Chapter 12

1.9K 51 0
                                    

"Who are you cursing at Cely?" Biglang sabi ng nasa likod niya, napatigil naman agad si Cely na handa nang manapak sa oras na iyon.

Dahan-dahan niyang hinarap si Lucas habang si manang naman ay nag-aalala sa maaaring isasagot ni Cely dahil alam niya may oras na walang preno sa pagsasalita ng dalaga.

Napapalo naman si Cely sa kaniyang braho bago ito natawa.

"May lamok kasi na dumampo sa akin hindi ko mapigilan mapamura," sabi lang niya. Binigyan naman siya nang nagtatakang tingin ni Brianze samantalang ang babae ay pinagmamasdan sila habang nakangiwi nandidiring nakatingin kay Cely.

"Do you want to go to the garden?" Baling ni Brianze sa babae. Umiling naman ito.

"No can we stay here mainit kasi sa labas," sabi niya habang bahagyang nakangiti, si Cely na nakatalikod ginagaya ang pagsasalita ng babae nang walang tunog. Hindi naman ito nakaligtas sa paningin ng matanda kaya dali-dali nitong hinila si Cely sa loob ng kusina.

Samantalang sa kusina hinarap ni Cely si Manang.

"Ijah huwag kang magsasalita ng kung ano-ano doon halata sa ugali ng babae na sensitibo ito baka ikaw nanaman mapaginitan ni Brianze," sabi niya. Napanguso naman si Cely dahil ayaw talaga niya ang ugali ng babae.

"Manang matabil ang bunganga niya. Pwede ba naman iyon binati ko siya ng maayos, oo katulong lang ako pero hindi ba pwedeng batiin ang katulong ng tama?" Sabi niya. Napabuntong hininga naman si Manang dahil para sa kaniya may point din ang sinabi ni Cely.

"Alam ko ijah pero para iwas gulo na din intindihin mo nalang. Nagaalala ako sa iyo kapag pinatulan mo girlfriend ni Brianze ikaw ang kawawa at baka mawalan ka pa ng trabaho. Kung mahal mo trabaho mo hayaan mo nalang muna naiintindihan mo ba?" Mahinahong payo ng matanda sa kaniya.

Nakatingin sa sahig ang mga mata ni Cely bago marahang timango. 'lumaki akong hindi pinipigilan sarili ko pero para lang sa ikakagalit ni Brianze kaylangan ko pabayaan kahit natatapakan na pagkatao ko?'

"Ok po," sabi niya. Tinapik naman ni manang ang kaniyang balikat.

"Sige na ibigay mo na iyang ginawa mo," sabi niya. Umangat ang ulo ni Cely sabay nagmadali na inabot ang tray na kung nasaan ang smoothie na ginawa niya.

Palakad na sana sa pintuan si Cely nang magsalita si manang sa bandang likod niya.

"Mukhang masarap iyan pwede moba akong gawan ng ganiyan pag may oras ka?" Tanong niya, masigla namang tumango si Cely bago tuluyan nang lumabas ng kusina.

CECELIA

Kamusta na kaya ang anak ko ilang araw na din hindi nangangamusta.

Napatingin ako sa buong bahay kararating ko lang sa saaking trabaho bilang isang temporaryo lang na labandera sa kabilang baranggay.

Humakbang ang aking paa papuntang kusina upang tignan kung ano ang pwedeng maluluto ngunit nang makita ko wala na itong laman maging itlog manlang napabuntong hininga nalang ako bago napagpasyahan bumili kahit itlog.

Nang makalabas ako sa aming bahay agad akong pumunta sa tindahan ng isa sa aking kumare si Mercy, siya ang may-ari ngtindahan na iyon ngunit may mga nakatambay din doon mga may edad na mahilig pag-usapan ang ibang tao.

Nang dumaan ako gumilid naman sila agad kaya kinuha ko ang pagkakataon upang makabili.

"Mercy makabili nga ng dalawang itlog at saka—" natigil ako sa pagsasalita ng marinig ang pinaguusapan ng nasa aking likod

"Alam mo ba balibalita na ang anak niyang si Cely anak ng pinakamayamang amo niya dati, balibalita din na naging kabit siya," napahigpit sa pitaka ang kapit ko. Hindi ko alam kung sinasadya nilang iparinig iyon o ganoon lang talaga ang bulong nila.

Pansin ko din na natigil sa pakikinig sa akin si Mercy at tinuon sa tatlo ang pandinig niya.

"Mercy iyong itlog nalang," sabi ko. Gusto ko nang makaalis sa lugar na ito sanay na akong makarating ng mga balita na ganiyan sa akin ngunit hindi ko parin talaga maatim na mismong marinig ko ito sa aking tenga.

Binigay ni Mercy ang binibili ko at doon na ako humarap, hahakbang na sana ako nang magsalita ang isa sa kanila. Sa totoo lang hindi ko din sila kilala dahil sa bahay at trabaho lang ang aking atensyon wala din akong kilalang masyadong kapitbahay pwera nalang kung kumare ko ito.

"Kamusta na pala ang anak mo Cecelia?" Tanong nila. Akma na sana akong magsasalita nang makarinig kami ng isang kalabog ng isang kamay na inihampas sa kahoy na upuan sa kaliwang bahagi ko.

"Ang aga-aga po ibang tao agad ang gusto niyong pagusapan, iyan po ba umagahan niyo?" Sabi ng isang binata. Bigla ko naman siyang namukhaan, kinuha niya ang kamay ko sabay ipinatong sa noo niya.

"Hi po ninang Celia!" Masigla niyang bati. Siya ang inaanak ko at kaibigan din ni Cely. Tinanguan ko lang naman siya ng may ngiti.

Nabaling ang tingin ng binata sa mga babae bago ulit nagsalita. "Pwede po ba tigil tigilan niyo paguusap sa likod ng iba hindi niyo po ikakaunlad iyan dinaig niyo pa po iyong balita na mas may maraming alam na nangyayari sa bagay-bagay," sabi niya habang nakangiti.

"Aba bastos kang bata ka," sabi ng isa sa kanila ngunit hinila na din ang dalawa iyong isa na nagsalita. Kumaway naman sa kanila si Jack upang mang-asar.

"Ikaw na bata ka matanda parin sila dapat hindi kaganoon makipagusap sa matatanda," sabi ko sabay palo sa kaniyang ulo.

"Aray ko naman ninang, hindi naman kasi magandang pakealaman nila ang lahat ng bagay at saka hindi naman nila kung ano ang totoo at hindi," sabi niya. Napangiti nalang ako dahil natutuwa akong kaibigan siya ni Cely, maloko man na binata si Jack ngunit alam kong responsable siya at mabuting bata.

"Sige na maiwan na kita ipakamusta mo nalang ako sa mama mo ha," sabi ko. Sinabihan lang niya ako ng ingat at saka ko na din siya iniwan.

3rd pov

"Maam, sir your smoothie!" Masiglang sabi ni Cely nang makalabas siya at naabutan si Bianca at Brianze sa sofa na naghaharutan. Naiirita man si Cely pero pinilit na pasiglahin ang boses habang suot-suot ang peke nitong mga ngiti sa kaniyang mukha.

Inilapag ni Cely ang tray agad naman kinuha nilang dalawa iyong. Napatungo ang tingin niya kay Brianze na mukhang nagustuhan ang ginawa niya ngunit nang mapatingin na siya mismo sa babae nakita niya itong napapangiwi at para bang nandidiri sa ininom niya.

"Bakit hindi ito malamig masyado?" Tanong niya. Nagtataka naman si Cely dahil doon

"Po? Malamig masyado wala namang pong  yelo ang smoothie diba ang nagmimistulang palamig lang niyan ay ang freeze fruit," sabi niya. Sumama naman ang tingin ni Bianca sa kaniya.

"So you're telling me I'm dumb that I don't know that?!" Sabi niya. Hindi naman malaman ni Brianze ang gagawin.

"Hindi po maam pinapaliwanag ko lang po," sabi ni Cely upang depensahan ang sarili.

"That's enough. Cely just get her something that have an ice," sabi niya. Tumalikod nalang si Cely dahil doon ngunit napabulong siya bago tuluyang umalis.

"Napakaarte akala mo naman prinsesa."

Maid With You - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon