40

1.5K 20 0
                                    


Chapter 40:

Sulking

"Good morning!"

"Ay, butiki!"

Napaatras ako ng biglang bumungad sa'kin si ano. Nakangiti s'ya habang binati n'ya ako ng gano'n. Hindi ko 'yon inaasahan at hindi ko din naman akalain na babatiin n'ya ako ng magandang umaga.

"G-Good morning?" nakangiwing bati ko 'tsaka lumabas ng kwarto ng bigyan n'ya ako ng space para makadaan. "A-Ano'ng ginagawa mo dito?"

"Binabati ka?" Patanong na sagot n'ya.

"Binabati? Alam mo ba na walang good sa morning?" saad ko habang nakatingin ako sa maliit na salamin na hawak ko. Abala ako sa pag-aayos sa sarili ko. Naglalagay ako ng light lipstick sa'king labi.

May sarili naman akong make up artist pero mas nasanay kasi akong ayusin ang sarili ko kaya pagdating sa mga taping at photoshoot ay ako ang madalas mag-ayos ng sarili ko. Pagdating naman sa mga damit ko gano'n din. Kaya nga natatawa si Tita bakit pa daw ako kumuha ng stylist at makeup artist kung marunong naman daw ako no'n.

Ewan ko. Maski ako ay hindi ko alam. Siguro kapag wala ako sa mood mag-ayos ng sarili ko kaya siguro ako nag-hire. Lalo na kapag nawawala ako sa sarili ko. May mga pagkakataon kasi na masyado akong tulala. Nakatingin sa kawalan kahit walang iniisip. Meron man pero kapag naiisip ko ay hindi na 'yon maalis sa isip ko hanggang sa matapos ang araw.

"Sa tuwing aalis ka ba kailangan bang lagi kang naka-make up?" tanong n'ya kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin s'ya sa may lipstick ko. "Hindi ba pwedeng h'wag ka na lang maglagay ng make up?"

"Bakit? Masama ba?" Sabay baling ko sa buhok ko. Bahala na d'yan mamaya ang hair stylist ko. Hindi ako magaling pagdating sa buhok. Mahina ako do'n. "Nasa'n ang mga anak ko? Hindi ba't sila ang dapat mong bantayan at hindi ako? Baka nakakalimutan mo kung ANO'NG trabaho mo dito."

"Anak natin," pagtatama n'ya. Kaya natigilan ako. "Masama bang bantayan ko din ang asawa ko? Bukod sa mga anak ko?"

Mas lalo akong natigilan sa sinabi n'ya. Asawa ko? Mga anak ko? Sa'n kaya s'ya kumukuha ng kapal ng mukha para sabihin ang mga salitang 'yon? Bakit ang lakas ng loob n'yang sabihin 'yon sa harapan ko? Na akala mo ay walang nangyari sa amin ng 8 taon.

Well, do'n ko lang naman naranasan ang masaktan. Ang madurog ng pinong-pino katulad ng paminta at hindi ko pa nga alam kung totally na ayos na ba ako o hindi. Dahil hindi ko masabi. Ayaw kong magbitaw ng mga salitang alam kong sa bandang huli ay kakainin ko din.

"Nasa kusina. Kumakain na. Ang Nanay na lang ang hindi dahil abala s'ya pag-aayos ng sarili para sa leading man n'ya," saad n'ya na para bang pinapatamaan n'ya ako.

"Leading man? At sigurado akong hindi ikaw 'yun," saad ko.

Tumaas ang kilay n'ya. "Talaga ba? Kasal pa rin tayo baka nakakalimutan mo?"

"Pa'no ko makakalimutan kung pinapaalala mo? Pero sa tingin ko mas maganda ngang nakalimutan ko para tahimik ang pagkatao ko. Salamat sa'yo at nadagdag ka pa ng iisipin ko," nakangiting sabi at inirapan s'ya.

Nauna ako sa kaniyang maglakad dahil takbo at lakad ang ginawa ko. Napanguso ako ng makarating ako sa may kusina ng hindi man ako pinansin ng mga anak ko kahit binati ko na sila ng 'good morning'. Hindi ko sila naabutan kagabi dahil tulog na sila ng makauwi ako. Mga 9 PM na ako nakauwi. Akala ko ay mga 7 PM pero nagkamali ako dahil ang over time kami for taping.

"Galit pa ba kayo sa'kin?" mahinahong tanong ko. Pero wala akong natanggap na sagot ni kahit na isa.

Napanguso ako. Galit pa nga sila sa'kin. Para tuloy nawalan ako ng ganang kumain ng agahan.

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon