17

918 16 19
                                    


Chapter 17

It hurts

Inis akong napahiga sa may kama ko. Hindi ako makalabas ng kwarto ko. Hindi ako makababa para kumuha ng maiinom ko o kahit man lang ng makakain ko. Gutom na gutom na ako. Huminga ako ng malalim. Nang matapos kong magluto ay basta na lang akong hinila papunta dito ni Devin at kinulong sa kwarto ko. May susi ako kaso kinuha n'ya sa'kin.

Gan'to ba s'yang walang puso sa'kin? Gagawin n'ya talaga akong paarang preso para lang kay Claire? Ayaw ni Devin na malaman ni Claire na nakatira kami sa iisang bahay. Ayaw n'ya na makita ako dito ni Claire. Napangiti ako. Takot s'yang iwan s'ya ni Claire ng dahil sa'kin. Bakit? Ako ba ang may gusto nitong status namin? No! Wala kasi akong magawa kaya hindi ako makatutol sa mga magulang ko.

Kinuha ko ang cellphone ko. Shocks! Lagpas na ng 12 para sa tanghalian. Ano'ng oras ba n'ya ako papalabasin dito? Kapag patay na ako dahil sa gutom? Gano'n ba? Muli akong napatingin sa cellphone ko ng makitang may nagtext do'n. Nang makitang si Fratello maggiore 'yun ay agad kong binasa.

From: Fratello maggiore

Hey, La mia sorellina. How are you? Sorry ngayon lang ako nakapagtext. Busy kasi ako sa kumpanya. I miss you so much. Pasensya na talaga at ngayon lang. Gusto mo ba'ng lumabas tayo? Para makabawi man lang ako sa'yo. Nasaan ka? Susunduin kita.

Napangiti ako sa text ni Fratello maggiore. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

To: Fratello maggiore

I miss you, Fratello maggiore.

From: Fratello maggiore

I miss you too. La mia sorellina.

Magrereply pa sana ako sa text sa'kin ni Fratello maggiore dahil bihira na lang kami makapag-usap. Pero napatingin ako sa may pinto ng bumukas 'yon. Binuksan na ni Devin kaya makakalabas na ako at makakain na rin ako.

"Pwede ka ng lumabas," sabi n'ya at tinalikuran ako. Nang sabihin n'ya 'yun ay agad akong tumayo at tumakbo palabas ng kwarto ko. Pero agad din akong natigilan ng magsalita s'ya muli. "Magluto ka na lang ulit, ha? Naubos kasi namin ni Claire ang niluto mo. Masyado kasi kaming naagod at nagutom kaya naubos namin ang luto mo. Ah, oo nga pala. Pakihugasan na din ng mga pinaggamitan namin, ah? Salamat."

"W-What?"

"Narinig mo naman ang sinabi ko, 'di ba? Tutal ang sabi mo ay asawa kita, 'di ba? Ang asawa... hindi ba't pinagsisilbihan ang mga asawa nilang lalaki? Kaya naman habang asawa kita. Ikaw ang magsisilbing katulong ko sa pamamahay na 'to."

Hindi ako nakapagsalita. Natulala ako sa sinabi n'ya. Katulong? Mukha ba akong katulong? Napapunas tuloy ako sa'king pisngi ko ng maramdaman may tumulong luha do'n. Napalunok ako. Masakit marinig mula sa kaniya ang mga salitang 'yun. Nasasaktan ako.

"Lilinawin ko lang, ha? Hindi kita asawa dahil katulong lang kita dito sa pamamahay na 'to." Paglilinaw n'ya.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Masakit ang mga sinabi n'ya pero hindi ako susuko. Hindi ko kayang pakawalan s'ya lalo na't asawa ko na s'ya. Ngayon pa ba ako susuko kung kailan asawa ko na s'ya? Hindi ako susuko. Hindi ko s'ya papakawalan.

Nagising ako ng mag-ingay ang cellphone ko. Hindi ko alam na nakatulog pala ako. Hindi ako kumain ng tanghalian ko. Bumalik ako sa'king kwarto matapos sabihin 'yun ni Devin at do'n ako umiyak ng umiyak. Lagi namang gano'n kaya masasanay din ako. Kaya kung hindi ako susuko alam kong makukuha ko din ang loob n'ya. Hindi man ngayon pero soon. Kinuha ko ang cellphone kong nasa uluhan ko pala. Panay ang ring no'n. Kaya naman sinagot ko kahit nakapikit ako at hindi ko alam kung sino ang tumatawag.

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon