"Hindi naman kita pinipigilan," sabi niya bago niyakap ang wine. Napakunot naman ang noo ni Brianze sa sinabi niya.
"Bakit mo inagaw sa akin 'yan?" Tanong niya. Naiirita na ito dahil sa kakulitan ni Cely.
"Hindi ito masarap, tara bumili tayo redhorse dadamayan kita uminom." Laglag ang panga ni Brianze sa narinig ngunit hindi na namamalayan na hinihila na pala siya ni Cely.
"Mamili ka, red horse, emphi o 2 by 2?" Napangiwiw si Brinaze dwhil sa narinig kay Cely tila ba isa itong manginginom.
"Lasengga ka?" Tanong ni Brianze. Hindi naman sumagot ang dalaga bagkos hinila lang siya ni Cely palabas sa kompanya.
Para silang batang tumatakbo kahit pa nakatingin sa kanila ang mga empleyado ngunut mabilis siya nahila ni Cely papuntang parking lot.
Wala naman nagawa si Brianze kung hindi mag seatbelt at paandarin ang sasakyan.
"Saan tayo pupunta?" Tanong niya habang nagmamaneho. Napagpasyahan nalang niyang sumama kay Cely at mukhang may alam itong lugar na makakapagisip-isip siya.
"Doon tayo sa pinagpupuntahan namin ng barkada ko, sa bundok. Masaya doon, pwede mo din isigaw nararamdaman mo," sabi ni Cely habang nahihirapan iayos ang seatbelt. Napailing nalang si Brianze sa kaniya nang mapansin niyang naaasar na si Cely dahil ilang beses niyang inuulit ang pagkabit ng seatbelt. Dahil sa gusto niya itong maasar hinayaan niya ito at hindi tinulungan.
"Ahhh! Sir Birnaze daan tayo sa bahay mo mag-mo-motor tayo pumunta doon, hindi kasi kasya yang kotse mo sa daan papunta doon, masikip lang kasi," sabi niya. Sa pagkakataon na ito matagumpay na niyang nagawa ang pag-se-seatbelt.
"Is that so...ok," pagsang-ayon ni Brianze, at mabilis din naman silang nakarating sa bahay niya. Agad nilang kinuha ang motor at hindi na inabalang pumasok sa loob para bulabugin si manang.
Sumakay si Cely, nagtataka namang nakatayo si Brianze. "Wait, bakit nadyan ka? Ako mag da-drive," sabi niya. Sinimangutan naman siya ni Cely.
"Hindi mo alam ang daan. Ako mag-da-drive, saka kana, ang arte mo sir," sabi niya. Sinamaan lang naman siya ng tingin ni Brianze bago nag helmet at sumakay sa likod ni Cely.
Buong byahe daldal ng daldal si Cely habang si Brianze gusto nalang siyang ihulog dahil sa hindi tumitigil ang bunganga niya kakasalita, bumaba na din sila kanina para bumili ng iinumin. Ang lolokong Cely pinili niya ang 2by2 at ng walang halo, bumili na din sila ng snack at nagpatuloy nga isang oras kabg ang byahe nakaratihg na din sila malapit lang ito sa bahay ni Cely kaya dadaan sila mamaya sa mama niya.
Napatingin sa paligid si Brianze nang makaakyat sila sa tuktok, para lang itong burol na damuhan at sa baba may ilog, sa kabila naman ay may burol din.
Naupo silang dalawa doon.
"Diba Sir ang ganda no." Pagmamalaki sa lugar kung saan madalas sila nila Jack.
"Not bad, I didn't know there's something like this near at you town." Nagkibitbalikat lang naman si Cely dahil doon bago nilatag ang iinumin nila..
Naglagay siya sa plastic na baso bago binigay kay Brianze at tinungga niya iyon. Agad na napangiwi si Brianze sa kaniyang nalasahan, hindi siya palainom na lalaki at mild lang na lasa ang iniinom niya pero ni minsan hindi siya nakatikim ng ganitong kapait na lasa ng alak......
Maya-maya pa tawa nang tawa si Cely, nang makulita ang reaksyon ni Brianze dahilan upang samaan siya ng tingin ng binata at dahil gusto niyang makabawi naglagay din siya bago inilapit ito sa mukha ni Cely. Napatingin pa nga si Cely sa lapit ng baso at halos maduling siya sa sobrang lapit nito..
BINABASA MO ANG
Maid With You - COMPLETED
RomanceSi Cely ay isang dalagang napagpasyahang mamasukan bilang isang katulong ngunit may nirokomenda ng kaniyang ina pero nang malaman niya ang magiging amo niya ay ang batang ninais niyang huwag nang lapitan pa, si Brianze isang isnaberong lalaki. Ngun...