Isang linggo na ang lumipas matapos ang pagbabalik ni Cely sa mansyon, simula noon mas naging malapit sila ni Brianze pero dahil din sa nangyari sa opisina madalas na pumupunta doon si Bianca kapag ang mga araw pinagpapasyahan ni Brianze na sa bahay magtrabaho, kapag wala sa tamang kondisyon ang kaniyang pangangatawan.
"Cely may sundo ka." Isang katok ang biglang nagpatingin kay Cely sa pintuan. Kakalabas lang nito sa banyo at kakatapos lang niyang maligo. Agad siyang sumilip at hinarap ang matanda.
"Sige po lalabas na ako," sabi niya bago nagmadaling nagbihis. Day off niya ngayon at ito na din ang araw na lalabas silang dalawa ni Jack. Alam na niya kung sino ang sumusundo sa kaniya.
Nang matapos siyang ayusin ang sarili nagmamadali siyang lumabas. Nakapantalon lang siya ng kulay itim at nakasuot ng over size t-shirt na kulay brown habang ang buhol ay nakaipit ng mataas na pony tail.
Nakita agad niya si Jack na nakasakay parin sa kaniyang motor.
"Tara na?" Tanong niya dahailan para mapatibgin sa kniya si Jack bago niya inabot ang helmet sa dalaga. Doon naman agad na sumakay si Cely sa motor nang masigurado na ni Jack na nakaayos na si Cely. Pinaandar na niya ito. Ang pagkakaupo ni Velly sa motor ay kung paano sumakay ang lalaki habang nakapatong naman kamay niya sa balikat ni Jack.
"Libre mo ako ha," sabi niya habang nasa byahe sila.
"Fishball?" Tanong ni Cely. Hindi naman mapigilan ni Jack na mapailing matapos noon nag-focus nalang siya sa pagmamaneho hanggang sa makarating sila.
Pinarada lang ni Jack ang motor niya bago sila sabay pumasok sa mall. Agad naman siyang hinila ni Jack sa tapat ng isang salon, napakunot naman ang dalaga dahil doon.
"May kape ba dito bakit dito mo ako pinunta?" Tanong niya habang nakatitig kung ano ang meron sa loob. Mga empleyado ng salon na busy ayusan ang mga customer nila.
"Ibibili kita ng kahit anong gusto mo pero may kapalit," sabi niya. Binigyan naman siya ng tinging malisya ni Cely na para bang hinuhusgahan na niya ang kaibigan.
"Teka mali ka ng iniisip napaka dumi ng utak mo! Hindi ba may bangs ka noong highschool tayo mag pa-bangs ka ulit!" sabi niya. Natigilan naman si Cely dahil ito nagpabangs siya noon hindi dahil trip niya kung hindi dahil sa pulang balat sa noo niya hindi iyon halata dahil tinatakpan na niya ito ng consiler cream.
"Ha siraulo ka ba?" Tanong niya. Akma nang itutulak noo ni Jack.
"Kaysa naman bumibili ka pa ng pantakip diyan sa noo mo bakit hindi mo nalang takpan ng bangs hindi ba bagay mo naman." Natigilan naman si Cely dahil doon. Hindi niya isinabi kahit kaniya na meron siyang balat sa likod na bahagi ng kaniyabg noo.
"Huwag ka nang humindi halika kana!" Sabi niya. Hindi naman nakakibo si Cely, nanghinila na siya ni Jack sa loob. Nagsitinginan naman sa kanila ang costumer maging ang mga parlorista.
"Hello po," bati niya para na din mabuwag ang hiya na nararamdaman niya.
"Mag papa-rebound ba?" Tanong ng isang bakla at kumapit kay Cely. Hinaplos din niya buhok ni Cely na hanggang malapit na sa bewang niya pero kung nakalugay ito hanggang bewang ang haba.
"Hindi po," sagot niya nagtaka naman ang bakla.
"Pero dry na dry itong buhok mo," sabi niya. Napasimangot naman si Cely dahil doon.
"Hindi po talaga mag papagupit at bangs po sana," sagot ni Jack. Napatingin naman ang bakla sa kaniya bago napangiti nang makita ang mukha ni Jack. Natatawa namang napailing si Cely.
"Sige simulan na natin," sabi niya. Pinaupo si Cely sa upuan bago sinumulan ang paggugupit ng bangs niya. Lampas kilay it, mga ilang minuto din natapos na inipitan siya ng parlorista katulad ng ipit niya kanina
"Ayan bagay na bagay mukha ka nang kuryana," sabi niya. Napatingin naman si Cely sa salamin dahil nga sa may pagkasingkit ang mata niya at dahil sa pinagtripan din siya ng bakla ang usapan ay gupitan lang siya ng bangs ngunit ginawa niya inayusan pa ang dalaga para bang nakakita siya ng isang buhay na manikin na pwede niyang ayusan.
"Thank you," sabi niya. Nalaman din nilang ito pala ang may ari ng parlor kaya malaya siyang gawin iyon.
Tumayo naman siya bago lumingon kay Jack na tulala. Hindi niya mapigilan na sapukin ito para maibalik siya sa dati niyang wisyo.
Nang matapos nagbayad na si Jack at doon na sila naglakad palabas ng parlor shop.
"Paano mo nalaman na may balat ako sa noo?" Tanong niya habang naglalakad sila. Hindi din niya alam paano siya napapayag ni Jack na magpabangs.
"Sinabi ni ninang hahaha." Napasimangot naman si Cely dahil doon. Naiisip na din niyang posibilidad na baka sinabi ng kaniyang ina dahil sa kaibigan niya ang mama ni Jack.
"Si mama talaga pero thank you sa libre gusto mo libre din kita pakalbo natin buhok mo," sabi ni Cely. Natatawang umiling-iling si Jack para magprotesta.
Magsasalita na sana siya nang pagkalingon may kung ano siyang nabangga dahilan para ma out of balance siya. Nagtaka naman si Cely na parang hindi na niya naramdaman ang kaibigan sa tabi niya. Lumingon at sa hindi kalayuan nakaupo na si Jack sa sahig agad namang lumapit si Cely doon ngunit habang naglalakad palapit nakita niya ang isang tao na tinulungan si Jack, tumayo bago pa makalapit si Cely umalis na din ang lalaki.
"Anong nangyari sayo?" Tanong ni Cely.
Nagpagpag naman ng damit ang binata."Malabo ata ang mata niya kaya niya ako nabangga," sabi naman ni Jack.
"Malabo paano mo naman nasabing malabo?" Tanong ni Cely bago sila naglakad ulit..
"Napapahawak siya sa mata niya parang sumasakit na ewan, pero hayaan mo na. Tara na," sabi ni Jack. Wala naman nagawa si Cely kung hindi simunod sa kaibigan
Pumunta sila sa sa starbuck at nagkape. Sinulit din nila maghapon para maggala sa kung saan-saan para lang silang nagro-roadtrip na dalawa hanggang sa gumabi at hinatid na din siya ni Jack sa bahay ni Brianze. Agad din naman siyang umalis nang maihatid si Cely at nang makapasok sa gate ang dalaga habang siya ay naglalakad sa hallway, napansin niya ang liwanag sa sa garden kung nasaan ang mini glass house. Alam niyang nandoon ang binata kaya agad siyang lumiko para pumunta sa pwestong iyon. Nang makarating naoitang abala ang lalaki sa pagtitipa sa kaniyang laptop.
"Sir!" Pagkuha ng atensyon ni Cely. Napaangat ang mata ng binata, nakakunot na nakatingin kay Cely. Ilang beses din niya itong tinignan taas baba habang ganoon parin ang ekspresyon ng kaniyang mukha.
Ngingiti na sana si Cely at akma ng uupo sa harap ng binata nang biglang magsalita ang binata dahilan para mapahinto siya.
"Who are you?"
__________
Hello po sa inyong lahat! Nagpapasalamat po ako sa lahat ng nagbabasa at nags-stay sa story ko na ito and hope you're enjoying it.
Have a nice day and lovelots♡

BINABASA MO ANG
Maid With You - COMPLETED
RomansaSi Cely ay isang dalagang napagpasyahang mamasukan bilang isang katulong ngunit may nirokomenda ng kaniyang ina pero nang malaman niya ang magiging amo niya ay ang batang ninais niyang huwag nang lapitan pa, si Brianze isang isnaberong lalaki. Ngun...