26

1.2K 21 10
                                    


Chapter 26

Gun shot

"Devin, ano ba?!"

"Why?"

Maang-mangan n'yang tanong sa'kin kaya tinignan ko s'ya ng masama. Pa'no ba naman kasi pinapahubad n'ya sa'kin ang aking damit magpalit daw ako. Ano bang masama sa damit ko? Nakasuot kasi ako ngayon ng cut out backless zipper halter romper at ang aking sapin sa paa ay clear chunky heeled ankle strap sandals.

"Magpalit ka kasi!" inis na sabi nito sa'kin at pinigilan akong lumabas ng kwarto.

Papunta kasi kami ng bar. Nag-aya si Kierra na magbar kaya pupunta kami. Actually, ako lang sana pero sabi ni Devin ay sasama din daw s'ya kaya 'yun. Dapat paalis na kami ng bahay kaso 'tong si Devin pinagpapalit ako ng damit.

"Ayaw ko. Kung ayaw mong sumama sa'kin bahala ka. Basta aalis na ako," sabi ko. At nilagpasan s'ya binitiwan n'ya kasi ako at pumunta sa may closet ko para kuhaan ako ng ibang damit ko, eh, wala naman s'yang ibang makikita do'n bukod sa mga uniform ko at mga jumpsuit or rompers na damit ko.

"Dian! Dian!" Paulit-ulit n'yang sigaw sa tanong ko pero hindi ko na s'ya pinansin pa. Nagmamadali akong pumasok sa kotse ko. "F*ck!"

Natawa pa ako marinig ko s'yang nagmura ng mapagtanto n'yang hindi ako makikinig sa kaniya. Ano ba kasing problema dito sa suot ko? Eh, wala naman. Simple nga lang ng suot ko, eh. Nagulat ako ng bigla akong hilain papalabas ng sasakyan ng makaupo ako sa may driver seat.

"B-Bakit?" tanong ko sa kanya. Nagulat ako sa ginawa n'ya, eh.

"Do'n ka sa may shotgun seat at dito ako," saad n'ya at tinuro pa ang uupuan ko. Seryoso s'ya. Kaya kinabahan ako.

"H-Ha?"

"Sabi ko do'n ka sa may shotgun seat ako dito sa may driver seat. Ako ang magmamaneho! Ang tigas talaga ng ulo mo!" inis n'yang sabi kaya natawa ako.

Since born na akong matigas ang ulo. Sadyang hindi mo lang kayang talunin, saad ko sa isip ko kaya mas lalo pa akong natawa. Kaya nagsalubong ang kilay ni Devin. Akala n'ya yata ay pinagtatawanan ko s'ya.

"Opo, Mr. Ortizo. Susunod na po," saad ko.

"Don't teasing me, Mrs. Ortizo. Baka mabuntis kita ng wala sa oras," saad n'ya.

"Teasing? Hindi naman, ah?" Inosenteng sabi ko at bahagya pang napaatras ng bigla s'yang humakbang papalapit sa'kin. Shocks! Sabi ko nga at titigil na ako.

"Talaga lang, ha?" sarkastikong sabi n'ya. "Baka gusto mong hindi makaalis ng bahay at mas piliing magsaya sa kama. Ano sa tingin mo? It's exciting, right?"

"N-No." Napalunok ako at nag tatakbo papasok sa may shotgun seat. Narinig ko pang tumawa s'ya dahil do'n. "Kainis ka, Devin!"

"Nakakapang-init ka, Dian," mapang-asar na sabi n'ya kaya mas lalong sumama ang tingin ko sa kanya.

Hindi na lang ako nagsalita pa dahil baka kung sa'n na naman mapunta ang usapang 'to. Kagabi kaya hindi n'ya ako tinigilan hanggang sa hindi s'ya nakatulog. Makulit s'ya. Panay ang kwento ng kung anu-ano. Ang cute n'yang pagmasdan kagabi. Kahit na minsan ay nakakainis ang mga kalokohan n'ya.

May mga sinasabi kasi s'ya minsan na hindi ko makuha at hindi ko gusto kaya nauuwi sa pagtatalo naming dalawa. Hindi naman totally pagtatalo parang asaran lang gano'n. Pero masaya ako sa gano'ng sitwasyon namin. Parang isa na namin 'yun bonding na dalawa. At nagpapasalamat ako dahil hindi n'ya binabanggit si Claire.

Hindi ako sigurado kung wala na ba sa puso n'ya si Claire o hindi pa ba nabubura ng puso n'ya si Claire. Ayaw kong itanong dahil natatakot ako sa isasagot n'ya. Baka ang pag-asang inaasam-asam ko ay biglang gumuho. Minsan nakakatakot alamin ang totoo. Kasi ang katotohanan na 'yon ay minsan nakakasakit at baka hindi ko kayanin ang sakit kapag nalaman ko na ang totoo. Pwedeng pagkatapos na lang ng dalawang linggo? Pahupain na muna sana ang kaarawan ko bago ko malaman ang kung anuman ang nararamdaman n'ya.

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon