29

1.2K 28 13
                                    


Chapter 29

My baby

Abala ako sa pag-aayos ng gamit ko ng biglang ay kumatok sa pinto ng kwarto ko. Kumunot ang noo ko per ng marealize kong baka si Manang 'yon ay pinapasok ko.

"Manang, pasok po," sigaw ko habang nasa mga damit ako nakatingin. "Manang, pakilagay na lang po ng gatas sa ibabaw ng lamesa ko. Salamat po."

Nagpatimpla ako ng gatas. Hindi simpleng gatas 'yon dahil nirecommend sa'kin 'yun ng ob-gyn para sa pagbubuntis ko. Nagpacheck up ako ng isang araw at base sa resulta ay ayos naman ang baby ko sa'king sinapupunan. Hindi ko alam kung dapat ko nga ba'ng sabihin 'to kay Devin o hindi.

Baka kasi makatanggap na naman ako ng masasakit na salita mula s akaniya lalo na't nandito si Claire. Alam kong si Claire ang lagi n'yang priority tulad na lang ng ginawa n'ya kanina sa'kin. Iniwan n'ya ako para kay Claire. Isang sabi lang ng... 'I need you'. Sumama s'ya agad. Pa'no kapag sinabi ko din 'yon sa'kin? Sasama ba s'ya sa'kin? Malamang sa malamang ay hindi.

Paasa s'ya, eh. At umasa naman ako.

"D-Dian."

Napatigil ako sa pag-aayos ko ng aking gamit ng marinig ko ang boses ni Devin. Gulat akong napatingin sa kaniya. Akala ko s'ya si Manang 'yun pala ay hindi. Ano'ng ginagawa n'ya dito? Wala dito si Claire kaya ano'ng kailangan n'ya?

"Bakit ka nandito?" tanong ko.

"I'm sorry," sabi n'ya. Imbis na sagutin ang tanong ko.

"For what?"

Huminga s'ya ng malalim at umiling. "I know... I know even if you don't admit it ay nasasaktan kita. Kaya I'm sorry."

Buti alam mo. Hindi lang basta sakit dahil parang pinapatay mo ako sa tuwing sinasaktan mo ako. It's like you're stabbing my heart over and over. Walang sawa at walang mintis.

"May dahilan ako kung bakit nandito si Claire—"

"At 'yun ay? Dahil mahal mo s'ya?" Putol ko sa sasabihin n'ya. Napangisi ako. "Kahit hindi mo naman ipaliwanag 'yan sa'kin ay alam ko. Kaya pwede ba h'wag ka ng magpaliwanag kung 'yan lang ang pinunta mo?" Kasi mas lalo mo lang akong sinasaktan. Mas lalo mo lang akong pinapahirapan. Mas lalo mo lang pinapamukha sa'kin na walang-wala ako kumpara sa kaniya.

Hindi s'ya umimik kaya naman nagpatuloy ako sa ginagawa ko. Tumingila ako saglit para hindi matuloy ang pag-iyak ko. Tama na, please? Apat na araw na lang naman, eh. Sige na, oh? H'wag mo na akong saktan. H'wag mo na akong paiyakin.

"A-Ano'ng ginagawa mo?" tanong n'ya ng mapansin n'yang nilalagay ko ang mga ilang damit ko sa bag ko.

"Naggagayak?" sagot ko ng patanong.

"B-Bakit?"

Pero hindi ko s'ya sinagot. Nang matapos at muli akong tumingin sa kaniya. "May sasabihin ka pa ba? Kasi kung wala na makakaalis ka na."

"S-Sa'n ka pupunta?"

"Sa balong malalim," papilosopo kong sagot.

"Dian!"

"What?"

"Sa'n ka sabi pupunta? Bakit may d-dala kang mga g-gamit?"

"Sinagot ko na tanong mo, 'di ba? Naggagayak ako ng damit ko," mahinahong sagot ko.

Sabay talikod para bumaba dala ang mga ginayak kong mga damit. Uutay-utayin ko na ang pag-empake ng mga gamit ko dahil bukas ay hanggang pangatlong araw ko na lang dito. Sobrang labo na din no'n para gumawa ako ng paraan para sa relasyon naming wala namang pag-asa. At tulad ng pinag-usapan namin ay susunod ako. Tutupad ako.

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon