Chapter 29

1.5K 41 0
                                    

"Oh Reccy uuwi kana?" Tanong ng katrabaho ni Reccy nang mapansing uuwi na ito matapos kuhanin ang sahod sa boss nila.

"Oo eh darating na din misis ko kinabukasan kaylangan ko maglinis ng bahay namin," sabi niya. Nakatinginan mga kasamahan niya.

"Naglilinis ka talaga sa bahay niyo? Hindi ba dapat magpapahinga ka nalang matapos trabaho mo?" Tanong nila. Napabuntong hininga naman si Reccy.

"Hindi naman sa ganoon ayaw ko lagi madatnan ng asawa ko na magulo iyong bahay kapag wala siya alam niyo naman kung paano kumilos ang mga lalaki may mga kalat pa ako doon," sabi niya habang natatawa. Lahat naman sila nagtawanan dahil doon alam nila pakiramdam kung paano masigawan ng asawa kapag may kalat man silang naiwan.

"Nga pala pre kakakasal lang nitong si Jonas nauna pa magkaanak sa iyo hindi niyo paba balak magkaanak ni mareng Celia?" tanong nila. Napatingin siya kay Jonas mga nasa limag taon na ang anak niyang lalaki at kasalukuyang buntis naman ang asawa nito.

Hindi man niya maisabi na gusto niya talagang magkaanak ngunit hindi pwede. "Darating din kami d'yan hidni ko na muna pinoproblema at saka hidni ko naman mapipigilan si Celia na magtrabaho lalo na ang layo ng pinagpapasukan niya dito sa atin," sabi niya bago tumayo sa kinakaupuan.

"Sige pre una na ako, kayo din umuwi na kayo baka makatanggap kayo ng palo ng pagmamahal sa mga asawa niyo hahahaha," pangaasar niya. Nagsamaan naman ng tingin mga kasamahan niya.

"Bastos 'to," sabi nila. Tinawanan nalang sila ni Reccy bago naglakad paalis sa construction site. Walking distance lang ito mula sa bahay nila kaya mabilis siyang nakarating.

Nang makarating siya ibinaba ang kaniyang gamit bago sinimula ayusin mga kalat. Hindi naman ito karamihan dahil madalas din siyang wala don at araw-araw itong nagtratrabaho habang si Celia naman na Ilocos nagtratrabahong katulong sa malaking pamilya doon.

Natapos din agad si Reccy at pabagsak na naupo sa sofa. Handa na sana siyang buksan ang t.v nila nang makarinig ng malakas na kalabog sa pintuan. Agad siyang naalarma at dahan-dahang naglakad doon.

Binuksan ng kaunti ang pintuan at natigilan nang makita ang asawa na kasalukuyan nang nakaupo sa sahig nauna siyang mag-panicked dahil sa nag-aalala ito sa biglaan niyang pagupo doon.

"Celia!" Sigaw niya bago nilapitan. Nang makaupo sa tabi ng asawa umangat ang mukha ng asawa niya ngunit natigilan namaan si Reccy nang makita niya ang batang nakatulog sa bising ng misis.

"Anong ibig sabihin nito Celia?" tanong ni Reccy dahil nagsisimula na soyang mag-isip ng kung ano-ano.

"Celia naman alam kong wala akong kakayahan magkaroon ng anak pero bakit-" naputol ang kaniyang sinasabi nang sumama ang tingin sa kaniya ng asawa niya.

"Tumigil ka nga Reccy mali ang kung ano mang iniisip mo sasabihin ko ang lahat." Nanahimik naman si Reccy at doon na nagsimulang magsalita si Celia tahimik naman na nakikinig sa kaniya si Reccy hanggang matapos lahat ng kwento niya.

"Kawawa naman ang batang ito," sabi ni Recyy. Sumangayon naman doon si Celia..

"Tama ka," sabi niya. Napakamot ng ulo si Reccy bago tuluyang umupo sa sahig pinalibot ang kamay sa balikat ng asawa.

"Bakit hindi nalang natin siya kumkupin mahal? Alam mo naman na hindi tayo magkakaanak diba? Sa sinabi mo tungkol sa batang ito para bang bigla kong naramdaman na gusto ko siyang protektahan." Napatingin naman si Celia sa asawa kita sa mga mata nito ang diterminasyon unti-untin na ding kumurba ang ngiti sa kaniyang labi.

"Hmm,"

_

Unti-unting tumulo ang luha ni Celia habang pinagmamasdan ang larawan nilang tatlo ng kanyang asawa at ni Cely. Mahirap para sa kaniya ngunit tila ba parang lalayo na din ang anak. Si Cely nalang ang ala-ala na meron siya para sa yumaong asawa at ngayon nalaman na nakilala na pala niya ang tunay niyang pamilya malapit na itong aalis sa kaniya..

"Reccy, mahal, si Cely, ang prinsesa mo babalik na sa totoong magulang niya.... Hindi ko siya pwedeng ipagdamot dahil sila ang tunay na magulang niya, tama na siguro iyong ilang taon na naging parte siya ng buhay natin sayang lang at ilang taon mo lang din siyang nakasama kung sana nandito ka pa kahit papano makakasama mo siya, alam ko kahit hindi natin siya kadugo ikaw sa ating dalawa ang unang napamahal kay Cely walang alinlangan mo siyang tinanggap at inalagaan pero kasi nakita na ako ng lolo at lola niya mga isang buwan na din nakakalipas kinausap nila ako na sana hayaan ko si Cely na pumunta sa kanila at makilala sila." Masikip ang dibdib na sinasabi niya iyon kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha habang hawak-hawak ang litrato ng asawa.

"Tama ba ang naging desisyon ko? Kung nandito kaba sasangayon ka na ibalik iyong batang tinuring nating anak? Kung sana pwede ko pa ibalik ang nakaraan noong meron ka pa makakapagdesisyon ako ng maayos pero ano ba karapatan natin." Napabuntong hininga si Celia bago unti untingoinunasan ang mag luha sa kaniya pisngi

"Pasenya kana mahal kaylabnan din niyang maramdaman ang pagmamahal ng tunay niyang magulang..." Binalik na niya ang litrato ng asawa sa dati niyang kinakalagyan ngunit napangiti si Celia nang biglang namatay iyong kandila kahit wala namang hangin na dumaan sa paniniwala na nakatanggap na siya ng tugon mula sa asawa.

Samantalang kila Cely naman nanatili lang na tahimik hanggang sa makapasok.

Natigilan naman si Jack nang mapansin ang kalagayan ng kaibigan.. "Anong nangayari sa kaniya?!" Natataranta nitong tanong.

"In the garde-" hindi pa nito natatapos ang sasabihin niya nang biglang lumabas si Jack sa bahay na iyon nasaktuhan na naabutan lang niya ang isang lalaki na nakaupo sa pool side habang sapo-sapo ang ulo.

"Hoy anong ginwwa niyo sa kaibigan ko ha?!" Sigaw niya dahilan upang mapalingon ang lalaki. Napakunot ng noo nang makita si Jack pero tumayo na din siya sa pool side.

"Wala kaming ginagawa sa kaniya" sabi naman niya biglang naglakad si Jack palapit sa lalaki sabay hila nito ng damit niya.

"Anaong wala namumutla siya iisipin ko na wala!" Sigaw ni Jack bigla naman sumama ang tingin ng lalaki bago marahas na tinanggal ang kamay ni jack na kumakapit kanina sa damit niya

Akma na sana niyang susugurin ni Jack upang suntukin ito nang biglang makarinig sila ng yapak papunta doon, kinuha naman ni Jack ang pagkakataon upang patamaan ng kaniyang kamao ang mukha ng binata.

Isang beses pa sana niyang susuntukin ito nang bigla siyang makarinig ng sigaw sa hindi kalayuan dahilan upang mapatigil silang dalawa. "Jack tama na..."

"Cely," sabay lungon ng dalawa mas lalo natigilan si Jack sa biglang boses ni Cely na hindi siya sanay marinig tila ba walang lakas ang boses niya at nanghihina na ito buti na lamang ay inaalalayan siya ni Brianze para hindi ito hayaan matumba kung sakali.

"W-wala silang kasalanan... Makinig ka please tama na," bawal nito sa kaibigan bago tumingin kay Favian na ang sinasabing nakakatanda niyang kapatid.

Tumingin si Cely kay Brianze upang tanguan ito naintindihan naman agad ng binata ang gustong isabi ni Cely bago nito marahan binitawan ang dalaga.

Habang si Favian pinagmamasdan lang ang nasa harapan niya kahit pa naiirita ito sa kilos ni Jack kanina kaylangan niyang ayusin ang trato sa kaniya dahil kaibigan ito ng kaniyang kapatid.

"Tara na." hilain si Jack kasama si Brianze ngunit nang makatalikod sila boses ni Favian ang nagpatigil sa kanilang maglakad paalis.

"Wait Tiana I want to talk to you..... I know you still can't believe us but please hear me out"

Maid With You - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon