Nang makarating si Cely sa bahay nila hindi na din siya tinanong ni Celia dahil halata sa anak na ayaw nitong makipagusap. Umabot ang gabi hindi siya lumabas ng kwarto kaya binigyan nalang siya ng space ng ina.
Kinaumagahan malakas na katok ang nanggaling sa pintuan ganon na din ang boses ng ina sa labas. Naka-gising na si Cely nagpupunas na din siya ng buhok niya dahil nasanay ito maliligo muna siya bago magtrabaho pagkatapos maliligo ulit.
"Anak gising kana ba? May pagkain sa lamesa aalis na ako may pinapalaba simi aling Melly sa kabilang baranggay maiwan muna kita dito," sabi ng ina. Agad naman hinawakan ni Cely ang doorknob bago ito hinila pabukas nakatayo parin si Celia sa pintuan.
"Ingat po kayo," sabi niya bago hinalikan ang ina. Napakunot naman si Celia.
"Ano 'yan? Bago iyan ah," sabi ng ina na parang nagbibiro pero sa loob-loob niya ay natutuwa dahil sa inasal nganak.
"Nakita ko kasi sa mga t.v ayos ba ma?" Napailing na natatawa ang ina bago siya hinala papuntang kusina nila.
"Ayan kumain kana aalis na ako," sabi niya. Napatingin naman si Cely sa munting kusina nila, nang may makita siyang maraming karton sa tabi ng refrigerator nila mga sampo iyon.
"Ma ano iyang karton na mga iyan hindi ba sabi ko magbawas na tayo ng gamit maliit na nga ang bahay natin puro pa mga gamit na hindi naman na mapapakinabangan nakuha mo nanamna iyan sa mga pinaglabahan mo ano?" Pagalit ni Cely bago siya naglakad doon. Nang binuksan niya laking gulat ng may makitang mga pagkain at mga bagong damit at kung ano ano pa na mukhang mamahalin.
"Ano ibig sabihin nito?" Tanong niya. Napatingin naman sa ibang direksyon si Celia.
"Ahh ano kasi mahuhuli na ako ikaw na bahala dito ha!" Sabi niya at agad-agad na umalis. Napanganga naman si Cely dahil doon.
"Anong nangyari doon?" Tanong niya napakamot pa siya ng ulo saka na jiya tinantana ang mga karton at naupo nalang upang kumain may sinangag na kanin at ang ulam niya ay ampalaya na may itlog.
Maagang kumain ito dahil huli na niyang nalasahan ang ganoong ulam bago pa siya namasukan kay Brianze dahil hindi sila nagluluto ng ganoong putahe.
Nang matapos kumain inayos na niya ang pinagkainan at hinugasan ito bago iyon napagpasyahan na din nalang niyang iligpit ang laman ng karton dahil halata naman sa mukha ng kaniyang ina na sakanila iyon.
Matapos lahat ng gawain napagpasyahan ni Cely matulog dahil wala siya alam na gagawin natapos na din siyang nakapaglinis. Maliit lang ang bahay kaya madali lang niyang natapos iyon hindi katulad sa bahay ni Brianze.
Nang gumising siya hapon na doon niya napagpasyahan na lumabas at pumunta sa tindahan upang bumili ng soft drinks. Nang makalabas napasingkit ang mga mata dahil sa sinag ng araw pero nang hindi na siya nasisilawan nakita niya ang kaniyang barkada na nakaupo sa tambayan nila sa tapat ng kanilang bahay kung nasaan may parang nakahigang mangga kung saan pwedeng maupo.
Sa pwesto niya rinig na rinig niya ang tawanan ng mga ito at ang mga malalakas na boses nila.
"Iba ka talaga Jack binasted mo yong anak ni aling Mila?" Sabi ni Eya babaeng kaibigan ni Cely siya ang pinaka malapit sa kaniya.
"Siraulo kaba sa tingin mo papatulan ko iyon balibalita ko nga ang daming boyfriend noon ayaw ko magkasala at saka kay Cely lang ang puso ko." Nagtawanan silang lahat dahilan din upang mapailing si Cely at napagpasyahan nalang na lumapit.
"Narinig ko nanaman pangalan ko sayo Jack," sabi nila. Lahat sila nagsitinginan sa kaniya nanlalaki ang kanilang mga mata na para bang nakakita sila ng bagay na hindi dapat makita.
"Cely!" Sigaw ni Eya at Sheila nagtatatalon sila na yumakap kay Cely. Nang matapos sila pati ang mga lalaki nakigaya dahilan para mapangiwi si Cely.
"Cely omg!" Sigaw nila ginaya pa nila kung paano tumalon at tumili si Shiela at Eya.
"Mga baliw hindi nanaman kayo nakainom ng mga gamot niyo," sabi niya. Lumapit naman sa kaniya si Jack na ganun din ang ginawa ngunit bago pa siya makayakap binigyan na siya agad ni Cely ng malakas na palo sa ulo.
"Napakabrutal mo naman," reklamo ni Jack bago padabog na naupo sa manga.
"Day off mo ba Cely?" Tanong ni Eya. Umiling naman si Cely dahil doon.
"Hindi nag resign na ako," simpleng sabi niya bago naupo sa tabi ni Jack.
"Bakit naman?" Tanong ni Recky at Evan. Tumalim ang tingin ni Cely dahil doon naalala nanaman niya ang nangyari nang nakaraang araw.
"Iyong girlfriend ng amo ko napakaarte hindi ko nasadyang natapon sa kaniya iyong shake na ginawa ko ayon nagalit amo ko." Nagtinginan sila lahat napatingin naman si Cely ng sabay-sabay silang tumayo, ang iba sakanila nagputol ng sanga samantalng ang iba nagpulot ng malaking bato bago sila nagtanguan
"Hoy saan kayo pupunta?" Tanong ni Cely napatayo na din siya.
"Susugudin namin kung sino man iyang impakta na iyan." Lumapit naman si Cely sa kanila.
"Tara!" Sabi niya. Nauna pa siyang naglakad habang hindi naman gumalaw ang lima.
"Oh anong hinihintay niyo?" Tanong niya biglang nanahimik ang buong kapaligiran ng oras na iyon maya-maya lang ay pare-pareho silang nagtawanan bago binato ang mga hawak nila.
"Tama na nga ang kalokohan ano ng balak mo ngayon?" Tanong ni Shiela. Napaisip naman agad si Cely dahil doon.
"Binabalak ko magaral nalang tutal may ipon na din naman ako kakausapin ko pa si mama para doon pero alam ko naman matutuwa siya sa desisyon ko," sabi niya. Nagtinginan silang lahat bago hinila ni Sheila at Eya si Cely.
"Good thing balak din naman magaral next sem sa ating lahat si Jack lang ang nag-aral nakakainggit naman kung siya lang magtatapos diba?" Natuwa naman si Cely dahil doon dahil lahat sila napabarkada si Jack lang ang nagpatuloy sa pagaaral niya.
"Teka na nga maupo ulit tayo!" Reklamo ni Evan, doon namqn sila ulit bumalik sa inuupuan nila kanina.
"Wait jack anong course mo?" Tanong ni Cely kay Jack.
"Criminology," Napakunot naman si Cely dahil doon.
"Ano 'yon?" Lahat sila nagtawanan maliban kay Cely na walang kaalam-alam.
"Criminology about crime, sabi ko kasing mag-aral ka hindi ka nakinig sa akin." Pangaral niya. Malakas namang napalo ni Cely ang ulo ng binata.
"Itikom mo bibig mo kung ayaw mong bigwasan ko iyan," sabi niya. Nagsitawanan naman ang iba sa kanilang dalawa dahil nagsisimula nanaman sila mag laitan at mag-asaran.
"Ang sweet mo naman pwedeng bawasan mo naman Cely marami ng hantik dito sa puno ng mangga gusto mo pabang dagdagan?" Pamimilosopo niya pabalik.
"Tama na yan hahaha so mabalik tayo sa usapan anong kukunin mo Cely?" Tanong ni Recky. Tumingin siya kay Shiela at Eya tinatanong gamit ang mga mata kung ano ang sa kanila.
"Mag Hrm kami," sabi nilang pareho. Napaisip naman doon si Cely.
"Kayong dalawa?" Tanong nila kay Evan at Recky.
"Engineering," sabay nilang sagot. Mas lalong napapaisip si Cely dahil hindi talaga niya alam ang gusto niya.
"Wala bang kurso na pwedemg pumatay ng tao?" Tanong niya tumango silang lahat.
"Maging kriminal ka nalang!" Sabi nila sabay tawa.
"Hahaha pwede din gusto ko mawala iyong babaeng iyon hahaha pero biro lang hindi ko din alam," sabi niya. Napapaisip na kung sana noon pa niya naisipan mag-aral alam na niya ang gusto niyang kunin.
"Hindi ba Cely mahilig ka magluto bakit hindi nalang Culinary kunin mo?" Tanong ni Sheila. Bigla namang napatango si Cely bago niyugyog ang kaibigan.
"Tama iyon nga!" Sigaw niya lahat naman sila ay nagsitayuan.
"Tara gala tayo sa bundok habang hindi na mainit!" Yaya nilang. Lahat agad naman silang nagsitakbuhan kung nasaan ang motor nila Evan, Recky at Jack.
BINABASA MO ANG
Maid With You - COMPLETED
عاطفيةSi Cely ay isang dalagang napagpasyahang mamasukan bilang isang katulong ngunit may nirokomenda ng kaniyang ina pero nang malaman niya ang magiging amo niya ay ang batang ninais niyang huwag nang lapitan pa, si Brianze isang isnaberong lalaki. Ngun...