CELY
"Wala iyon," sabi ko nalang habang nakatingin na sa bintana pero napatitig ako sa hindi kalayuan nang kay napansin akong pamilyar.
"Halla teka may orchids doon oh hinto mo naman sir papalitan ko iyong halaman ni mama baka mawalan ako ng tenga pag nalaman niya ginawa ko," sabi ko. Tinuturo sa gilid ng daan mga nagtitinda ng halaman. Agad din naman siyang sumunod at hininto iyon.
Agad naman akong lumabas upang tignan. Maraming kulay doon pero dahil kulay blue nasira ko iyon ang bibilhin ko.
"Magkano po ang orchid?" Tanong ko habang tinuturo ang nagustuhan ko.
"500 ijah," sabi niya. Ang mahal pala akala ko naman wala pa sa isang daan ito. Iyong orchid kasi sa bahay nakakapit lang sa kahoy siguro hiningi lang ni mama iyon galing sa mga mas namukadkad.
Naramdaman kong lumapit si sir sa likod ko.
"Are you done?" Tanong niya napabuntong hininga nalang ako bago ko hinugot ang pinaka ko. Naghihinayang ako sa totoo lang dahil hindi din biro ang limang daan. Akma ko na sanang iaabot ang pera nang maiangat ko ang aking tingin. Nakangiti nalang ang matanda wala na din ang orchid na sapo-sapo niya kanina.
"Nasaan na po iyong napili ko? Ito po bayad," sabi ko pero umiling siya.
"Binayaran na ng binatang kasama mo ijah, andoon na siya oh," sabi niya sabay turo kay sir Brianze na nilalagay na iyong halaman sa compartment. Iyong tendera naman tumalikod upang oumunta sa lamesa hindi ko nalang siya pinansin bago ako naglakad palapit kay sir Brianze.
"Sir bakit mo binayaran? Ito oh," sabi ko habang inilalahad ang limang daan na tag iisang daan. Tinitigan lang niya niya iyon bago ako nilampasan at walang sabi-sabing pumasok sa kotse niya. Nagmadali din naman akong sumunod.
"Hoy sir!" Tawag ko. Pinapaandar na niya ang makina akma na sana akong tawagin siya ulit nang humiyaw ang tindera.
"Sukli mo ijoh," sabi niya kumaway lang si Brianze.
"Keep the change na po," sabi niya bago pinaandar ulit ang kotse. Nagtaka naman ako doon.
"Magkano binayad mo?" Tanong ko. Nagkibitbalikat lang naman siya. Tinanong ko iyon para kumpirmahain pero nakita ko na itinaas ng tindera ang isang libo ibig sabihin parang dalawang orchid binayaran niya.
Hindi ba siya naghihinayang sa pera? Mayaman siya, kaylangan ba ganoon pero sa isang banda naman para na din niyang tinulungan iyong tindera. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil doon mas lalo kong napapansin ugali niya, iyong lalaki na napaka-moody, may soft side din pala na nakatago at mapagbigay din siya.
"Sir thank you tungkol sa orchid you're the best." Napapalo nanaman ako, dahil din sa nagawa ko papaigtad siya at nailiko ng bahagya ang manebela dahilan upang mapasubsob ako sa braso niya, dumampi din ang aking labi sa damit niya.
Nanlalaki ang mata naming dalawa habang siya hindi parin makuhang tumingin at nasa daan ang tingin niya habang ako naman nagmamadaling lumayo bago ko hinanap ang wipes at saka pinunasan iyon.
"Sorry sir!" Natatarantang sabi ko. Hindi naman niya ako inimikan kaya tinapos ko nalang ginagawa ko.
Nang matapos na bumalik ako sa pag-ayos ng upo.
Makalipas din ng ilang minuto tahimik lang kaming dalawa habang ako unti-unting kinakain ng kahihiyan.
"Oh nakatulala kana d'yan manang Cely." Napahinto naman ako bago bumaling sa kaniya.
At saka ko lang namalayan na nandito na pala kami. Iniisip ko nanaman kung paano ko papatunayan sa tandang barbie na ito na hindi ako manang at saka maganda ako! Maganda!
"Ohh and'yan na pala kayo." Salubong ni manang. Bigla naman akong naglakad palapit sa kaniya.
"Manang si Brianze po sinasabihan akong mukhang manang kulang nanga lang daw po isuot ko yung damit mo," sumbong ko. Tumingin ako kay sir Brianze na kakapasok lang bago ko inilabas ang aking dila upang ipakita sa kaniya.
"No, manang she's the one who call me tandang barbie because of that Biance slap me earlier," sumbong niya rin. Para na kaming batang nagsusumbong sa aming ina. Agad akong napairap dahil nabanggit nanaman niya ang pinakamahalagang girlfriend niya.
Oo naiinis ako masama magkagusto sa taong may karelasyon na pero hindi ko mapigilan sarili ko gusto ko man ilayo sarili o loob ko wala akong magawa. Wala naman soyang ginawa para gustuhin ko siya, hindi ko naman alam na pati simpleng paghinga niya mahuhulog ako at ito ako ngayon....siguro kaya mainit din ulo ko sa girlfriend niya sa pinagsamang selos na nararamdaman ko tao doon ako, kahit alam kong hindi dapat ginagawa ko parin.
Nakokontrol ko ang aking katawan pero dumadating ang pagkakataon na ang katawan mismo natin ang kumukontrol lalo na sa mga emosyon na ayaw mo namang ipakita pero inilalabas niya.
"Hey natutulala kana d'yan." Napaigtad ako nang maidampi ang kaniyang kamay sa aking balikat.
"A-ahhhh hehhehhee wala! Pwede naba magpahinga?" tanong ko. Nagtataka naman siyang tumango. Kinuha ko na din ang pagkakataon na iyon upang umalis doon.
Hindi ko mapigilan ang kabog ng aking dibdib. Pinaghalong taranta at ang pagkagulat.
Kaya mo iyan Cely! Katulong ka lang, matuto kang mag-isip ng reyalidad dahil hinding-hindi magkakagusto ang isang lalaking napakataas ng katayuan sa meron ka.
Hindi sa minamaliit ko sarili ko pero iyon talaga ang totoo. Magsisinungaling paba ako sa sarili ko.
Nang makapasok ako sa maid quarter napaupo ako sa aking kama sapo-sapo ang aking dibdib. Tulala lang ako ng ilang minuto, halos hindi gumagalaw at ang mata'y nakatuon lang sa dingding.
Ako ay natigilan nang malakas na tunog mula sa aking cellphone ang nagpabalik sa akin sa reyalidad.
Hinanap ko agad ito bago ko iyon sinagot.
"Jack," sabi ko ng may sigla.
"Kamusta ka? Nalaman ko lang sa mama mo kanina umalis kana kamasa amo mo," sabi niya. Halatado ko sa boses niya na nagtatampo siya, siguro dahil hindi na ako nakapagpaalam kanina.
"Pasensya kana nagmamadali na kasi ako kanina pwede naman tayong lumabas sa linggo day off ko, libre kita pero sa fishball lang ha," sabi ko. Maya-maya lang nakarinig nadin ako ng tawa mula sa kaniya.
"Napakakuripot mo talaga akala ko pa naman ililibre mo ako kahit kape lang sa starbucks," sabi niya. Napasimangot naman ako doon mahilig kasi siya uminom ng starbucks. Hindi siya ganoon kahirap katulad ko at saka meron siyang part time job kaya nakakabili din siya ng gusto niya.
"Napaka-arte mo naman. Kung gusto mo ikaw nalang mag libre para makainom ka ng kape sa starbucks," sabi ko. Palusot ko lang iyon baka kasi ilibre niya ako diba.
"Sabi na magpapalibre ka ako din pala manlilibre sa bandang huli. Sige na sunduin kita sa linggo d'yan ha, lag hindi ka tumupad magagalit na talaga ako sayo." Mapailing ako sa pagiging-isip bata niya.
"Oo naman. Sige na ba-bye na aayusin ko pa kasi iyong gamit ko. Kita nalang tayo sa linggo." Matapos kong sabihin iyon pinatay ko na din ang tawag bago ako napabuntong hininga. Kahit sa ilang minuto ko na si Jack nawala sa isip ko iyong nararamdaman ko kanina bago siya tumawag at ngayon tapos na ang tawag bumalik ulit lahat.
Pasaway kasi. Sino ba kasi nagsabing ipanganak siya ng ganiyang mukha hindi sana nasa tamang wisyo pa ako.
Oo totoo sa mukha ako nagkagusto sa kaniya. Paano naman ako magkakagusto sa ugali niya ang sama kaya, pero ang totoo ngayong lalo ko siyang nakikilala mas lalo akong nahihila pababa.
"Hindi na maganda 'to," sabi ko. Napahawak pa ako sa bed sheet.
Isang pamilyar na boses ang nagpatigil sa akin sa pakikipag-usap sa aking sarili. Tila ba para akong nanigas sa kinakaupuan ko. "Anong hindi maganda?"
BINABASA MO ANG
Maid With You - COMPLETED
RomanceSi Cely ay isang dalagang napagpasyahang mamasukan bilang isang katulong ngunit may nirokomenda ng kaniyang ina pero nang malaman niya ang magiging amo niya ay ang batang ninais niyang huwag nang lapitan pa, si Brianze isang isnaberong lalaki. Ngun...