Chapter 49

935 16 0
                                    

Cely pov

"Cely sigurado kana ba dito?" Tanong ni manang dahil aalis na ako. Dumaan na din ang tatlong linggo mula ng insidenteng iyon at tila sariwa parin ang lahat.

Nagpapasalamat ako dahil hindi naman malala ang pagkakapalo kay sir Brianze at hindi siya nagtamo ng malalang impact sa nangyari.

"Opo manang kaylangan ko na po bumalik dahil pasok na namin next week nangako din po ako sa magulang ko na doon ako mag-s-stay sa bahay nila," sabi ko. Masakit man na iwan kasi nasanay ako dito pero gusto ko makapagtapos sa pagkakataon na ito.

"Mamimiss kita," napangiti ako bago ko siya hinagkan.

"Manang ako din pero bibisitahin kita pag may time ako, hindi ko naman po kayo makakalimutan lalayo lang po bahay namin," sabi ko habang nakangiti. Alam kong ayaw akong payagan ni manang na umalis dahil katulad ko pareho lang kaming nasanay sa isat-isa.

"Hindi mo na naaubutan si Brianze sana nakapagpaalam ka manlang." Napatingin ako sa ibang direksyon. Ang totoo niyan nagpaalam na ako kagabi pero nilayasan niya lang ako ng walang  sinasabi. Ang bigat sa akin na umalis na hindi niya ako kinakausap pero ayaw ko din naman magpapigil, hinatyin ko nalang siya na kausapin ako.

"Ok lang po, nagpaalam naman na po ako kagabi." Tumabgo naman si manang bago doon dumating na din magulang ko at tinulungan akong dalhin ang mga gamit ko.

Bago pa ako sumakay sa kotse tumingin muli ako sa bahay ni sir Brianze bago mapait na napangiti, kasunod kong tinignan ang glass house kung saan lagi kong kasama si sir Brianze doon pero natigil ako ng may  napansin ako.

Nasa harapan kasi ng glass house ang birch tree na binigay ko kay sir Brianze. Namalayan ko nalang na namumuong luha sa aking mata kaya mabilis kong inangat ang aking tingin upang pakalmahin ang aking sarili at sa wakas nakuha ko na din pumasok na walang pagaalinlangan.

Buong byahe tahimik lang kami, sumasagot naman ako pag tinatanong ako nila mom at dad pero hindi parin mawala sa isip ko si sir Brianze, gusto ko siyang makasama at ayaw ko siyang iwan pero binabalak ko naman talaga pumunta sa kaniya tuwing weekend, hindi ko lang talaga siya kayang iwan, ganoon siguro talaga pag mahal ko ang isang tao.

Ang laki ng naging parte sa buhay ko si sir Brianze kung hindi dahil sa kaniya hindi ko hinagad na mag-aral ulit, hindi ko makikita ang sarili ko na may kulang, ganoon siguro talaga.

Lumipas ang ilang oras nang makarating kami sa bahay, nagpaalam muna ako dahil nangako ako kila Althea na magkikita kami.

Minuto lang din layo nito sa bahay ni mama at doon naman ako sinuwerte dahil lagi kong mapupuntahan si mama at malapit lang din ang bundok kung saan kami magkikita.

Nang makarating ako nakita ko agad sila nakaupo sa damuhan.

"CELY!" Sigaw nila. Nakangiti naman akong palapit sa kanila.

"Cely, you're late," sabi ni Bianca. Napangiti ako dahil kasama na nga pala siya sa kaibigan namin pinakilala ko siya sa buong barkada noon at nagustuhan nila si Bianca at ngayon ok na sila ni Ashlyn, nalaman ko din na pinsan pala ni sir Brianze si Ashlyn na ate ni Althea kaya pala magkamukha silang dalawa, hindi ko lang talaga napansin noong una.

"Hinatid ko pa kasi ang gamit ko sa bahay eh," sagot ko at naupo sa tabi ni Althea.

"I miss you." Biglang yakap sakin ni Altheam natawa nalang ako bago ko siya tinapik.

"Then let's drink, Ate Ashlyn buy this all for us," sabi nila Jack habang yakap-yakap ang mga alak, sila talaga mukhang alak tsk.

"Mahiya nga kayo," sabi ni Sheila sa tatlong lalaki pero dinilaan lang naman siya ng mga ito.

"No need haha." Pagsama sa kalokohan ni Ashlyn at doon na sila nagsimulang uminom.

"Kamusta pala? Nakapagpaalam ka ng mabuti kay Kuya Brianze?" Tanong ni Althea sa akin kaya naman natahimik ako at alam kong lahat sila natigilan at lahat ng mata sa akin nakatingin.

"Nagpaalam na ako pero nilayasan niya ko eh," sabi ko habang nakayuko, bumabalik parin sakin ang eksenang iyon.

"I think ayaw ka niyang payagan, sa tingin mo?" Tanong ni Bianca. Tutungga na sana pero kinuha ni Ate Ashlyn ang baso niya bago inilingan doon naman siya napanguso.

"I know Brianze I think he doesn't want you to leave him just like the day when Tita Cecelia stop getting you in their house," sabi ni Ashlyn na nagpatigil sa akin sa pagiisip.

"Ano ang ibig mong sabihin ate Ashlyn?" Tanong ko ng nagtataka.

"Hindi mo ba naaalala ako ang lagi niyong kasama noon? Lagi kang sinusungitan si Brianze pero ang totoo nag-aalala siya sa iyo kaya nga nanahimik siya nung time na hindi kana bumalik simula nung muntikan na kayo malunod na dalawa." Nakanganga ang lahat sa kanilang narinig. Nakita ko iyon samantalang ako nanlaki ang aking mata bakit hindi ko matandaan siyo siguro masyado pa akong bata kaya nawala na din sa memorya ko ang mahalagang pangyayaring iyon.


"Pero ate Ashlyn may isang beses niya lang sinabi na dapat mag-stay ako sa tabi niya noong nasa bingit kami ng kamatayan pero hindi ko naman po alam kung totoo iyon," sabi ko. Tama naintindihan ko lang ang sinabi ni Sir Brianze noong nag-loading na siya sa isip ko pero hindi ko mawari kung totoo ba iyon o hindi, o baka epekto lang ng mga pangyayari noong panahon na iyon.


"Cely you're the one who's with him sa tingin mo hindi niya i-tre-treasure iyon? Sa tingin mo ganoon siya kamanhid para hindi makita nararamdaman mo para sa kaniya? Pero hayaan mo na muna kausapin mo nalang siya pag ok na ang lahat," sabi ni Bianca. Tumingin naman ako kay Jack nang biglang pinatong ang kamay niya sa aking balikat bago ako nginitian.

"Sabi ko kasi sayo ako nalang hahaha biro lang, kung kaibigan parin ang turing sayo ni Brianze ikaw na ang bahala kung paano siya mahuhulog sa iyo, nandito lang kami para suportahan ka," sabi ni Jack. Dahil sa sinabi niya nakarinig kami ng mga tuksuan pero sa totoo lang napagaan niya ang loob ko. Tama siya eh hindi ko naman kaylangang matakot kung wala paring nararamdaman sa akin si sir Brianze kasi alam ko naman hindi pa siya nakakamove-on pero kaya ko pa naman siguro baguhin iyon pag dating ng panahon pero ngayon mag-fo-focus muna ako sa pag-aaral ko kung ganoon ay hindi ako mahihiya na humarap sa kaniya na balang araw ang katulong  niya/kaibigan may mararating na...


Sir Brianze hinatyin mo ako...

Maid With You - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon