Chapter 28

1.5K 46 0
                                    

Kinakabahan ako sa magiging kalagayan ng ginang na biglang nahimatay sa harap namin habang kami naman ni Boss nagkakatinginan sa isat-isa.

"Are you already ok?" Tanong nito. Napatingin naman ako sa isang binata na kasama nila napansin ko ang kaniyang titig napatitig din ako dahil parang kilala ko siya.

Teka siya iyong lalaking tumulong sa akin sa palengke noon ah.

"Ma, pa! Paliwanag niyo sa amin ito may alam ba kayo sa nangyayari?! Alam niyo na ba bakit hindi niyo manlang sinabi sa amin!" Ramdam namin ang galit ng lalaki maging si sir Brianze walang masabi nasa tabi ko hindi ko na din inintindi ang basa kong katawan.

"Anak may balak kaming sabihin kaya namin kayo pinapunta dito," sabi ni Mrs.Myer, nagtataka naman ako mukhang tungkol sa pamilya nila iyon.

"Ahh excuse me po pasok na po kami sa loob mukhang nakakabala po kami," sabi ko. Handa ko na sanang hilain si sir Brianze pero bigla akong napahinto nang maramdaman ko ang ginang kanina na hinawakan ng mahigpit ang aking pulsuhan para bang ayaw niya akong paalisin sa lugar na iyon.

Magsasalita na sana ako nang mapansin kong nagsimulang bumuhos ang kaniyang luha dahilan upang mataranta ako syempre sinong hindi matataranta kung may umiiyak sa harap mo lalo na hindi ko din naman alam ang dahilan.

"Bakit po kayo umiiyak?" Tanong ko pero nakarinig din ako ng hikbi, nagtataka akong napatingin si Mr and Mrs.Myer maluha-luha din at maging ang lalaki samantalang ang lalaki na tumulong sa akin sa ibang diresyon ang tingin.

"Anak..." Nanlaki ang aking mata bago napatingin kay sir Brianze.

"Sir siya ang tunay mong magulang?" Tanong ko kay sir Brianze ngunit biglang sumama ang tingin niya sa akin hindi ko siya maintindihan ang sama talaga ng ugali ng isang ito malaking rebelasyon ito para sa kaniya hindi ko akalain na bigatin din pala tunay niyang magulang

"Cely listen to us alam na namin ang tungkol sa iyo iyon din ang dahilan kung bakit namin kayo pinapunta dito hindi kami nagiimbita ng kung sino pero apo parte ka ng pamilyang ito." Napaatras ako pero hindi parin nakaatras ng mabuti dahil sa hindi parin pinapakawalan ng ginang ang kamay ko.

3RD POV

"Nagkakamali po kayo may magulang po ako nandoon nga po siya sa manila at saka po malabo po sinasabi niyo kasi mahal ko po mama ko kahit mabunganga po iyon, ganoon na din po ang namayapa ko nang papa lagi po niya akong pinagtatanggol kay mama pag pinapagalitan ako kaya po malabong malabo po talaga sinasabi niyo." Hindi naman malaman ni Brianze kung matatawa ba siya o manatiling magseryoso sa kaniyang naririnig sa katulong niya ngunit ibinaling nalang ang ulo sa iba maging ang lalaking tumulong kay Cely napatakip sa bibig upang pigilin ang namumuong tawa.

"Nakausap ko na si Cecelia tungkol sa iyo nang malaman namin ang lahat naisabi na din namin ang pagpunta mo dito dahil sa gusto naming makasigurado, nakakuha na din ako ng DNA test mo Cely makinig ka-" umiling iling naman si Cely dahil ayaw tanggapin ang sinasabi ng mga ito.

"Hindi po totoo iyan..." sabi niya hinawakan naman ni Briaze ang balikat ni Celly para patahanin ito dahil kita na niyang natataranta na ang dalaga na nasa tabi niya.

"Anak makinig ka ngayon lang namin nalaman ito nang makita ko ang balat mo meron din ganiyan ang daddy at kuya po please maniwala ka naman sa amin." Muling umiling si Celly malapit na itong maluha dahil sa mga nalalaman niya.

"Hindi po sinabi po ng magulang ko hindi po nila ako inampon..... Sinabi po nila sa akin iyon...." Unti-unting tumulo ang kaniyang luha dahilan upang mapatahimik sila, napaalis din naman ng hawak ang ginang sa kamay ni Celly doon na kinuha ni Brianze ang pagkakataon upang alalayan si Celly hindi niya malaman kung bakit binuhat niya ito sa kaniyang ikuran bago humarap sa kanila pansin parin ang panlulumo ng dalaga hindi ito nagsasalita.

"Sorry let us excuse first I think she still can't take it but I know her she will listen to you after she recover," sabi nito. Napatango nalang sila ngunit bago pa maaalis si Briaze doon nairnig niya ang hikbi ng ginang.

"Sir iisa lang magulang ko kahit mahirap lang kami hindi ko pinangarap magkaroon ng dalawang magulang dahil bata palang ako......bata palang ako.....nakakatanggap na ako ng salita tungkol sa magulang ko....." Nanlambot ang paningin ni Brianze.


"Celly! Anong nangyari sayo ha pinapatawag ako ng guidance counselor!" Sigaw ng ina ni Celly na kasalukuyan siyang sinisermunan ng inaya kanilang sala hindi naman niya makuhang magsalita dahil baka mas lalo itong pagalitan at sasabihin sumasagot na siya sa magulang niya.

"Sumagot ka!" Muling pagalit nito naiintindihan ni Celly dahil sa kahit ganoon ang ina nagaalala ito dahil sa itsura niya ngayon puno kasi ito ng putik sa buong katawan.

"Anong sigawan ito? Celia pinapagalitan mo nanaman itong princesa ko," sabi ng isang lalaki na kakapasok lang ng bahay napasimangot si Celia sa narinig bigla naman nagliwanag ang mukha ni Celly sabay takbo ito papunta sa kaniyang ama.

"Pa!" Masigla niyang bati. Binuhat naman ito ng kaniyang ama bago inamoy-amoy

"Naku anak amoy pawis ka at ano iyang putik sa damit mo hindi ba sinasabi ko hindi swimming pool ang putik dahil hindi ka naman baboy?" Biglang natawa si Celly dahil doon maging si Celia hindi maiwasang mapangiti.

"Kinampihan mo nanaman iyang anak mo lagi mo kasing kinukunsinti kaya ayan nakikipagaway hindi mo ba alam pinatawag ako ng guidance dahil sa ginawa niya sa kaklase niya?" Sabi ni Celia. Napatingin naman si Reccy sa anak.

"Totoo ba iyon anak? At wag mo na pagalitan ng masyado princesa natin nag-iisa na nga lang pinapagalitan mo ba hayaan mo iyong guidance na iyon hindi ka maging-proud at fighter anak natin hindi ba anak?" Nakipagapir pa ito kay Celly habang nakangiti.

"Ayan diyan ka magaling tinuturuan mo pa ng kalokohan anak mo baka nakakalimutan  mo babae iyang anak natin kung makapagturo ka parang lalaki iyan ah," sabi niya. Hindi naman siya pinasin ng asawa dahil abala na ito nakatingin sa anak na kasalukuyang buhat-buhat.

"Pero anak anong dahilan kung bakit mo ginawa iyon tignan mo putikan kana din," sabi niya. Napasimangot naman si Celly dahil doon

"Kasi po ampon daw po ako sabi ng kaklase ko kasi hindi ko daw po kayo kamukha at saka may balat daw po ako sa aking noo hindi ko naman daw po ito namana sa inyo saka po kasama ko po si Althea nakipagaway sa kaklase namin," sabi ng maliit na si Celly. Nagtinginan naman ang mag-asawa doon, lumambot ang tingin ni Celia.

"Aba loko pala  iyon kaninong anak iyon babatuhin ko yero nila," sabi ng ama. Ngunit nakatanggap ito ng batok mula sa asawa.

"Kalokohan mo nanaman."

"Biro lang naman mahal pinapangiti ko lang anak natin hindi ko naman matatanggap na sabihang ampon ang anak natin sa pogi ko na ito hindi mailalayong anak ko iyan nasa dugo natin ang royal," sabi niya habang humahalakhak ginaya naman ni Celly ang halakhak ng ama.

Napapailing naman si Celia habang pinagmamasdan ang mag-ama. "Anong royal iyan iyong soft drinks?" Ngayon tatlo na silang nakangiti.

"Tama na nga anak huwag mo na uulutin ang manakit ng kaklase ha? Kung inulit pa nila iyon isabi mo na pogi ang papa mo kaya anak kita," sabi niya. Tumango-tango naman si Celly na nagpapauto sa sinasabi ng ama.

"Opo!" Masigla niyang sabi.

"Tara na kumain may dala akong fried chicken binili ko sa kanto hindi ba paburito mo ito?" Sabi ng ama bago inilahad ang plastik sa harapan ni Celly, masaya naman itong kinuha ni Celly.

"Thank you po papa the best po talaga kayo" sabi niya. Nagkatinginan ang magasawa pareho silang napangiti sa isat-isa.

"Syempre meron kaming best na anak," sabi nilang pareho bago ginusot ang buhok ni Celly. Sa mga oras na iyon hindi mawari ang lubos na galak na nararamdaman ni Cecelia ngunit masaya-saya sa pamilyang meron siya ngayon.

Maid With You - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon