47

1.1K 21 15
                                    


Warning: SPG. R-18. Mature content. Kung hindi ka hiyang sa ganitong kabanata ay maaari mo na lamang itong i-skip o huwag basahin. Nasa inyo po 'yon kung babasahin niyo ito o hindi. Read at your own risk.

Chapter 47

11:30 PM na ng gabi pero hanggang ngayon ay mulat na mulat pa rin ang aming mga mata. Hindi din ako makatulog kahit ano'ng gawin kong posisyon ko sa pagkakahig ko sa kama. Katabi ko ang mga anak ko at sa kabila naman ng gilid ng kama ay nando'n si...Devin. Nakahiga din s'ya sa iisang kama kung nasaan kami nakahiga ng mga anak ko.

Panay pa rin kasi ang pagkukwento nila Raf at Raz kaya hindi ako makatulog. Ang dalawa kong anak na 'to ay sobrang ingay talaga kahit kailan. Huminga ako ng malalim 'tsaka pinagmamsdan silang tatlo. Ginugulo nila si Raf na nasa gitna nilang dalawa na mukhang antok na antok na pero dahil sa kapatid n'yang makulit ay hindi s'ya makatulog kaya natawa ako ng bahagya.

"Raz and Ril, baka naantok na si Raf. Tigilan n'yo na s'ya," saad ko.

"Mi, napaka-killjoy kasi ni Kuya Raf hindi man lang kami sabayan sa kalokohan ni Raz," nakangusong sabi ni Ril. Katabi ko s'ya at katabi naman ni Devin ay si Raz. Kaya ang nasa gitna namin ay si Raf na gingulo ng dalawa n'yang kapatid.

"Oo nga, Mi. Sa'n n'yo po ba 'yan pinaglihi? Napaka-killjoy, eh. Hindi naman kami killjoy ni Kuya Ril pero si Kuya Raf sobrang killjoy," pagsang-ayon pa ni Raz kay Ril.

Napatingin ako kay Devin dahil sa kaniya lang naman nagmana si Raf. Hindi naman ako killjoy si Devin lang. Nagmana sa'kin ng ugali si Ril at Raz makulit unlike si Raf kay Devin nagmana. Gwapong killyjoy.

"I-I...I-I don't know," saad ko at umiwas ng tingin kay Devin na nakatingin na pala s'ya sa'kin ng hindi ko man lang namamalayan.

Napag-isipan kong tawagin ko na lang s'ya sa name n'ya. Wala namang magbabago sa nararamdaman ko kung patuloy ko s'yang tatawagin na ano.

Naalala ko tuloy ang nangyari kanina sa isang kama. Mas lalo akong umiwas ng tingin kay Devin ng mamula ang aking pisngi. Mag-uumaga na pero gising na gising pa rin kaming pamilya. Mulat na mulat ang aking mata. Gano'n din sila.

"Kay Di po ba s'ya nagmana?" tanong ni Ril.

Hindi ako nakasagot sa tanong ni Ril. Alam ko naman kung sino'ng tinutukoy nilang Di si Devin. Hindi ko pa nga sinasabi sa kanila kung sino'ng ama nila ay nalaman agd ni Raf kung sino'ng ama nila. Yes, matalino naman ako pero hindi naman sobra dahil may pagkama-slow akong tao pero si Raf na anak ko?

Mas matalino s'ya sa'kin. Kaya mga ilang araw lang namang kasama namin si Devin ay nalaman na n'ya agad na si Devin ang ama nila. Napakasobrang mausisa nii Raf sa mga kahit ano'ng bagay kaya hindi na dapat ako nagtataka pero nagulat talaga ako ng itanong n'ya 'yon sa'kin. Maski sila Ril at Raz ay nalito din sa tanong ng kapatid nila ng una hanggang sa ma-realize nila.

"Mi, gwapo namin, 'no?" muling tanong ni Ril.

Agad naman akong tumango at ngumiti pa. "Oo naman. Sobrang gwapo n'yo."

"Mi, gwapo si Di, 'no?" sunod na tanong sa'kin ni Raz.

"Oo naman, syempre," sagot ko pero ng napagtanto ko kung ano'ng sinabi ng anak ko ay natigilan ako. "H-Ha?"

"Di, gwapo ka daw sabi ni Mi," saad nila Ril ar Raz.

Nang tignan ko naman ulit si Devin ay nakangisi s'ya sa'kin. Ngising may balak na kung ano. Napalunok tuloy ako dahil do'n. Kung anu-ano yata ang naiisip ko dahil sa ngisi na 'yan. P*ste! Sasawayin ko na sana ang mga anak ko na matulog pero napatingin ako sa may cellphone ko ng tumunog 'yon.

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon