Chapter 25

1.6K 44 0
                                    

"Cely! Sorry ok please I don't mean it, I'm sorry." Masama ang tinging na ibinaling ni Jack sa kaniya ngunit hindi niya ito pinansin dahil kasalukuyabg na kay Cely ang atensyon niya.

Hindi naman mapaliwanag ng dalaga ang nararamdaman, akma na sana itong magsasalita nang biglang hinawakan ni Jack ang kaniyang kamay sabay hila nito palayo doon. Naiwan namang nakatunganga si Brianze sa pwestong iyon mga ilang minuto ang nakalipas ganoon parin siya hanggang sa hindi niya namalayang pumunta na pala sa kaniyang tabi si Bianca.

"Are you ok?" Tanong niya dahilan upang maibalik sa tamang wisyo ang pag-iisip ni Brianze bago ito tumango.

"Hmm yes, I'm ok," simpleng sagot niya. Kumapit lang naman sa kaniyang braso si Bianca bago sabay silang naglakad paloob ng mansyon.

"You shouldn't waste your time on you maid," sabi niya habang naglalakad. Hindi makaimik si Brianze sa sinabi ni Bianca, hinayaan lang niya itong magsalita ngunit hindi maipaliwanag habang nakikinig siya kung paano pagsalitaan ng masama ang kasintahan si Cely nakakaramdam siya ng irita.

                                      —

CELY

"Ito o hipon Cely diba paburito mo 'to hindi ba?" tanong sakin ni Jack bago inilapag ang hipon na nabalatan na sa plato ko.

Nang nakabalik na kasi kami sakto namang inaya na kaming kumain ni lola.

"Hmm, sige. Salamat," sagot ko. Nakita ko naman 'yong dalawa na pinapanood lang kami pero hindi ko nalang sila pinansin alam ko naman na kung anong tumatakbo sa isip nila, eh ano pa nga ba pareho naman nilang sinasabi na malandi ako

Nanlaki ang mata ko nang lalagyan nanaman ni Jack ng kung ano pagkain sa akin ang kaso naunahan siya ni sir Brianze na lagyan ang plato ko. Nagtaka ako, hindi ko alam kung para saan iyon siguro dahil guilty talaga siya sa ginawa niya, pero hindi masama parin loob ko walang makakabago no'n.

"Pigilan mo ko Velly maeksena yang boss mo," bulong sakin ni Jack. Napailing nalang ako sa pagiging isip bata niya.

"Shhh hayaan muna nasa harap tayo ng pagkain oh," sabi ko saka nagsimula nalang ulit kumain.

Nakakahiya naman kasi makikipagbangayan kami sa harap pa ng pagkain lalo na't nasa harap namin sila Mr and Mrs.Myer, kami na nga bisita manggugulo pa kami sobra-sobra na nga paganyaya nila dito sa amin.

"Ijah yan lang ba 'yong klase ng damit mo?" tanong niya saka napatingin ako sa sarili ko. Teka anong poplema sa damit ko?

"Ppo bakit po?" Tanong ko habang tinitignan ang aking damit kung may dumi ba doon kaya niya ako napansin.

"Hindi bagay yang sinusuot mo dito dahil mainit," sabi nya habang nakangiti. Hindi ko naman mapigilang mahiya sa sinabi niya wala eh kahit nga mainit talaga dito ako komportable.

"Ahhmm ano po kase ganiyan lang 'yong klase ng damit ko eh," sabi ko bago sumubo ng aking kinakain.

"Hindi ba may damit d'yan na dapat ibibigay mo sa apo natin bakit hindi mo nalang ibigay kay Cely para naman may masuot siya diba," sabi ni Mr.Myer habang matamis na nakangit sa akin.

"Nako huwag na po, ok lang po ako sa damit ko, saka ok naman po damit ko hehehe," sabi ko. Nakakahiya naman kung ganoon at saka ok na ako sa suot ko, naka t-shirt kasi ako nang mahaba tapos naka pantalon.

"Ano ba ijah huwag kanang mahiya mamaya suotin mo 'yon ah," sabi nya. Nahihiya nalang akong tumango saka kami nagsimula ulit na kumain.

Naramdaman ko naman sinisiko ako ni jack pero hindi ko nalang pinansin, nang-aasar siguro dahil mapagdadamit ako ng hindi ko sanay tsss tuwang-tuwa lang 'to kainis.....

"Hmmm pwede po ba akong tumulong sa trabahador nyo ng magsqka hehehe new experience lang po," mayabang na sabi ni Jack. Napailing ako, ano naman nakain niya at biglang nagyabang siya, manggugulo lang siya doon eh.

"Naku ikaw na bata ka sige bahala ka," sabi naman ng matanda. Sabi na, ito talagang lalaking ito

"Ikaw Cely sama ka?" tanong niya sa akin naka thumb ups pa siya.

"Sige ba," sabi ko. Gusto ko din naman kasing subukan syempre walang ganito sa manila, malaking hacienda kasi ito at hindi kalayuan nandoon lahat ng mga tanim nila naisabi na din ni Mrs.Myer na buong lupain nila ito kasama na din ang libreng pabahay sa mga nagtratrabaho sa farm.

Ngumiti naman siya sakin, at saka nagsimula na kaming kumain, pansin ko din namang hindi parin nagsasalita 'yong dalawa, mas mabuti na 'yon ayaw kona muna ng gulo.

Nang matapos kaming kumain kanya-kanya kami ng pupuntahan

Ako sumama ako kay lola dahil daw susuotin ko daw 'yong damit na ibibigay niya. Hindi ko alam kung paano tumanggi baka sumama loob niya pag tinanggihan ko siya.

"Lola hindi po ako nagsusuot ng ganiyan," sabi ko habang nakangiwing pinagmamasdan ang damit na inilatag niya sa kama.

"Ano kaba, short na medyo maikli tapos t-shirt na hindi maluwang lang 'to," pilit sakin. Ilang beses akong umiling ngunit kalaunan napabuntong hininga nalang ako saka kinuha iyong damit na sinasabi niya para suotin.

Nagdadalawang isip ako kung susuotin ko ba o hindi kaya wala akong nagawa kung hindi suotin nalang saka lumabas kasama si Mrs.Myer.

"Ang ganda mo talagang bata , mas maganda tanggalin moyang pagkakaipit ng buhok ko"sabi nya saka tinanggal yung pagkakaipit ng buhok ko natigilan ako doon saktong may bangs ajo ngayon parang gusto ko nalang lumubog sa kinakatayuan ko.

Matapos niyang matuwa sa itsura ko tuluyan na kaming lumabas sa kwarto naglakad kaming pareho kung nasaan si Jack.

"Wow ikaw ba 'yan Cely ang ganda ganda mo talaga," sigaw ni Jack. Hindi ko maiwasang hindi napairap sa pangbobola niya.

"Nagsuot lang ako ng ibang damit tapos binuhaghag ko lang buhok ko maganda na, oa ha."  Parang sira itong mga ito pero naalala ko itong reaksyon na niya, ito iyong araw na umuwi ako noong galing kami sa mall ni Jack talagang tinanong pa niya kung sino ako, ganoon ba kalayo mukha ko pag hindi naayusan mukang gusgusin ba masyado?

"Tara na sa farm," sabi sakin ni Jack. Sabay hila, wala akong nagawa kung hindi magpahila nalang. Ramdam ko naman sumusunod 'yong dalawa sa amin ni Jack.

"Sigurado ka ba talagang sasali ka doon sa kanila? Baka panggulo kalang doon, naku naman," sabi ko. Totoo naman kasi mapapabagal lang trabaho kung makikigulo pa kami doon.

"Anong ako lang pati ikaw no." Napatango nalang ako nang walang reklamo. Alam ko naman kukulitin niya ako ng paulit-ulit, hanggang sa pumayag ako kaya ano lang kung magrereklamo ako ngayon hindi ba.

Nang makarating kami sa bukid naupo muna ako sa kubo, hanggang sa inaya nako ni Jack bago kami pumunta doon napalingon ako kay sir Brianze kasalukuyan itong nakatingin sa akin. Hindi maiwasang maginit ng aking tenga dahil sa titig niya. Umiwas ako ng tingin ngunit ang kinagulat ko bago ko ginawa iyon napansin ko ding umiwas siya ng tingin.

Ano iyon? Nagiging weirdo na din ba siya?

Maid With You - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon