Chapter 13

1.9K 54 0
                                    

"Oh bakit mo binabalik iyan?" Tanong ni manang nang makarating na si Cely sa kusina.

"Ang arte po kasi gusto daw ng malamig masyado hindi naman po nilalagyan ng yelo ang smoothie saka po siguro nabawasan na din ng lamig dahil naiwan dito kanina. Gagawan ko nalang po siya ng shake," sabi ni Cely. Kinuha naman ni manang iyong smoothie saka ito sinalin sa ibang baso.

"Ganoon ba akin nalang ito iha ha sayang naman," sabi niya. Natuwa naman doon si Cely dahil kahit papano hindi matatapon ginawa niya. Hindi naman din siya galit kay Brianze dahil nakita niya mismo na nagustuhan niya iyong ginawa nya.

"Sige po manang pero gagawan ko pa po kayo mamaya," sabi ni Cely bago hinanap ang blender na hugasan na ito dahil noong iniwan niya hindi pa niya nahugasan.

Hinanda lang niya gagamitin niya katulad noong una strawberry shake ang ginawa niya. Nag-garnish na din siya sa bunganga ng baso bago nilagyan ng straw.

"Manang balik na po ako doon baka pag natunaw pagawain nanaman ako ng bago," sabi ni Cely. Tumango lang naman si manang habang ini-enjoy ang smoothie.

Naglakad si Cely palabas ng kusina habang naglalakad. Nakatingin siya doon sa babae sa hindi kalayuan, mag-isa nalang ito at hindi na din niya makita si Brianze.

Nang malapit na siya tila ba'y napaigtad si Cely dahil sa malakas na tunog sa bulsa niya. Dahil sa paggalaw niya naihagis ang hawak hawak niya.

Nanlalaki ang matang napatingin siya doon, akma na sanang sasaluhin nang sakto itong naitapon sa hita ng babae.

Napahawak sa kaniyang bunganga si Cely habang ang babae at ang sama na ng tingin.

Tumakbong pabalik ng kusina si Cely upang kumuha ng tissue. Aligaga na din siya habang nagtataka naman ang matanda dahil doon pero hindi na niya ito inaba pa.

Nang makakuha si Cely bumalik siya sa pwesto ng babae ngunit nadatnan na niya doon na andoon na si Brianze at masama ang tingin kay Cely.

Alam na niya ang susunod na maririnig sa expresyon palang na pinapakita niya. "Ano to Cely!" Agad na napatakip sa tenga si Cely dahil doon.

"Sorry sir tumunog kasi cellphone ko bigla akong nagulat," sabi niya habang nakayuko.

"Sinungaling your phone ringtone is not to loud to be shocked sabihin mo sinadya mo lang 'yon!" sabi ni Bianca bago humarap kay Brianze na parang nagmamakaawa.

"Sorry...." Sabi nalang niya. Ayaw niyang ipaliwanag pa ang side niya dahil alam din naman niya ang kakahantungan at saka may part na sinabi ang babae na hindi niya maintindihan hindi niya makuhang makipagsagutan. 'paano ako sasagot ini-english ako tama ba 'yon'

"What sorry are you fucking dumb or what?!" Sigaw pa niya napahigpit nalang ang kamao ni Cely sa mga oras na iyon.

"Pwede po ba tigilan nyo ang pag e-english hindi ko kayo maintindihan maam at saka humingi na ako ng paumanhin hindi ko naman sinasadya," sabi niya. Maging si Brianze hindi makapagsalita sa nakikita niya.

"Hindi mo ako naiintindihan bobo kaba?" Napahigpit ang kapit ni Cely sa kaniyang damit pinipigilan ang mata na huwag maluha.

"That's enough Bianca your word is already below the belt. If he intent it or not I will be the one who reprimand her!" Sabi ni Brianze agad naman napatingin sa kaniya si Bianca dahil sa pagkakataon na iyon nagmumukha na pinagtatanggol ni Brianze ang katulong niya habang si Cely naman walang maintindihan sa pinaguuspan nila at patuloy lang na pinipigilan ang sarili na huwag patulan ang babae.

Humarap si Brianze kay Cely bago ito nagsalita. "Maguusap tayo mamaya Cely." Hindi nag response si Cely at iniwan nalang sila doon bumalik siya sa kusina kung nasaan busy si manang magluto.

"Ohh ijah anong nangyari?" tanong ni manang ngunit ngumiti lang naman si Cely. Ayaw niyang magsalita.

"Sabihin mo na rinig na rinig dito yung hiyaw nung babaeng 'yon eh," sabi niya. Napabuntong hininga si Cely dahil sa hindi na niya mapigilan sabihin ang nangyari.

"Kasi hindi ko naman po sinadyang matapon sa kaniya 'yong shake tapos ganun 'yong reaction niya. May vibration po kasi 'yong cellphone ko kahit mahina iyong ringtone mararamdaman ko parin po kaya ako nagulat," sabi niya. Marahas na kinagat ang kung anong gulay na nasa preparing area.

Nanlaki naman ang mata ni manang habang si Cely naman ay napabuga sa kaniyang bumanganga at takbo sa lababo.

"Waaahhh ang anghang!!" Nagtatatalon siya habang ang matanda natawa nalang sa kalokohan ni Cely habang ang dalaga biglang tumakbo palapit sa fridge bago nagsalin ng gatas para mawala ang anghang na nasa bunganga parin niya.

"Sino ba nagsabi sayong kainin ko iyang sili hahaha," natatawang sabi ng matanda. Napanguso naman si Cely matapos siyang makainom.

"Hindi ko naman po napansin kasi kasalanan niya iyon, pero bagay lang naman po iyon sa kaniya ang sa—" natigil nalang siya sa pagsasalita nang mapansin ang lalaking pumasok sa loob ng kusina.

"Sinadya mo talaga?!"

"Hindi sa ga—"

"Rinig na rinig ko, manang pumunta muna kayo doon kakausapin ko lang siya." Gusto man magsalita ni manang upang pigilan siya ngunit tinignan siya ni Cely na magiging maayos lang siya at sundin nalang si Brianze

Nang makaalis si manang napatingin naman si Cely kay Brianze. "Ano sinadya mo 'yon? No crap that alam ko namang sinadya mo galing pa sa bibig mo," sabi niya na nanggagalaiti. He feel disappointed right now. Bianca got angry at him by blocking Cely earlier but now he heard something like that make him mad.

"Hindi lang naman 'yon ang sinabi ko ah," pagdadahilan ni Cely habang nakayuko.

"Pwede pa Cely stop playing around!!!" Sigaw niya. Hindi naman mapigilan ni Cely na sumama ang tingin.

"Hindi ako naglalaro sir pwede ba! Hindi mo narinig lahat ng sinabi ko sana naman bago ka humusga siguraduhin mo muna alam mo ang lahat!" Matapos niyang maisabi iyon naglakad na siya paalis. Jniwan ang binata doon sa kusina na natigilan dahil sa sigaw pabalik sa kaniya ni Cely.

Alam niyang mali ang ginawa niya ngunit dahil sa sobrang paghihiyaw na natanggap niya ng araw na iyon naibuhos na niya ang galit na nararamdaman niya.

Naglakad siya papuntang maid quarter nadatnan si manang doon na nakaupo sa kama niya hinila ni Cely ang drawer niya.

"Ijah anomg ginagawa ko?" Tanong niya nang makitang nagiimpake na si Cely.

"Magre-resign na ako manang hindi ko na kaya iyang ugali ng alaga niyo dumagdag pa yung may saltik na secretary na girlfriend niya. Hindi naman po tama na lunukin ko nalang lahat hindi ako desperado sa trabaho ko uuwi nalang po ako," sabi niya. Hindi naman nakapagsalita ang matanda dahil doon.

Mga ilang minuto ang nakakalipas tapos na ni Cely ang lahat sinuot niya ito sa likod niya.

"Thank you po manang sa pag gabay sakin dito," sabi niya saka niyakap ang matanda.

"Sigurado kana ba? Hindi ka na ba mapipigilan?" Tanong niya pero umiling naman si Cely na nakangiti.

Nang makakalas na siya sa yakap naglakad na sa pintuan si Cely.

"Pakisabi nalang po sa alaga niyo sana magbago na siya ayon lang hahaha," masigla na nanatatawa niyang sabi at tuluyan nang nakalabas.

Maid With You - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon