Chapter 43

825 15 0
                                    

"Cely....."

Mga ilang minuto lang silang ganoon. Pinapabayaan ni Cely na maging ok na si Brianze matapos no'n humiwalay sila sa yakap sa isat-isa bago ngumiti ang dalaga.

"Ok kana Sir?" Tanong niya. Dahan-dahan naman tumango si Brianze bago tumingin sa ibang direksyon. Hindi Ito makapaniwala na pinabayaan niya ang sariling maiyak sa harapan ng iba.

"Nahihiya ka no hahahah," biro niya, pero simaan siya ng tingin ni Brianze na ikinahinto niya.

"Biro lang, ikaw naman. Cheer up na Sir Brianze. Tara ilibre mo ako, punta tayo sa mall," sabi niya habang nakangiti.

"Ako talaga manlilibre?" Tanong niya ngunit hindi din maiwasan na mapangiti.

"Oo syempre ikaw amo ko ibig sabihin ikaw ang may pera hindi ako kaya ikaw ang manlibre, dali na!" Paghihila nito patayo kay Brianze na hindi naman naiwasan ng binata na matawa.

"Binalak mo ito ano?" tanong niya habang umiiling ngunit sa wakas nahila na siya patayo ni Cely.

Ngumiti ng malapad ang dalaga na tila ba sinasaihin inosente siya nguniy ang totoo isa ito s plano niya. "Hindi ah.."

Hindi nalang kumibo si Brianze.

Naglakad sila palabas sa glass house, balak pa nga ni Brianze magpalit ng panlakad ang kaso hindi siya pinayagan ni Cely at himila agad sa motor. Nakaligo na din siya kanina ganun na din si Cely bago siya lumapit kay Brianze. Nakasuot ng short si Brianze na navy blue hanggang tuhod habang naka-black naman siya ng t-shirt na may tatak, ang kay Cely naman naka pantalon siya ng black at naka crop top siya ng kulay navy blue.

Ternong-terno pa ang kulay ng damit nila at kung sino man ang makakakita mapagkakamalan silang mag couple.

Sa pangalawang pagkakataon si Cely nanaman ang nagmaneho at habang nagmamaneho siya may biglang dalawang lalaking sumasabay sa takbo ng motor nilang dalawa.

Binagalan ng kaunti ni Cely ang patakbo at tila ba naghahanap ng away ang mga 'yon at pinapantayan pa sila. Napakunot naman ng noo si Brianze.

"Aba bastos tong mga ito ah!" Naisabi ng dalaga nang biglang nagpaharurot ang lalaki paalis na tila naghahamon ng kareka.

"Kumapit ka sir, tignan natin galing ng mga 'yan," nanggigigil na sabi ni Cely bago kinuha ang kamay ni Brianze at nilagay sa kaniyang bewang na ikinatigil ng binata dahil busy si Cely kakaisip sa mga lalaking iyon hindi na niya namalayan kung ano ang nangyayari, habang nanlalamig na pawis naman ang namumuo sa palad ni Brianze nang ang kaniyang kamay ay nakapalupot sa bewang ni Cely.

Nang pinaharurot ni Cely ang motor hindi na naramdaman ni Brianze na nasa bingit sila ng kamatayan sa pinagagagawa ni Cely dahil tila ba naging lutang siya at hindi na malaman ang dahilan nang nakaramdam siya ng pag-iinit sa kaniyang tenga.

Sa wakas naabutan ni Cely ang lalaki bago niya tinaas ang kaniyang kamay bago ito nag bad finger sa kanila at pinaharurot ang saksakyan. Dahil sa ginawa niya natauhan si Brianze.

"Bakit ko ginawa iyon?" Malumanay an tanong ni Brianze.

"Mayabang sila eh," sabi nito bago hininto ang sasakyan.

Nakarating na sila sa parking lot ng mall.

Maya-maya pa naglakad sila papasok sa mall, maraming tao kahit hindi weekends. 

Naglilibit-libot sila naramdaman ni Brianze na nagugutom na si Cely dahil sa biglang pagngiwi nito, alam niya pag nagugutom ang dalaga.

"Let's eat," sabi nito bago hinatak si Cely sa isang restaurant pero hindi pa sila nakakapasok huminto agad si Cely dahilan para lingunin siya ni Brianze.

Maid With You - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon