CELY
Lumipas na din ang ilang buwan nang magsimula akong magtrabaho dito kay sir Brianze. Sa loob ng buwan na iyon napagalaman ko na ang unting paghanga sa kaniyang mukha ay ang nagtulak sa akin upang kulitin siya.
Tama. May gusto ako kay Sir at lagi ko din siyang inaasar dahilan para mainis at mairita siya sa akin. Sa paglipas ng buwan kahit naman ganoon ako at laging pinapainit ang ulo niya hindi parin niya ako makuhang palayasin dahil lagot siya sa mama niya. Matagal din kasing naglaaba ang mama ko sa kanila kaya pabor sakin ang mama niya kaya malayalaya din akong inisin siya, pero sa kabila ng lahat ng pagbibiro ko na iyon nandoon parin ang part na sincere ako na ipakita na gusto ko nga siya, dahil nga hindi naman ako umaasa na magugustuhan niya ako kaya mas malakas loob ko atleast alam ko na una palang wala na akong pag-asa diba.
"Boss ka cute mo talaga," sabay hinalikan ko pisngi niya, ngumingisi pa ako nang katapos ko iyong gawin sa kaniya ngunit nakatanggap nanaman ako ng isang nakakamatay na tingin mula sa kaniya.
"Can you stop kissing me or else I will fired you right now!" Bulyaw niya. Halos mapatakip pa ako ng tenga pero nang matapos niyang gawin iyon pigil ko naman ang sarili ko na matawa, dahil nakakatawa talaga siya maasar.
"Para kang totoo sir eh lagi mo na nga 'yang sinasabi pero hindi mo naman ginagawa," tumatawang sabi ko. Ang buong akala ko ay sasagot pa siya kaya hininto ko ang pagtawa sabay nakita ko siyang inirapan ako, siraulo mas attitude pa sakin itong lalaking 'to.
"Boss wag kang iirap mukha kang bakla," sabi ko ng pabiro gusto ko lang talaga siyang asarin.
"What if I am?" seryosong sabi niya, hindi ko parin sineryoso ang sinabi niya.
"Hahaha talaga ba boss? hahaha " sabi ko lang habang tumatawa.
"Can you please stop laughing, I'm irritated at your face," sabi niya bago naglakad patungo sa kusina. Akma ko na sana siyang susundan nang mapahinto ako dahil sa biglang may tumawag sa akin.
Hinugot ko agad ang cellphone sa bulsa ng uniform ko nang makita ko kung sino ang tumawag agad ko itong sinagot.
"Ma," bungad ko. Narinig ko din naman siyang sumagot sa kabilang linya."Anak kamusta ka na d'yan?" tanong ni mama. Alam ko nag-aalala din ito sa akin.
"Ok naman po ako dito ma kayo po ba kamusta na kayo? Miss na miss ko na po bunganga ninyong walang tigil pagnagalit," nagdra-dramang , pwede na siguro akong maging artista nito diba? Patuloy lang ako sa pagdra-drama ngunit narinig ko na kay pigil na tumatawa sa mula sa pinto ng kusina.
Napatingin ako doon. Si boss pala akala ko pa naman pumunta na siya sa kusina. Tinignan ko naman siya na parang nagsasabi nang 'ano?' ngunit umiling sa siya pero hindi parin umaalis sa kaniyang pwesto.
"Ikaw talagang bata ka," biglang sabi ni mama sa kabilang linya dahilan para mapunta doon ang aking atensyon.
"Joke lang naman po ma, sige po mamaya nalang po ulit babye ma I love you," sabi ko sabay patay nang tawag.
Ilang buwan na din kaming hindi nagkikita.
"Why are you pouting? " Nakataas ang kilay na tanong ni boss, pinagmamasdan niya parin pala ako."Huh? Wala lang boss, ikaw ha gusto mo na din ano kaya mo ako pinagmamasdan? Aruyy aminin." Pag-iba ko ng topic doon na din nag-iba expression ng mukha ko.
"Don't assume too much. I dont like you ok? I'm just looking at you because you're so ugly," natatawang sabi niya, sabay pasok mismo sa kusina, agad ko din naman siyang sinundan.
Bastusan malala, hindi ako mapanget no.
"Maganda ako boss kahit tanong mo pa sa naging manliligaw ko noon," pagtatanggol ko sa akin sarili ngunit nagsungit nanaman siya nang maisabi ko iyon.
"The hell I care?" Sumungit ulit kanina tuwang tuwa lang siyang asarin ako ahh, ano 'to nagme-menopause na din siya katulad ni mama? Hindi pa nga kami nagka-kaanak eh mag memenopause na agad siya, sh*ta, pero biro ko 'yon syempre hahaha
"Boss wag kang masungit paano kung magme-menopause ka na hindi na tayo magka-kaanak maawa ka naman sa magiging anak mo!" sigaw ko. Pinapanindigan ko talaga kalokohan ko sa katawan, at ayon kumunot ang maputi niyang noo dahil sa kaniyang narinig mula sa walang filter na bunganga ko.
Maya-maya lang narinig ko siyang tumawa ng tumawa hanggang sa napahawak na siya sa kaniyang tiyan, muntikan pa siyang matumba sa kinakatayuan niya kung hindi lang dahil sa lamesa na hinahawakan niya siguro nakalupasay na siya mismo sa sahig habang walang tigil na tumawa,
"You're so funny Cely, but to tell you honestly I don't have a plan having a baby with you because I'm a gay," sabi nya. Matapos makabawi sa pagtawa.
"Huh?!" Bago pa ako makapag-react umalis na si boss mismo sa harapan ko, iniwan akong tulala pero nang makabawi ako humiyaw pa ako mula sa baba.
"Boss talaga ba? Kung ganoon may ipapakilala ako sayo!!!" sabi ko, siya ay kasalukuyang nakatayo sa hagdan at napahinto dahil sa pagsigaw ko.
"Did I say to you I'm not interest in any girls?!" sabi niya, habang nakataas ang kilay. Alam kong nagkukunwari lang siya para mapatigil ako at saka hindi ko siya naamoy no? Ako pa malakas radar ko sa ganiyan.
"Hindi naman babae eh, may kaibigan akong lalaki sa tingin ko bagay kayo maloko nga lang din," seryoso kong sabi. Nanlaki naman ang mata niya sa narinig bago biglang nagbago ang espresyon niya sa isang napakasamang tingin na tila ba gusto akong lamunin. Makikita natin ngayon kung nagpapanggap ka lang o hindi.
"Shut up!!!" Umalingawngaw ang sigaw niya sabay nag walk out. Diba sabi ko na nga nagkukunwari lang siya. Kung lalaki talaga gusto niya hindi siya magagalit ng ganito kung hindi magkakaroon siya ng interest sa sinabi ko, paano ko nga ba nalaman na niloloko niya lang ako?
Secret...
BINABASA MO ANG
Maid With You - COMPLETED
Любовные романыSi Cely ay isang dalagang napagpasyahang mamasukan bilang isang katulong ngunit may nirokomenda ng kaniyang ina pero nang malaman niya ang magiging amo niya ay ang batang ninais niyang huwag nang lapitan pa, si Brianze isang isnaberong lalaki. Ngun...