Chapter 15

1.9K 52 0
                                    

Cleared sky at the time of a dawn refreshing the mode of the a road, wintry breeze touching skin of a person whose driving on a car currently going home from business trip.

After the day when Cely and him got into an argument he went to overseas for an urgent business matter and stay there fortnightly.

When he arrive in front of his house the guard saw him then move immediately to unlatched the gate open.

"Good morning sir!" Bati ni manong guard. Isang tango naman ang pinakita ni Brianze sa kaniya bago tuluyang pinaandar ang makina.

Nang makapasok na ito sa kanilang garage agadang lumabas, napahaplos sa tyan bago ito napangiwi.

"Oh iho nakabalik kana pala," sabi ni manang na sumalubong sa kaniya sa pintuan ng kusina.

"Manang tell Cely prepare me a coffee I'll just change my clothes," sabi niya. Natigilan naman ang matanda sa pagluluto.

"Per-" hindi na nito natapos ng gustong sabihin nang naglakad na paalis ang binata mula sa kusina.

After he finish taking a bath also putting his clothes on, his eyes peek at his phone on the top of his table, he lean forward to take it, check if Bianca send him a message.

After he finally saw it Brianze lay his phone back while louring.

Napagpasyahang pumunta nalang kung nasaan ang kusina dahil napahawak nanaman ito sa kaniyang tiyan habang napapangiwi.

Nang makarating siya doon pansin niya ang isang tasa na nasa lamesa. Umupo siya sa upuan bago hinigop ang kape ngunit agadan din kumurba ang reaksyon sa kaniyang mukha nang malasahang may kakaiba.

"Manang ikaw ba nagtimpla nito?" Tanong niya matapos hinugop ulit sa pangalawang pagkakataon upang kumpirmahin na baka nagkakamali lang siya ngunit nakitang tumango ang matanda dahilan upang mapakunot si Brianze bago dahan-dahan inilapag ang basong hawak-hawak.

"Where's Cely why she didn't make me a coffee by herself?" Tanong niya dahil sa mas gusto niya ang linamnam ng kape na tinitimpla ni Cely para sa kaniya tuwing umaga bago ito pumasok sa opisina.

"Pasensya na iho hindi ko na naisabi sa iyo na umalis na si Cely dahil sa pag-aaway niyo." Natigilan naman si Brianze tila ba'y nanigas ang buong kalamnan sa narinig.

"Why?!" Tanong niya. Hindi lubos maisip na aalis sa kaniyang bahay ang dalaga dahil sa pag-aaway nilang iyon.

"Galit sayo, hndi ko naman makuhang pigilan hindi ko na din naisabi sayo ng mga oras na iyon dahil alam kong ayaw mong makipagusap kapag galit ka." Napabuntong hininga nalang si Brianze dahil doon sabay itong napatayo aa kaniyang inuupuan.

"Ang totoo n'yan narinig ko kasi lahat at sinabi na mismo sakin ni Cely na hindi talaga niya sinasadya ang kaso noong pumasok ka hindi mo na narinig iyong una niyang sinabi. Alam mo naman kung gaano maloko ang batang iyon madalas din kung ano-ano ang sinasabi pero alam mo din na hinding hindi gagawin ni Cely iyon ng walang dahilan mapagloko siyang bata pero hindi siya ganoong kababaw," pagpapaliwanag ng matanda. Umaasa siya na kapag napakinggan ito ni Brianze maaari nitong pabalikin si Cely sa bahay niya.

"What exactly she said manang?" Tanong niya. Inilapag ng matanda ang sandok bago siya napaisip.

"Sabi niya may vibration daw yung cellphone niya kaya noong may bigla siyang nagulat," sabi niya. Napabuntong hininga nalang si Brianze dahil doon hindi maiwasang na kasalanan niya dahil humusga agad siya base sa kaniyang narinig.

"Manang I'll go at her. Can you find her resume at my office? I'll chnage my clothes," sabi niya, upang malaman niya kung nasaan nakatira ang dalaga. Matapos din niyang sabihin iyon  napagpasyahan na ding umalis na samantalang hindi na nakuhang inumin ang kape dahil sa pagmamadali.

CELY

"Ano-ano ba ang pinaggagawa ni mama at napapabayaan na itong mga halaman na 'to?" tanong ko sa aking sarili habang binubuhusan ng tubig ang mga halaman galing sa hose. Kawawa naman kasi parang unti nalang susuko na silang mabuhay pa.

"Wag kayong sumuko, kung ano man 'yang pinagdadaanan natin malalampasan din natin 'yan," payo ko sa halaman na para bang alam ko ang nangyayari. Nagmumukha na din akong baliw sa oras na ito pero ginagaya ko lang naman si mama, noong bata pa ako mahilig dalaga siyang magtanim ng halaman naririnig ko din na kinakausap niya ito minsan nga pakiramdam ko ako ang hampaslupa at sila ang mga anak niya.

Hindi ko din alam kung lahat ba ng mga mahilig sa halaman lahat sila kinakausap ang mga ito pero dahil sa nakita ko sa mama ko sa tingin ko hindi pa naman ako mababaliw nito.

Ganito pala ang walang kausap hindi ko din alam kung nasaan mga kabarkada ko at umaga palang mga hapon kasi kami tumatambay sa mga oras na ito abala din kami sa sari-sarili naming gawaing bahay samantang sa bahay ni Brianze nandoon si manang nakakausap ko. Kamusta na kaya siya?

"Nakakaburyo naman ng ganito hindi katulad sa bahay ni tandang barbie may ginagawa ako," nakaksima got na sbi ko napapadyak pa ako ng ilang beses habng sinasabi iyon binitawan ko na din ang hose baka malunod na din sila.

Napagpasyahan ko nalang umupo sa harap ng halaman namin hindi ko din maiwasang maisip ang nangyari makalipas ang dalawang linggo bago ako umalis sa trabaho.

"Pag nakita ko lang talaga 'yong attitude na 'yon gagawin ko ng sadya yung pagtapon ko sa kanya,  purkit katulong lang ako gano'n na ipapakita nya, hindi hamak na secretary lang din naman siya utusan din ng boss niya!" sabi ko sa halaman ni mama habang dumuduro-duro pa. Iniiwasan kong pigilan ang kilos ko at baka dahil sa inis ko bigla nalang akong makahablot ng dahon at mapingot ako sa tenga ng wala sa oras.

"Isa pa yung tandang barbie na yun nagagalit ng hindi pa naririnig lahat ng sinabi ko hinusgahan na niya ng hindi ako hinahayaan magpaliwanag may ganoon ba pero mas mabuti na din na umalis ako doon magsama sila bagay naman ugali nilang dalawa parehong bruho at bruha!" Sigaw ko. Naitaas ko pa ang aking kamay ngunit dahil sa wala sa paligid ko ang aking atnesyon naihampas ko kung saan ang aking kamay.

"Wait ano iyon?" Kausap ko sa aking sarili bago ko ibinaling ang aking mata sa aking harapan. Nanlalaki ang aking mata nang makita ang isa sanga ng orchid ni mama.

"Lagot!!!" Napatayo ako bigla tumitingin sa aking paligid sinigurado na walang nakatingin at baka maisumbong pa ako ng wala sa oras.

Iyong parte kasi na naputol ay iyong parte na may bulaklak.

"Lagot ako nito kay mama!" Sabi ko. Sinusubukan kong itayo ulit ito pero bumabalik parin sa dati. Alam lo mukha akong ewan sa pinaggagawa ko dahil kahit sa sarili ko din wala din naman mangyayari kahit ibalik ko pa dahil putol na talaga.

"Cely." Nanayo ang aking balahibo dahil doon hindi ko man narinig kung kanino nanggaling ang boses na iyon ngunit nagsisimula na akong kabahan.

"Ma! Ano kasi naputol 'yong orchid bili nalang ako ng iba, magkano ba ito bente? May lima ako sa pitaka ko he he he," sabi ko. Ramdam din ang panginginig ng aking kamay. Mabait si mama pero pag dating sa halaman niya halos pwede na niya akong itaboy, ganoon niya ako kamahal.

Hindi parin ako humaharap ngunit natigil ako nang makarinig ako ng isang mahinang pagtawa mula sa aking likod boses malalim ito dahil doon agad akong humarap upang tignan kung sino man iyon.

Pagkaharap ko nanlalaki ang aking matang napatingin sa lalaking kasalukuyan ng nasa aking harapan. Nakasuot ito ng black na pantalon at simpleng t-shit na kulay black din kahit simple lang ito pansin parin ang kaniyang dating at nagmumukha parin siyang mayaman. Napalanghap ako sa hangin ng maamoy ang kaniyang pabango. Mapapapikit na sana ako ng maibalik ako sa tamang katinuan, agadang napaatras sabay napaduro sa kaniya. "Anong ginagawa mo dito sir?!"

"I'm here to say so—" natigil siya sa pagsasalita maging ako napatingin sa sa isang banda nakita ang aking barkada na naglalakad na papuntang pwesto namin.

"Cely bakit humihiyaw ka may nangyari ba?!"

Maid With You - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon