44

1.1K 21 7
                                    

Chapter 44
Feared

**✿❀ ❀✿**

"Cut!"

Napapikit ako ng mariin ng mga ilang ulit ng sinasabi ni Direk 'yan at uulit-ulit kami sa pag-aakto. Actually madali lang naman 'yong gawin dahil ilalagay ko lang naman 'yong mga braso ko sa leeg ni Marvin. Ipupulupot ko lang at bahagya ko lang ilalapit ang aking mukha sa mukha nito pero hindi ko magawa ng maayos.

Kaya ko naman gawin pero kasi...nadi-distract ako. Pa'no ko magagawa 'yin kung may matang nakamasid sa'kin? Naiilang tuloy ako at hindi ko alam kung magagawa ko ba o hindi.

Hindi ko na alam kung makakaya ko pa. 'Di bale na lang kaya? Wala sa sariling naikanta ko 'yon mula sa isip ko. Napailing na lang ako. Naiinis na lahat-lahat ang direktor namin ta's nakukuha ko pang gumanito?

"Ellaine, what is happening to you? Nakailang cut na tayo pero hindi mo pa rin magawa ng maayos," sabi ni Direk na stress na stresse na sa'kin.

Bakit ko ang sinisisi ni Direk? Dapat n'yang sisihin ang isang lalaki na matalim kung makatingin sa'kin kaya hindi ko magawa ng maayos ang trabaho ko. Kainis naman, oh. Nadi-distract ako.

"I'm sorry po," paumanhin ko dito at ngumiti pa.

Huminga ako ng malalim 'tsaka ko tinignan si Devin masama ang tingin sa may pwesto namin. Kasama n'ya ang mga bata habang nanonood sila sa ginagawa ko. Pare-pareho silang masama ang tingin na akala mo ay may ginawa akong masama.

"Please, Ellaine. Last na lang 'tong gagawin natin ta's na taping na at bukas naman. Para makapag-pahinga na," nakikiusap ang tinig ni Direk.

"Sorry po," paghingi ko ng tawad ulit. Kinagat ko ng mariin ang bibig ko. Kinakabahan ako sa hindi malamang kadahilanan. Nanonood kasi s'ya! Kainis.

"Okay, in 1, 2, and 3!" muling sigaw ni Direk.

"Mukha kang distracted, Ellaine," sabi ni Marvin.

Pero hindi ko s'ya sinagot dahil distracted naman talaga ako. May walong pares ba naman na matang nakatingin sa'kin at masama pa sino'ng hindi madidistract do'n? Sino? Ako lang! Ako!

"At mukhang...kinakabahan," muling anas nito.

"Pakialam mo ba?" inis na anas ko dito at tinignan s'ya ng masama na ikinatawa n'ya.

"Relax, best friend," natatawang sabi n'ya.

Kaya napangiwi ako. Kailan ko pa 'to naging best friends? Ang natatandaan ko lang ay lima lang ang kino-consider kong kaibigan talaga. Na talagang pwede kong sandalan kapag may problema. Kapag lugmok na lugmok ako. At kapag walang-wala ako.

'Yon ang kaibigan para sa'kin. Si Marvin? Mabait naman s'ya pero hindi ko masasabing pwedeng kaibigan ko s'ya pero hindi totally. Parang okey kami pero hindi talaga totally na friend.

"You're not my friend," sambit ko.

"Ouch! Why? Mabait naman ako, ah?" sabi n'ya.

"Pero maloko," singit ko.

Natawa s'ya ulit. "Gan'to lang talaga ako, Ellaine. Pero maniwala ka...friendly ako."

"Wala akong pakialam," anas ko at pilit na pino-focus ang sarili sa may gagawin kong moves. Sana sa pagkakataong 'to ay hindi na ako pumalya.

Nakakahiya kasi sa mga kasamahan mo sa taping na pagod na at ikaw ay paulit-ulit pa rin sa ginagawa dahil sa hindi ko magawa ng maayos. Hindi ko magawa ng with emotions. 'Yon kasi ang need, eh. Kaso wala ako no'n ngayon.

Kinain kasi ng pagkakaba ko.

"Ellaine and Marvin!" sigaw ni Direk kaya napatingin kaming dalawa kay Direk. "Dito kayo mag-focus na dalawa. Mamaya na kayo magsigawan sa isa't isa at mukhang may LQ kayo kaya hindi maayos ang performance ni Ellaine."

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon