"Hindi pa ako kumain pwede bang magluto ka muna?" Naintindihan ko naman agad siya siguro nga hindi pa siya nag-umagahan bago pumunta dito at saka pansin ko din iyong kape naubos niya agad.
"Sige sir gusto mo bang maghintay dito o sasama ka sa kusina? Pasenysa kana sa bahay namin maliit lang kasi," sabi ko umiling naman siya.
"I don't mind I rather watch you cooking than staying here alone," sabi niya doon naman kami naglakad papuntang kusina mabuti nalang meron iyong grocery na binigay kay mama kung wala ito baka wala akong maipakain sa kaniya.
Nang makarating kaming dalawa umupo lang siya doon sa mono block naming upuan habang ako nagsimula nang magluto. Wala nga pala kaming kahit anong karne dito paano kaya ito?
"Sir wala po kaming karne bakit hindi ka nalang mag order hintayin nalang kita makakain," sabi ko. Kumunot naman ang kaniyang noo sabay ilang beses na umiling.
"Ok lang po ba kung toast bread tapos omelette?" Tanong ko. Doon naman siya tumango. Hindi ko ba alam kung naging pipi ba siya dahil hindi manlang siya sumasagot puro iling at tango lang pinakita niya.
Hinayaan ko muna siya doon bago ko sinumulang magluto. Hindi din naman ako inabot ng matagal at iyon lang naman ang niluto ko at sinakto ko kang iyon para sa kaniya. Nakakain na kasi ako kanina bago pa umalis si mama sabay kasi kaming kumain.
"Ito boss oh gusto mo ulot ng kape?" Tanong ko matapos kong ilapag ang plato sa ibabaw ng lamesa bandang harap niya.
"No. Thanks for this," sabi niya. Pinagmasdan ko lang naman siyang mahinahon sumusubo. Napapaisip ako ganito ba ang mayayaman kung ako kasi ang kumain nakataas ang aking mga paa habang buhat-buhat ko iyong plato. Ilang beses na din akong napapagalitan dahil hindi daw maganda iyon pero inuulit ko parin dahil nga pinanganak akong matigas ang ulo at dahil nanay ko pasaway din saan pa ba ako magmamana diba?
Naiba agad ang aking tingin ng bigla niyang inangat ang paningin sa akin bago biglang kumurba ang kaniyang kilay.
"May kaylangan ka pa?" Tanong niya kahit kaylan talaga.
"Wala sabi ko nga magaayos na ako ng gamit ko. Sige na kumain ka ng mabuti dyan," sabi ko bago siya iniwan doon at saka ako dumiretso sa kwarto ko.
3rd pov
Pinagmasdan ni Brianze si Cely na pumasok sa kwarto niya nagkibitbalikat lang siya bago ulit kumain. Nang makalabas si Cely doon palang din siya natapos kumain dahilan upang mapansin iyon ng dalaga.
"Seryoso ka sir ngayon ka lang talaga natapos napakabagal mo naman." Hindi naman siya pinansin ni Brianze walang sabihing hinablot niya ang bag kay Cely bago ito naglakad.
"Teka kakatapos mo kang kumain hindi ba bawal maglakad pagkatapos kumain dapat 30 minutes ka munang ipababa ang kinain mo paano iyang appendix mo?" Nag-aalalang tanong niya humarap naman si Brianze sa kaniya na nasa tapat na ng pintuan.
"Don't worry I don't have a appendix anymore kaya dalian mo," utos niya. Mapanganga naman ang dalaga sa narinig hindi siya makapaniwala na mas pasaway pa pala ang binata sa kaniya.
Nang maibalik sa katinuan si Cely sumunod din naman siya at doon naabutan niyang nakatayo na si Brianze sa harap ng kotse. Nagtataka namang napatingin si Cely sa kapaligiran, kita doon ang mga maintrigang kapitbahay niya na tila ba ay nakakita sila ng artista. Hindi naman mapigilan mapailing ni Cely dahil doon. 'hula ko makaalis lang kami ni Sir dito ako ang magiging centro ng usapan nila tsk mga wala talagang magawa'
Agad silang pumasok na dalawa sa kotse matapos noon nagmaneho na din si Brianze. Buong byahe daldal lang ng daldal si Cely habang si Brianze nakikinig ng tahimik kung ano ano ang kinukwento niya kung saan sila nanggaling ng barkada niya maging ang pagkausap sa ligaw na hayop hindi niya pinalampas kahit nananahimik lang si Brianze at hindi nagrereklamo ngunit sa loob-loob nais na niyang buksan ang pintuan ng passenger seat upang itulak ang dalaga palabas.
BINABASA MO ANG
Maid With You - COMPLETED
RomanceSi Cely ay isang dalagang napagpasyahang mamasukan bilang isang katulong ngunit may nirokomenda ng kaniyang ina pero nang malaman niya ang magiging amo niya ay ang batang ninais niyang huwag nang lapitan pa, si Brianze isang isnaberong lalaki. Ngun...