Chapter 04

2.7K 84 5
                                    

Kasalukuyan nang nakahiga si Cely sa kama dahil kakatapos lang ng kaniyang trabaho, kahit gusto man niyang magpahinga hindi niya magawa, iba ang rules ng bahay ni Brianze maluwag din ito sa mga katulong niya bawat araw may sari-sarili silang gagawin once na nagawa na nila ito ng kompleto maaari na silang magpahinga.

"Ang boring naman.... tulungan ko kaya si manang magluto? Pero baka maabala lang ako.... ano ba 'yan," saad ni Cely kasalukuyang kinakausap ang kaniyang sarili.

Tatayo na sana ito para mag-isip pa ng gagawin nang, biglang tumunog ang kaniyang cellphone hudyat na mayroong tumatawag sa kaniya. Agad niya itong sinagot, nang makita kung sino ang tumatawag bigla siyang napangiti.

"Hello Thea napatawag ka?" tanong agad ni Cely, nang matapos masagot ang tawag.

"Cely labas naman tayo," sabi niya, halata sa kaniyang boses ang pagkabagot. Katulad nalang nang nararamdaman kanina ni Cely.

"Alam mo namang nagtratrabaho ako Thea diba?" sabi niya, kahit pa wala na siyang trabaho malalagot parin siya kay Brianze pag sakaling lalabas ito. 'hindi kasi pwede baka bigla nalang akong sabunutan nung boss ko pag-aalis ako mahirap na diba,'

"Sige na Cely pagbigyan mo na ako, libre ko, gusto lang kitang makasama ulit," sabi niya. Nagsisimula na itong magpumilit, wala sa sariling napailing si Cely.

"Sige na nga magpapaalam ako,  magkita nalang tayo sa mall, hintayin mo ako doon," pagpayag ni Cely. Alam niya kung gaano ka spoiler brat si Thea at ayaw naman niya itong sumama ang loob dahil doon.

"You're the best talaga Cely, I love you na, see you later," masigla nitong sabi. Wala naman sa sariling napahagikgik si Cely bago pinatay ang tawag.

Nag-iisip na ito kung paano magpaaalam kay Brianze, iniisip niya kung papayagan ba siya o hindi, kahit ano pa ang pagpilit niya.

Nagpasya si Cely na hanapin na si Brianze. Nagtungo siya sa kwarto nito ngunit nang kumatok siya hindi siya nakatanggap ng kahit anong sagot at nalamang wala nga doon si Brianze. Napagpasyahan niyang tanungin nalang ito kay Manang.

Kaya naglakad siya patungo sa kitchen kung saan busy ang matanda na maghain ng kakainin.

"Manang nasaan po si sir Brianze?" tanong ni Cely. Bigla namang lumingon si Manang sa kaniya.

"Nandoon sa garden Cely," sagot niya. Tumango ng mabilis si Cely at nagpasalamat bago siya tumakbo palabas ng bahay upang puntahan ang garden, nagbabakasakali siyang sana ay payagan ni Brianze na lumabas. Hindi din niya maiwasan kabahan.

Nang makita niya mismo si Brianze agad niya itong nilapitan bago kinuha ang atensyon nito, na kasalukuyang may binabasa sa kaniyang ipad habang naka-upo sa isang maliit na parang bahay sa gitna ng garden.

Kung ipapaliwanag ang garden bale punong puno ito ng bermuda grass sa ibaba, kung ang ibang bahay ay napapalibutan ng bulaklak sa tabi ng gate ngunit ang kay Blake ay puro bonsai naman ang nakapaligid. Ang nasa gitna noon ay isang maliit na bahay na mahahalintulad sa kubo ngunit ang nagsisibling kahoy na pader at ang yero ay ginawang salamin upang habang nasa loob ay makikita parin ang nasa labas.

"What do you need?" Tanong ni Brianze nang makalapit sa kaniya si Cely, pero hindi parin siya tumitingin kay Cely. Abala parin siyang nakatingin sa ipad upang basahin ang documents about business.

"Sir pwede bang magpaalam? Magkikita lang kami ng kaibigan ko sa mall. Huwag ka pong tumanggi boss nakakapangit 'yon," sunod-sunod na sinabi ni Cely. Mangha namang tumingin si Brianze sa kaniya habang pinapanood na magsalita pero bigla din nagbago ang expresyon at tinignan lang siya na para bang napaka-boring ng taong kausap niya.

"Why you're asking a permission if I don't have a right to stop you?" sarkastiko nitong saad. Wala namang dahilan pero tumawa si Cely dahil sa sinabi niya.

"Syempre sir Brianze bilang isang magandang maid magpapaalam parin ako no. Bye na sir," agad niyang sinabi. Mabilis ang pangyayari ganoon nadin niya kabilis ang pagnakaw ng halik sa binatang binalik ang atensyon sa binabasa kanina at mabilis din siyang nakatakbo.

"CICELY!!" Sigaw nang napakalakas na maaari nang magpabasag ng salamin. Doon lang siya natauhan nang makatakbo na si Cely palabas. Handa si Cely sa mangyayari bago pa nagpaalam dala-dala na niya ang mga gamit upang mabilis na makatakas kung hindi man siya papayagan ni Brianze

Agad namang nakapagtawag ng sasakyan si Cely at mabilis na pumasok doon. Wala din namang alinlangan ang driver at pinaharurot ang sasakyan matapos niyang sabihin kung saan siya pupunta.

Tahimik na nakamasid si Cely sa bintana ng taxi ngunit naramdaman niyang may nag vi-vibrate sa kaniyang bulsa. Nanlalaro ang kaniyang ngiti sa labi sabay pindot ng answer botton.

"Cely!!!" Bungad agad ni Brianze sa kaniya. Halata doon ang gigil sa bawal pananalita niya 'what? Wala manlang hello?'

"Hello Sir!" Masigla niyang bati na mas ikinairita pa ng taong nasa kabilang linya.

"I'll throw you to the sea when you come back her!!" Matigas niyang sabi sabay patay ng tawag ngunit hindi ito naramdaman ni Cely. 'lilitisin naba ako? Pupugutan naba ako ng ulo? Wag naman po.'

"Boss ano kasalanan ko wag mokong katayin!!" sigaw bigla ni Cely, dahil sa sinabi niya ng mukha siyang isip bata, dahilan upang napatingin sa kaniya si manong driver tapos tumawa ng palihim ngunit narinig din naman ito ni Cely.

"Ano pong nakakatawa?" Malumanay na tanong niya, sa paniniwalang walang nakakatawa sa kaniyang sinabi.

"Wala po maam," sabi lang ng matanda at nag-focus sa pagda-drive.

"Kinakabahan ako pag umuwi ako, wag nalang kaya ako bumalik? Ay hindi pwede.... paano kung itapon ako? Wala na talaga ang future naming dalawa! Kadaya naman wala naman akong ginagawang masama bakit itatapon ako??" sabi niya ng malakas sa loob ng sasakyan. Manghang-mangha naman ang matandang nakikinig ngunit ayaw niya itong barahin at piniling manahimik nalang habang nagiging oa ang isang babae na nasa sasakyan niya at walang tigil na nagdra-drama sa isang walang kwentang dahilan.

Sa kabilang banda naman ay nanggagalaiting hinigpitan ni Brianze ang hawak-hawak na ipad. Nag-iigting ang panga at nagngingitngit ang ngipin sa pinagsamang gigil at irita.

"Try to come back annoying woman. I will roast you to death!!!!"

Maid With You - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon