sa orasan ang matanda na sa tabing cellphone niya.

"Mamaya-maya pa namang hapon ilagay mo muna iyan sa freezer," sabi niya. Tumango naman si Cely bago inilagay ang strawberry at peaches sa loob ng freezer.

"Manang maglinis lang po ako doon habang hinihintay iyon," sabi niya. Nginitian lang naman siya ng matanda at tumango. Kinuha itong sign ni Cely upang pumunta na.

Nang makarating sa living room sinimulan niyang maglinis buong bahay kahit hindi naman ito madumi dahil araw araw din siyang naglilinis hinuli na din niya ang kwarto ni Brianze na makalat, doon siya nagtagal inabot din siya ng ilang oras.

Nang dumating ang tanghali kumain lang siya bago tinuloy ang trabaho, sinunod niya ang garden at ang mini glass house ganon na din ang pool sa rooftop.

Napahingal na binitawan ni Cely ang cleaning tolls na ginamit niya at napaupo nalang sa gilid ng pool nagpahinga siya doon ng ilang minuto bago nagpasya ng bumalik sa loob.

"Oh ijah tapos kana? Gusto mo bang mag meryenda?" Tanong niya. Nakangiting tumakbo si Cely doon sa hawak ni Manang na cookies at nilantakan iyon dahil sa gutom na siya. Pinagmasdan lang naman siya ni manang na nakangiti.

"What a patay gutom." Natigil sa pagkagat ng huling cookies si Cely dahil sa narinig. Dahan-dahang lumingon, handa na sanang sugudin kung sino iyo ng makita ang isang babae na nakasuot ang takong at off shoulder dress na hanggang tuhod habang ang buhok at maiklilang na kulay blonde.

Maging ang matanda nag-iba din ang ekspresyon. Noong una nakangiti siya ngunit ngayon ay marahan na hinila si Cely.

"Gawin mo na ang smoothie ijah," sabi niya. Nahihirapan naman nilunok ni Cely ang cookie na nasa bibig niya dahil sa pride na naapakan. 'Impaktang babae may oras ka din sa akin'

Walang sabi-sabing kinuha ni Cely ang cleaning tools at naglakad na papunta sa kusina.

Sinumulan na niyang ihanda ang ingredients hiniwa ang strawberry at peach sabay inilagay ito sa blender kasunod na nilagay doon ang I cup yogurt at ang 1/2 cup of coconut milk at sinaksak na ang blender hinintay lang niya ito ng 1-2 minutes at hinanda na niglay din niya ang slice ng magkapatong na peacher at strawberry sa bunganga ng baso sabay inilagay ito satray.

Dalawa ang ginawa niya para na din kay Brianze ang isa kahit hindi pa niya ito nakitang pumasok kanina. Habang hinahanda ito hindi maiwasan ni Cely na mapaisip 'bakit type niya yung secretary kasi most of the story bagay ang secretary at boss ganun? Pwes kung yung iba nagkatuluyan silang dalawa hindi! Sa gaspang ng ugali ng secretary niya hindi sila babagay pero magaspang din ugali ni Brianze diba? Ah hindi ko na alam!!' tila nababaliw na siya kakaisip habang kinakausap ang sarili.

Matapos ang lahat itinabi lang ni Cely ang ginawa niya at dali-daling pumasok sa maid quarter upang maligo dahil ayaw niyang humarap na puno ng pawis dahil pnalait na siya kanikanina lang.

Nang matapos pumunta siya kung nasaan si manang upang tanungin kung ibibigay na ba ang smothie.

Nang makarating sa living room nalaman niyang pumunta ng kwarto si Brianze habang ang babae nakaupo habang nakadekwarto sa sofa, napaangat ito ng tingin kay Cely at tinignan siya taas baba, hindi naman niya maiwasang hindi mairita.

"Hi maam nice to meet you," pilit na bati ni Cely habang nakangiti din ng pilit.

"What nice if you're the one I met?" Sabi niya kahit hindi marunong masyado sa english si Cely naintindihan niya iyon.

Nanlaki ang matang nagsalita siya. "Aba gago to ah." Hindi pansin ang isang bulto ng lalaki na naglakad palapit sa pweto nila habang si Manang naman hindi alam ang gagawin dahil huli na ang lahat upang bawalin pa siyang isabi iyon.

"Who are you cursing at Cely?"

Maid With You - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon