Prologue

4K 66 4
                                    

PROLOGUE: Collision

“Ellaine, are you ready?”

Napa-angat ako ng tingin sa aking manager ng tanungin ako nito. Am I ready? I asked back in my mind.

Napapikit ako muli. Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa pagbalik ko sa Pilipinas. Ang tagal kong hindi nakauwi ng Pilipinas kaya naman hindi ko alam ang gagawin ko kung sakali mang magkita kaming dalawa.

Maliit lang ang Pilipinas kaya hindi malabong hindi kami magkita na dalawa. Talagang malabo pa sa tubig na madumi. Sobrang labo!

Pero ano naman ang gagawin ko kapag nagkaharap kaming dalawa? What should I do? Sh*t! I'm nervous!

Gusto kong pagtawanan ang sarili ko dahil sa iniisip ko. Ano pa ba ang dapat gawin kapag nandoon na ako sa Pilipinas? Syempre ang dapat kong unahin ay ang career ko. Ang career ko na para sa sarili ko at para na rin sa kanila.

Yes, dapat ‘yon lang ang isipin ko at hindi siya. Dahil wala naman siyang ginawa sa buhay ko kundi ang bigyan ako ng pasakit. Pasakit na hanggang ngayon ay dala ko pa rin na dapat ay matagal ko ng binaon sa limot, sa nakalipas. But until now?

Nakakatuwa ‘di ba? Hanggang ngayon dala ko pa rin. Ang hirap kasing bitawan. Pero siya? Ang bilis niya lang akong binitiwan. Syempre, wala siyang nararamdaman para sa akin, eh. Kaya hindi na dapat ako magulat pa.

“Ellaine! Hey, hija? Ayos ka lang ba?”

Napabalik ako sa wisyo ko ng maarinig ko ulit ang boses ng manager ko. At ang marahan niyang pagtapik ng aking balikat.

“Y-Yes, of course. I-I’m fine,” nakangiting sagot ko.

Hindi ko lang alam kung ngiti pa ba ‘yung nasa labi ko o ngiwi na. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kinakabahan ako at natatakot at the same time.

“Sigurado ka ba, hija?” tanong pa nito ulit sa akin.

“O-Opo, may dahilan ba para hindi po ako maging maayos?” tanong ko pabalik.

Hindi ito kaagad nakapag salita at tinignan ako ng maigi. Inoobserbahan niya ako kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.

Huminga ito ng malalim. “Well, sabi mo, eh. Handa ka na ba? Aalis na tayo, hija. Pabalik sa Pilipinas,” masaya nitong sambit.

Hindi ko magawang maging masaya. Kahit na dapat ‘yon ang dapat kong gawin. Dahil matapos ang maraming taon ay babalik ako sa Pilipinas.

“Yes…” No! I’m not. I’m not ready. “I’m ready.”

“Good, tara na,” sabi nito at tinawag ang mga boyguards na kasama namin sa pagpunta ng airport.

Mga ilang minuto ang byahe namin bago kami makarating sa may airport. Nahirapan man kami sa pagsakay dahil sa pag dumog ng mga tao sa akin ay at least nakasakay kami. Sa totoo lang ay dapat sa isang araw pa kami dapat uuwi ng Pilipinas pero dahil nagka-emergency ay napagdesisyon namin ng manager namin na umuwi na ngayon pa lang.

Sa sobrang dami kong iniisip ay hindi ko namalayan na nakarating na pala kami ng Pilipinas. Like what the h*ll! Gano’n ba ako katagal na nakatulala? Greece to the Philippines. Mahigit 12 hours ang byahe namin pero. Hindi man lang ako nakaramdam ng antok?

Gano’n na ba talaga kapag marami kang iniisip? Nakakalimutan mong makatulog? Well, wala naman akong problema sa pagtulog ko dahil kung minsan ay hindi na ako nakakatulog sa sobrang dami kong trabaho. Pero nakakapagtaka lang.

Wala akong ininom para hindi ako matulog pero… Nevermind na lang.

“Hi, Pilipinas! Sa wakas, nakabalik din ako sa bansang kinalakihan ko matapos ang ilang taon na nakalipas,” sabi ko ng pabulong sa sarili ko. Naalala ko tuloy ang mga binitiwan kong mga salita bago ko linisan ang bansang ito. Napangiti ako ng mapait.

Hindi na ba ako ulit masasaktan sa pagbalik kong ito? Sa pagkakataon na ito? tanong ng aking isip.

I shrugged. I took a deep breath. I don't know how to answer my questions. Siguro malalaman ko kapag nagkita kaming dalawa. Pero sana hindi. Sana.

“Ellaine, let's go. Our car is already outside,” sambit ng manager ko habang nagmamadali ito. Siguro ay marami na namang taong nakaabang sa amin kaya nagmamadali ito.

“Okey,” maikling sagot ko at kinuha ang mga bag ko maliban sa maleta ko. Nasa baba kasi ‘yon at ang mga bodyguards na namin ang bahala sa mga ‘yon.

“Ellaine, bilis! Padami na ng padami ang mga tao at mahihirapan tayo nitong makaalis niyan.”

Hindi ako sumagot dahil abala ako sa paglalagay ng mask at saka sombrero. Inayos ko ‘yon bago ako sumunod sa manager ko.

“Ellaine, kapag maraming tao sa baba ay hintayin mo ang mga bodyguards natin, ha? Mauuna na kami sa ‘yo.”

‘Yun lang ang huli kong rinig na sinabi ng manager ko matapos kong kinuha ang mga kakailanganin ko at saka ako bumaba ng eroplano pero sh*t lang! Hindi pa ako nakakalayo sa paglalakad pero ang dami na kaagad tao ang dinumog ako. Halos hindi ko na makita ang manager ko at ang mga kasama ko. Pati na rin ang ga bodyguards ko ay hindi ko din mahagilap.

My shocks! What will I do?! I can't move properly.

Sa sobrang dami ng tao ay hindi ko na alam kung saan ako papunta basta ang nasa isip ko ay gusto ko ng makaalis dito. Dahil halos hindi ko na makita ang dadadaanan ko ay bigla akong natapilok.

Napalunok ako ng alam kong tatama ako sa isang matigas at malinis na sahig. Shocks! Napapikit ako ng malapit na akong tumama sa sahig pero ilang segundo na ang nakalipas ay wala pa rin akong nararamdaman na sakit sa katawan ko sa halip ay isang matigas na bagay at alam kong hindi ‘yon sahig dahil magkaiba ang tigas nito sa isang sahig.

At hindi lang ‘yon! Hindi lang matigas na bagay dahil may naramdaman din akong isang malambot na bagay sa may bandang l-labi ko. Imunulat ko ang aking mata para i-check kung anong nangyari pero sana ay hindi ko na lang sana ginawa.

Nagsisisi akong minulat ko ang aking mga mata. Alam kong siyang ito. Kung paano? Because I remember everything no matter what he looked like. I often look at him so how can I forget the face of the man who hurt me?

Ang lalaking minsan ko ng minahal.

Ang lalaking minsan ko ng ginawa ang lahat para lang mahalin ako pabalik.

Ang lalaking minsan ko ng iniyakan ng sobra-sobra.

Ang lalaking minsan na akong sinaktan.

Ang lalaking naging crush ko simula ng elementary ako at high school.

Ang lalaking nagustuhan ko ng nag senior high school ako.

Siya ay walang iba kundi… Si Austin Devin Ortizo.

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon