19

957 16 12
                                    


Chapter 19

He doesn't care

Nagising ako sa pa-iingay ng aking cellphone. Hindi ko 'yun pinapansin dahil busy ako sa paghahanap ng pwede kong pasukan na negosyo kung sakali mang magmodelo ako. Balak ko ng magpalit ng kurso kapag natapos ang semester namin. Hindi ko sana papansinin ang cellphone ko pero muli na naman 'yun tumunog kaya naman inis ko 'yung kinuha at sinagot ang tawag.

"Hello?" inis kong sagot sa tawag.

"Hija?" Kumunot ang noo ko ng marinig ko ang boses ni Manang Gloria. Si Manang ba 'to? Tinignan ko ang caller id kung sino'ng tumawag.

"Manang?" takang sambit ko. Hindi kasi nakasave ang number ni Manang kaya hindi ko alam kung si Manang ba 'to o hindi. Kung number n'ya ba 'to o hindi.

"Hija, ikaw ba 'yan? Hay, salamat at sinagot mo. Hija, umuwi ka na dali. Hinahanap ka ni Devin," saad ni Manang. Hinahanap? Wow? Bago 'yan, ah. "Hija, nandyan ka pa ba? Umuwi ka na. Nag-aalala na ako sa'yo. Sige na, ha?"

"Wala na po ba d'yan ang babae n'ya?" tanong ko kay Manang.

"Wala, hija. Sige na at umuwi ka na nandito ang mga magulang n'yo kaya hinahanap ka ni Austin, hija," sabi ni Manang.

Napangiwi ako. Akala ko pa naman ay nag-aalala s'ya sa'kin kaya hinahanap n'ya ako pero hindi pala. Kaya pala hinahanap ako dahil nando'n ang mga magulang namin. Huminga ko ng malalim.

Devin, kailan ka kaya magkakaroon ng pakialam sa'kin? Kailan?

"Hija?"

"Opo, sabihin n'yo po sa kanila ay uuwi na po ako," saad ko at pinatay ang tawag. Kaya pala kanina pa panay tunog ang cellphone ko dahil tumatawag at nagtetext sina My at Dy. Gano'n din si Fratello maggiore. Hinahanap n'ya ako. Tinatawagan siguro s'ya ni Dy kaya gano'n.

Mga 6 PM na ako ng makapunta ako sa bahay. Huminga pa muna ako ng malalim bago tuluyang makapasok. Papagalitan nila ako panigurado. Pagkabukas ko ng aming pinto ay si My agad ang bumungad sa'kin. Masama kung tumingin sa'kin.

"At sa'n ka naman galing? Ang sabi ni Austin ay hindi ka daw umuwi kagabi. Ni hindi ka man lang nagpaalam sa kanya, anak. Baka nakakalimutan mo na may asawa ka na at hindi ka na dalaga!" galit na sabi ni My.

Nagpaulit-ulit sa pandinig ko ang panghuling sinabi ni My. Alam ko naman 'yun. Hindi na ako dalaga pero dala na. Ngumiti ako ng mapait. Hindi umuwi? Hindi ba't 'yun ang sinabi n'ya sa'kin? Na h'wag na muna umuwi ng bahay dahil nandito si Claire. Nandito ang babaeng mahal n'ya.

"Si Aine na ba'yan?!" rinig kong sabi ni Dy. Sabay pakita sa'kin. Gano'n din ang mga magulang ni Devin. Kasama s'ya. "Aine, sa'n ka ba galing, ha? Hindi ka ba talaga magbabagong bata ka? Kahit may asawa ka na ay panay ang gimik mo! Hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko sa'yong bata ka."

Tumingin ako kay Devin na seryosong tumingin sa'kin. Ano kaya ang sinabi n'ya sa mga magulang ko at gan'to na lang ang galit nila sa'kin? May sinabi ba s'ya?

"Nakitulog lang po ako sa isang kaibigan ko po. M-May ginawa kaming reporting kaya gano'n. Ginabi na po ako kaya do'n na lang ako nakitulog. P-Pasensya na po kung hindi ako nakapag paalam sa ASAWA ko," saad ko kala My at Dy.

"Kahit na! Hindi pa rin magandang ginawa mo, Aine! Sana man lang ay nagsabi ka sa asawa mo," sambit ni Dy, halatang galit pa din.

Hindi na lang ako nagsalita dahil alam kong hahaba na naman ang panenermon nila sa'kin kung magsasalita pa ako. Hanggang sa makakain kami ng hapunan ay panay panenermon nila sa'kin kahit na may ibang tao sa may harapan namin. Napapikit ako ng mariin. Nakahinga ako ng malalim ng makauwi na sila. Paakyat na sana ako ng nagsalita si Devin.

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon