18

918 18 19
                                    


Chapter 18

If that's what you want

"Oh, bakit ngayon ka lang?" tanong sa'kin ni Dienver ng makapasok ako. "Bakit namumula ang mata mo? Umiyak ka ba? May nagpaiyak ba sa'yo? Sino?"

Umiling lang ako ng umiling sa bawat tanong n'yang binabato sa'kin. Pakiramdam ko kasi kapag nagsalita ako ay iiyak na naman ako lalo pa't sariwa pa sa'kin ang nangyari kanina. Huminga ako ng malalim 'tsaka uminom sa amy baunan ng tubig ko. Parang nanuyo ang aking lalamunan dahil sa pag-iyak ko.

"Aine, ayos ka lang ba?" may halong pa-aalala ng tanong sa'kin ni Dienver.

"I-I'm fine, Den Den," mahinang anas ko.

"Are you sure?" pangungulit n'ya pa. Tumango ako at umayos ng upo dahil dumating na ang Prof. namin.

"Ms. Valdez?" Napalingon ako sa harap ng tawagin ako ng Prof. namin. Apelyido pa rin ng pagkadalaga ko ang gamit kong surname hanggang ngayon dahil hindi gusto ni Devin na gamitin ko ang Ortizo dahil hindi naman daw n'ya ako asawa.

"Y-Yes?"

"I just want to remind you that you are excused from all your classes. Dahil lahat ng kasali sa pageant ay pinapunta ngayon sa may cover court. Sige na, hija. Go there. Advance good luck to the pageant, hija. Sana ay manalo ka. Kapag nanalo ka, hija. Hindi ko na kayo papa-examine lahat," sabi ng Prof. namin kaya nagulat ako. Shocks! Maganda yata ang umaga ng Prof. namin. Kaya naman ay naghiyawan ang mga kaklase ko at panay cheer sa'kin. Puro sila panay sabi na galingan ko at talunin ko daw ang mga kasali sa mga pageant.

"Ellaine, ikaw ang pag-asa namin para sa examine," sigaw ni Dexter.

"Oo, nga Ellaine. Galingan mo, ha?" tanong pa ni Angel.

"Alam naming kaya mo 'yan, Ellaine. Ilang beses ka na kayang nananalo sa mga pageant sa tuwing ikaw ang napipili. Alam mo, Ellaine. Pwede kang sumali sa Miss Universe. Dahil magaling ka sumagot sa mga tanong-tanong, 'di ba?" sambit ni Kia.

"At hindi lang 'yun magaling pa ding rumampa." singit pa ni Kyo.

Eh? Wala pa nga pero todo cheer na sila agad ang mga ka-blockmates ko sa'kin. Kahit papaano ay napangiti ako dahil do'n. Napatingin kami sa may pinto ng may kumatok do'n. Nakita kong si Calvin 'yun at nakangiti sa'kin.

"Ahm, good morning po. Pero pwede ko po bang i-excuse si Ellaine? Pinapunta na po kasi sa may cover court ang mga kasali sa may pageant," sabi ni Calvin.

"Ms. Valdez," tawag sa'kin ni Prof.

"Opo," saad ko at lumapit na kay Calvin dala ang mga gamit ko. Nagulat ako ng kinuha n'ya 'to sa'kin.

"Ako na ang magdadala baka mabigatan ka pa," sambit nito dahilan para muling sumigaw ang mga ka-blockmates ko.

"Uy, gabay kayong dalawa," papuri ni Agnes.

Napailing na lamang ako sa mga sigawan nila. Napatingin ako kay Dienver na umiiling-iling at natatawa. Parang okey lang sa kanya. Aware naman ako sa feelings n'ya kaya nga nag-aalala ako. Mahirap ng makasakit ng tao lalo na't mahalaga s'ya sa buhay ko.

"Bakit ikaw ang partner ko?" tanong ko at ngumuso. "Sayang si Jonas, hahaha," dugtong ko.

"Mas gusto mo pa yata 'yun naging partner na event kaysa sa'kin, ah?" nakangusong tanong n'ya.

"Syempre, kasama kaya s'ya sa list ng mga crush ko," saad ko.

"Eh, ako? Kasama ba do'n?"

"Ewan ko sa'yo, Vin Vin." 'Yon na lang ang nasabi ko at umiling-iling. 'Tsaka ako tumakbo para unahan si Calvin.

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon