14

837 18 13
                                    

Chapter 14

I also feel pain

"Don't look at them."

Napatingin ako kay Calvin ng bigla n'yang ginalaw ang aking ulo patungo sa kaniya. Hawak n'ya ang ulo ko para iiwas kala Devin at Claire. Pilitin ko man pero do'n at do'n lang nililipada ang paningin ko kahit sa'n ako tumingin.

Ano nga ako ulit sa buhay n'ya? Tumango ako sabay ngiti ng mapait. Asawa. Asawa nga ba?

Buhay asawa? Sino'ng may sabi na masarap magkaroon asawa? Sino'ng may sabi na masaya ang may buhay asawa? Sino'ng may sabi na maganda ang buhay kapag may asawa? Asawa? Limang letra lang 'yan pero bakit parang para sa'kin ay isang pasakit? Para s'yang math problem na ang hirap-hirap masolve. Ang hirap-hirap makuha ang tamang sagot. 'Yung tipong nakakailan ka pang scratch paper para lang makuha ang tamang sagot.

Pero buti nga 'yon ay kahit ilang beses mo pang paghirapan na makuha ang tamang sagot ay nakukuha mo. Pero pa'no naman s'ya? Pa'no ko naman s'ya makukuha? Pa'no ko naman mabibihag ang puso n'ya? Pa'no ko naman s'ya mapapaibig? Natawa ako sa naisip ko. Natawa ako ng mapait. 'Yung tipong mas mapait pa sa itim na kape.

Dahil sa kasal na ginawa ng mga magulang ko sa'kin ay 'yun na pala ang babago ng buhay ko. Simula sa buhay kong malaya at maayos, ngayon ay naging komplikado na. Gwapo nga ang asawa ko pero aanhin ko naman ang gwapo n'yang itsura kung hindi naman n'ya ako itinuturing bilang isang asawa? Aanhin pa ang gwapo kung ang ugali naman n'ya ay walang kasing sama? Gwapo nga sa panlabas na anyo pero pagdating sa panloob na anyo n'ya ay walang ubod ng singsama. Ang bait n'ya sa iba pero pagdating sa'kin ay hindi.

Gusto ko s'ya pero hindi ako desperada. Hindi naman ako ang may gawa kung bakit kami nakataling dalawa. Ang mga magulang namin ang may gusto nito. Pero pinapangarap ko na sana'y maging asawa ko s'ya ay natupad nga pero ano naman ang kinalabasan?

Ako ang asawa pero hindi ang mahal.

"Calvin, m-masakit," mahinang anas ko na alam kong rinig ng mga nakaupo ngayon sa lamesa namin.

"E-Ellaine," tawag sa'kin ni Kierra.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "H-Hindi pa ba kayo oorder ng food? G-Gutom na ako, eh."

"Hello!" sigaw ni Claire at isa-isa kaming nginitian ng matamis. "Oh, bakit hindi pa kayo umoorder ng food?"

"Hinihintay namin kayo, eh," pilit na tumawa si Calvin para maging biro 'yon.

Tumaas ang isang kilay ni Claire. "Bakit? Nasa amin ba ang pagkain? Wala naman, 'di ba?"

"Bakit ikaw ba ang sinabi kong hinihintay namin?" pabarang patol ni Calvin sa pagtataray ni Claire. "Assumera ka, sis."

Natawa ako sa sinabi ni Calvin. Gano'n sina Kalix ay natawa. Shocks! Sa tagal naming magkasama at magkakilala ni Calvin ay ngayon ko lang s'ya narinig na magboses bakla. Hindi naman sa nakakatawa ang boses n'ya pero ang mukha n'ya kasi ng sabihin n'ya 'yun ay nakakatawa.

"Ay, p*ta! Bakla," tawang saad ni Mark na mas lalong lumakas ang tawanan. "Bakla ka pala, ah? Kaya pala wala ka pang girlfriend hanggang ngayon."

"Makapagsalita ka naman ng ganyan akala mo may girlfriend din s'ya."

"Meron ka!"

"Ah, talaga? Sino naman?" Mapang-asar na tanong ni Calvin. Napailing na lamang ako. Kahit papaano ay nabawasan ang sakit.

Nagpatuloy ang sagutan ng dalawa habang kumakain kami ng mga inorder naming mga pagkain. Panay batuhan sila ng mga salitang mapang-asara kaya natatawa na lang ako ng mapikon si Calvin. S'ya ang nauna per s'ya din ang unang napikon. S*raulo din, eh.

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon