8

799 19 12
                                    

Chapter 8

I told you

From: Vin Vin

Hey, nabalitaan ko 'yung nangyari. Are you okay? What? Resbakan na ba namin ni Den Den? Sabihin mo lang at handa na kami.

Napangiti ako sa message sa'kin ni Calvin. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Hinatid ako ni Dienver kanina nang matapos kong umiyak. Nakakahiya nga, eh. Mukha akong t*nga.

Hindi naman 'to ang unang beses ko na umiyak sa harap ni Dienver pero 'yun kasi ang unang beses ko na umiyak ako sa school. Kung kailan naman na malaki na ako do'n ko pa naranasan na umiyak na para ba'ng nabully ako.

Sinaktan n'ya puso ko. Pero kung parte 'to ng pagkagusto ko sa'yo. Bakit hindi, 'di ba? Titiisin ko kahit masakit makuha lang kita. Dahil gustong-gusto talaga kita... Devin.

To; Vin Vin

Hindi na kailangan, tol, hehe. I'm fine. Talagang ayos lang ako. Para namang hindi n'yo ako kilala, hahaha. Basta ayos lang ako. H'wag n'yo ng ituloy ang balak n'yo ni Den Den. Magagalit ako kapag nituloy n'yo balak n'yo, sige kayo.

Pagkasent ko ng text ko ay hindi ko na muna binasa ang message ni Calvin. Ang bilis naman yata nitong magrespond? Hindi s'ya busy? Wala ba s'yang ginagawa? Ang alam ko ay kaya wala s'ya sa practice kung minsan ay dahil busy s'ya sa kanyang duty.

Magdodoktor kasi s'ya kaya gano'n. Ewan ko ba ayaw n'ya bitiwan na muna si soccer para hindi s'ya ma-stress masyado kaso masyado daw n'yang mahal si soccer kaya hindi daw n'ya kayang bitawan. Sana all, di ba? Hehehe.

Kailan kaya ako mamahalin ni Devin? Kailan kaya...?

Bumangon ako sa kinahihigaan ko ng marinig kong parang may maingay sa baba. Naririnig ko ang boses ni My at Dy. Nagsisigawan ba sila? Nag-aaway? Bakit naman?

Napatayo ako at hindi ko na napigilan pang hindi lumabas ng kwarto. Tumayo ako sa kama ko at naglakad patungong pinto ng kwarto ko. Sumilip ako mula sa second floor namin sa first floor ng bahay namin. May nakita akong mga papel na nagkalat sa may sahig.

"'Yun na nga, eh! Bakit kailangan mo pang sumama sa kaniya, ha? Ano? May nararamdaman ka pa ba sa kanya, ha? Ha?" sigaw ni My habang nakaturo kay Dy na para ba'ng hindi alam ang gagawin.

Anong nangyari? Bakit sila nagsisigawan? Bakit ang kalat sa baba? Napatingin ako sa mga katulong namin na hindi alam kung dadaan ba sa sala namin para gawin kung ano ang dapat gawin nilang trabaho.

"Sumagot ka! Tinatanong kita! Ano! Hmm?!"

Napapikit ako ng mariin ng muling sumigaw si My. Kinagat ko ang aking labi dahil do'n. Hindi ko naman na kailangan pang alamin kung ano ang pinatatalunan nila dahil parati namin silang ganyan.

Akala nga ng maraming tao kapag magkakasama kami ay para ba'ng isa kaming masayang pamilya pero ang totoo... para namang hindi. Puro sila away ng away. Away do'n at away dito. Ang saya, 'di ba?

Ang saya-saya magkaroon ng gan'tong pamilya.

"Ilang beses ko ba'ng sasabihin sa'yo, Lazey?! Sinamahan ko lang s'ya dahil humingi s'ya ng favor!" sigaw naman ni Dy pabalik kay My.

Huminga ako ng malalim. Alam kong pinag-aawayan nila ang Mama ni Fratello maggiore. ANg hirap maging second, 'no? Dahil hindi mo alam kung ikaw na ba talaga ang tinitibok ng puso ng mahal mo o hindi.

Napatingin ako sa cellphone ko ng mgring 'to. Nakita kong tumatawag si Fratello maggiore.

"C-Ciao, La mia sorellina," bati ni Fratello maggiore ng masagot ko ang tawag n'ya.

(Translation: H-Hello, my little sister.)

"Yes?" malungkot kong saad at napatingin muli sa may baba ng marinig ko ang sigaw ni My.

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon