Chapter 50

2.2K 26 0
                                    

Lumipas ang isang linggo at ito na ang araw kung kaylan papasok si Cely.

"Pupunta na po ako. Kuya hatid mo ako please!" Sabi ni Cely nang madatnan niya ang kaniyang magulang na nasa garden nagkakape kasama si Favian.

"Ayaw ko nga," biro ni Favian sa kaniya bago tumingin sa ibang direksyon. Napasimangot naman si Cely.

"Sige ka gagamitin ko yung motor dyan sa garahe," pagbabanta ni Cely. Natatawa naman ang magulang nila dahil sa isang linggo na nilagi ni Cely napalapit agad ang magkapatid na tila ba ilang taon na hindi sila magkakilala.

"Biro lang naman, sige na sumama kana sa akin bago ako pumasok," sabi niya. Doon naman napangiti si Cely bago siya lumapit sa kaniyang ina.

"Punta na po ako," sabi niya bago hinalikan sa pisngi si Kailey at ganun din namang ginawa niya sa kaniyang ama.

"Anak malapit lang iyong restaurant natin sa school mo papasok na din ako mamaya doon, doon ka nalang mananghalian ha isama ko mga kaibigan mo," sabi ni Kailey habang nakangiti.

"Talaga po?" Tanong niya. Natawa naman ang ginang bago tumango.

"Oo naman, unang araw mo ngayon kaya ililibre ko ang mga kaibigan mo, ingat ka doon," sabi niya. Mabilis na tumango si Cely at doon na sila naglakad papunta sa garahe ni-ready lang ni Favian ang sasakyan bago siya pumasok sa loob.

Habang nagmamaneho si Favian hindi niya maiwasang mapatingin sa nakakabatang kapatid, hindi parin makapaniwala na talagang kasama na nila ito.

"Cely kamusta para si Brianze?" Tanong niya. Hindi naman nakasagot si Cely dahil nanlaki agad ang mata niya na tila ba nakita niya si Brianze sa isang kalye may hawak na maleta at naka formal attire ito pero pilit niyang sinasabi na namamalikmata lang siya.

"Ano po iyon?" Baling ni Cely nang maibalik sa tamang wisyo ang kaniyang pag-iisip.

"I said kamusta si Brianze? Hindi ka pa ata pumunta sa bahay niya simula noong lumipat ka. Ok lang ba kayo?" Tanong niya sa kapatid. Napayuko naman si Cely, hindi malaman kung ano ang isasagot sa simpleng tanong na iyon.

Napansin ni Favian na hindi sumasagot si Cely kaya napabuntong hininga nalang siya.

"Cely nandito na tayo." Pinarada ni Favian ang sasakyan sa harapan ng campus dahil hindi naman  ito kalayuan.

Walang imik na bumaba si Cely sa sasakyan sakto namang tanaw na niya ang kaniyang mga kaibigan na hinihintay siya at kumakaway na.

"Kuya thank you sa paghatid," sabi ni Cely bago niyakap si Favian.

"Hmm no problem sunduin din kita mamaya ha hintayin mo ako," sabi ni Favian, napansin ni Cely na nakatingin si Favian sa mga kaibigan niya pero sumangayon naman si Cely dahil mukhang gustong bumawi ng kaniyang kuya sa kaniya. Matapos noon nagpaalam na din si Favian dahil may trabaho pa siyang dapat asikasuhin...

Iyon na ang naging hudyat niya upang maglakad palapit sa mga kaibigan niya.

"Cely!" Sigaw nila. Napailing naman si Cely dahil agaw pansin nanaman sila kaya mas minadali niyang maglakad papalapit.

"Ang ingay nyo talaga hahah." Pinalo lang naman siya ni Althea.

"Sige na tara na pamasok," sabi nila at sabay-sabay silang pumasok.

Naging maayos naman ang unang araw ni Cely meron lang pagkakataon na nahihirapan siyang makasabay sa lesson pero pinipilit niyang makinig hanggang sa umabit ng tanghalian.

Napagpasyahan nilang kumain na tapos na din ang lahat ng klase nila sa buong araw.

At ngayon nilalakad lang nila kung nasaan ang restaurant ng magulang ni Cely.

Maid With You - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon