51

1K 23 12
                                    


Chapter 51

Basher

"Mi, uuwi na po ba talaga tayo? Hindi ba pwedeng magtagal pa tayo dito ng dalawang araw pa po?"

Napailing na lamang ako ng magtanong na naman ang anak ko. Kanina pa kasi 'to tanong ng tanong at hindi ko alam kung ilang beses ko na ba 'tong sinagot.

"No, hindi pwede," sagot ko sa hinihiling ng anak kong si Ril.

"Pero, Mi—"

"I said no, Ril. Umabsent na kayo sa school n'yo ng isang linggo. Hindi magandang tingnan na mag-absent ulit kahit na nagpaalam kayo sa school na hindi kayo makakapasok." Putol ko kay Ril. Kaya nakasimangot s'ya ngayon. Tumingin pa s'ya kay Devin na para bang humihingi s'ya ng tungkol. Pero pinanlakihan ko s'ya ng mata na para bang pinagbabantaan ko s'ya.

"Si Mi ang killjoy." Pagpaparinig pa ni Raz. "Sige na, please? Dalawang araw pa, please?"

Huminga ako ng malalim dahil sa pangkukulit sa'kin ng dalawa kong anak. Buti si Raf ay hindi nangungulit dahil kapag tatlo silang nangungulit sa'kin ay baka hindi ko kayanin. Dalawa pa nga lang ay hirap na hirap na ako pa'no pa kaya kapag tatlo na sila? Wala na.

Paalis na kaming Taytay at pabalik na kaming Manila pero ang mga anak ko ay ayaw pang umalis dito. Kung pwede lang bakit hindi? Pero hindi kasi pwede, eh. May work ako at may pasok sila sa school hindi naman pwedeng lagi silang absent. Hindi magandang tignan 'yon sa record nila sa card.

"Buddies, babalik naman tayo dito kapag may free time tayo. Pero kasi may pasok kasi kayo sa school," pilit na pinapaintindi ko sa kanila pero mas lalo lang silang sumimangot. "Hindi magandang tingnan kung lagi na lang kayo nagpapaalam para lumiban para magbakasyon."

Ang mga gamit namin ay nasa van na at kami na lamang ang hinihintay. Nasa lobby pa kasi kami ng hotel gawa ng mga anak kong ayaw pang umalis. Hawak ko ang camera ko habang kinukuhanan sila ng larawan pati na rin ang paligid.

Sa pagbalik ko na lang ng Manila ako bibili ng bagong cellphone. Sinira kasi ni Devin pero buti na lang ang memory at sim ay hindi nadamay. Cellphone lang talaga. Madami pa man din akong laman na memory na hindi dapat mawala. Marami akong memory do'n kaya lahat ng memory ko ay iniingatan ko. Lahat ng memory ko ay may mga mahalagang alaala na picture kaya ayaw kong nasisira 'yon.

Masira na lahat 'wag lang ang memory.

"Tara na," saad ko. "Pwede naman tayong bumalik dito kapag birthday n'yo. Sige na. Please? Lumabas na tayo."

"Pangako 'yan, Mi?" sigaw na patanong nila Raz at Ril.

Kaya tumango ako. "Oo, pangako ni Mi. Kaya tara na?"

"Okey po," sagot nila 'tsaka sila naglakad papalabas ng hotel kaya nakahinga ako ng maluwag. Pagbalik ko ng Manila bar agad kinabukasan. Wala akong work bukas kaya pwede kong gawin ang gusto ko.

"Ako na ang magbubuhat nito," sabi ni Devin at kinuha ang bag na dala ko.

"Pero marami ka ng buhat na gamit," sabi ko at kinuha ko ang bag na kinuha n'ya sa'kin para s'ya na ang magbuhat pero ayaw n'yang ibigay.

"Ayos lang," sabi pa n'ya bago s'ya nauna sa'kin maglakad papalabas ng hotel.

Ang driver namin ay nando'n na din at inaayos ang gamit. Kaunti lang sana ang dala namin pero dahil bumili ako ng souvenir para sa mga kaibigan ko ay nadagdagan ang dalahin namin. Ang dala-dala kong bag ay 'yon ay ang mga souvenir na binili ko.

Ang mga kasama ko sa taping ay nauna na silang umalis dito sa hotel kami na lang nila Devin ang nauna. Buti na lang at nananahimik ang babaeng staff na nakakita sa amin ni Devin ng isang araw. Akala ko ay magsasalita s'ya.

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon