Chapter 05

2.6K 86 0
                                    

Nakatulalang lumabas ng taxi si Cely nang makapagbayad na siya agad din siyang lumabas.

Dumiretso siya sa kung saan nakapwesto si Thea na sinabi ni Thea sa message niya habang nasa taxi palang siya.

Naglakad siya papasok ng mall ngunit habang naglalakad nanliliit ang kaniyang tingin sa sarili nakakasalubong ng mga babaeng may magaganda at mararangyang damit, kahit hindi niya hilig na magsuot ng ganoon nagmumukha parin siyang kawawa dahil sa kaniyang suot.

Nakahinga lang siya ng maayos nang makarating siya mismo doon at nang mahanap agad niya si Thea.
"Oh my god Cely! " Sigaw ng isang morena at may makakapal na kilay, pointed nose at mapulapulang babae nagtataglay din ito ng  maikling buhok.

"Thea!!" Sigaw din niya, sabay takbo sa pwesto ni Thea. Hindi na nila napansin ang karamihang tao ay nakatingin sa kanila ng napakasama dahil sa bigla nilang pagsigaw.

Naging kaibigan niya si Thea nang bata palang sila. Noong una magkaklase lang sila na hindi magkasundo dahil sa masama ang ugali na pinapakita ni Thea sa kaniya ngunit dumating ang araw na si Cely ang tumanggol sa kaniya sa pagbu-bully ng kaklase nila dahil hindi nila nagugustuhan ang ugali ni Thea.

Pagkatapos noon pinuntahan niya si Cely sa bahay nila. Noong una hindi makapaniwala si Cely dahil sa sinabi nito na kaibigan na daw niya si Cely at doon nagsimula ang lahat.

"Ikaw na ba yan Cely, hay andaming nagbago sayo," sabi niya. Napakunot naman ang noo ni Cely sa sinabi ng kaibigan.

"Ha? Meron ba?" Nagtatakang tanong niya, dahil kahit saan banda wala siyang maisip kung saan banda siya nagbago.

"Duhh meron kaya mukha kang blooming ano meron may asawa ka na?" Pabirong sabi nito sa kaniya. Hindi naman maiwasang mapangisi ni Cely. 'soon palang hahaha joke'

"Wala ano ka ba Thea isang taon lang tayo hindi nagkita kung ano-ano iniisip mo." Saway bigla ni Cely. Pinigilang huwag ipahalata na napangisi siya sa idea ng kaibigan.

"Halika na nga, lumalaki butas ng ilong mo pag naasar ka eh." Natawa silang pareho bago sila naglakad paalis.

Nagsisimula na silang maglibot na dalawa. Ang katotohanang wala naman talagang balak bumili si Cely ngunit kasama niya ang kaibigan niyang daig pa ang may ari ng mall kung makagastos. Kaya alam niyang wala din siyang magagawa. 'tutal kakasahod ko lang naman, hindi naman masama na gumastos diba kahit kaunti? Ibibigay ko nalang kay mama ang ibam'

"Hoy babaita bakit ka nakatulala d'yan." Natauhan si Cely sa biglang pagkuha ni Thea sa atensyon niya.

"Wala naalala ko lang boss ko," pag-sisinungaling niya, hanggat maari ayaw niyang malaman ng kaibigan namomoblema siya sa pagsama dahil hindi naman siya mayaman katulad ng kaibigan.

"Maganda yan, kain muna tayo kwentuhan mo ako tungkol d'yan sa sinasabi mo," sabi niya. Wala namang malay si Cely nang bigla siya nitong hinila papunta sa restaurant.

Naglakad sila doon habang hila-hila naman ni Thea si Cely. Makalipas ang ilang minuto nakahanap nadin sila ng makakainan. Dumiretso sila para mag-hanap ng mauupuan.

Umorder muna sila bago siya hinarap ni Thea nang may ngisi sa kaniyang mukha.
"So sino 'yang boss na sinasabi mo na 'yan?" tanong niya. Kinakabahan namang napailing si Cely.

"Anak ng pinagtratrabahuan ni mama," sabi niya sabay iwas ng tingin. Iniisip kung bakit niya naisip na gawing pangtakip ang boss niya.

"Ano nga pangalan pabitin ka naman," excited nitong sabi. Hinihila hila pa nito ang damit ni Cely na parang bata na naghihintay sa kaniyang nanay na bigyan ito ng candy bago titigil.

"Brianze Chavez." Nang maibanggit niya iyon, bumalik sa kaniya ang banta ng boss niya na nagbigay ng kakaibang lamig sa kaniyang kalamnan.

"Weh so lagi tayong magsasama?" bigla nalang sabi ni Thea matapos ang isang minuto nang pagkatutulala.

"Ha anong sinasabi mo dyan," nagtatakang tanong niya.

"Duhhh boss mo lang naman 'yong one and only pinsan ko," sabi niya nang nakangiti. Nanlalaki naman ang mata ni Cely nang bigla niya itong marinig.

"Totoo? Cousin mo si crush??" Dahil sa gulat walang preno niya itong naisabi ng harapharapan.

"Talaga?! May gusto ka kay kuya Brianze?!" Ramdam niya ang init ang magkabilang pisngi sa katagang sinabi ni Thea. Nahihiya din siya sa kaniyang sarili dahil naisabi niya mismo iyon.

"Oo na! Sa gwapo ba nmn ng pinsan mo sinong hindi mai-inlove?" pag-amin niya sa bandang huli.

"Bakit hindi mo ligawan?" Natatawang sabi niya.

"Liligawan? Nababaliw ka na ba? Babae ako at lalaki siya at saka hindi pwede, alam mo naman kung gaano kataas ng agwat namin sa isat-isa kaya hindi dapat ang sinasabi mo," natatawang sabi ni Cely. Napa hinto naman si Thea bago tumingin sa cellphone niya.

"Tama ka, kahit gustong-gusto pa kita para kay kuya Brianze naalaa kong may gusto siyang iba," sabi ni Thea. Nanlalaki naman ang mata ni Cely.

"Ano?!" Sigaw niya. Agad din niyang tinakpan ang bibig nang magsitingingan ang mga tao sa loob ng restaurant na iyon.

"Sorry po," sabi ni Cely sa kanilang lahat bago ibinalik ang tingin kay Thea.

"May kasalukuyang nililigawan si kuya Brianze, ang pagkakatanda ko highschool classmate niya iyon. He try to court her before but he got rejected but now that girl give him a chance when they met," sabi niya. Biglang bumaba ang balikat ni Cely, hindi man aminin ngunit nakaradam ito ng disappointment.

Hindi sila parehong nagsalita hanggang sa dumating na ang pagkain nila. Napansin ni Thea ang pag-iba ng mood ng kaibigan kaya napabuntong hininga nalang ito sabay sandok ng pagkain sabay inilagay iyon sa plato ni Cely dahilan para mapatingin sa kaniya si Cely.

"Don't be sad, may mga bagay talaga na hindi para sa atin pero may mga bagay naman na darating." Pagbibigay nito ng courage sa kaniya. Hindi mapigilan na mapangiti ni Cely bago bumalik sang sigla sa katawan.

"TAMA!!!" sigaw nanaman niya. Sa pangalawang pagkakataon tumingin nanaman ang customer sa kanila. Nagkatinginan silang dalawa bago tumawa ng napakahina sa kanilang ginawang eskandalo.

Maid With You - COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon