3

1.2K 28 4
                                    

Chapter 3

Masculine body

"Hoy!"

"Ano ba?!"

Inis akong tumingin kay Dienver sa pagsigaw n'ya sa aking tainga. Sigawan daw ba ako sa tainga ko? Mukha ba akong bingi?

"Nakatulala ka na naman kasi," sabi n'ya habang seryoso n'ya akong pinagmamasdan. "May nangyari ba?"

Meron. Marami... "Wala, bakit?"

Napatingin ako sa mga iba naming ka-group sa may dancing group na panay ang pag-eensayo kahit na binigyan naman kami ni Sabina ng mga labinlimang minuto para makapag pahinga. Kaya heto kaming dalawa ni Dienver at nakaupo habang nakaharap sa may bintana habang may kinakain kami. Malapit lang dito ang soccer field kaya malaya akong pagmasdan si Devin na naglalaro kasama ang mga iba pang player at iba niyang mga kaibigan.

"Ah," tumango s'ya. "Kaya naman pala nakatulala dahil nag-eensayo si crush."

Mas lalong tumalim ang tingin ko sa kanya. "H'wag ka ngang maingay d'yan!"

Pero tinawanan niya lang ako. "Bakit kasi hindi mo pa lapitan? O gumawa ng way para mapansin ka n'ya?"

"Nag-iisip pa ako ng way. H'wag mo akong pangunahan, okey?"

Nagkibit-balikat s'ya. "Okey, sabi mo, eh."

Napatingin ako sa may relo kong suot. Mga 7 AM pa lang naman ng umaga pero nandito na kami sa university namin. Maaga kaming pinapasok ni Sabina dahil wala daw s'ya mamaya kaya ngayon kami nag-ensayo ng sayaw. Sinundo nga ako ni Dienver sa amin dahil do'n ako nakatulog sa bahay namin at hindi sa condo ko at buti na lang din ay nagising ako ng maaga.

Sa dami kasi ng iniisip ko kagabi ay nahirapan akong makatulog lalo na 'yung sinabi ni Dy sa akin. Seryoso ba talaga si Dy do'n? Pero kung totoo ay nasa 20 pa lang ako?! At marami pa akong mga gustong gawin. Napabuntong-hininga na lamang ako.

Siguro ay ito na talaga ang sign na dapat ay gumawa na ako ng paraan para maipagtapat ko ang nararamdaman ko para kay Devin. Kahit ano pa ang sabihin n'ya. Masakit man o hindi ay tatanggapin ko.

Mga 8 AM pa naman ang pasok namin kaya may isang oras pa kami para mag-ensayo sayaw at habang pahinga pa namin ay malaya akong pinagmamasdan si Devin. Mula sa kinauupuan ko hanggang sa soccer field. May mga nanonood din at halos puro babae na naman ang mga nando'n.

"Kung pikutin ko na lang kaya s'ya?" Wala sa sarili kong sabi.

"A-Ano?" gulat na tanong sa'kin ni Dienver kaya natawa ako sa naging reaksyon ng kanyang mukha. Epic!

"Ang sabi ko, kung pikutin ko na lang kaya s'ya? Ano sa tingin mo?" tanong ko sa kanya.

"Ano sa tingin ko?" ulit n'ya sa tanong ko sa kanya.

Tumango naman ako kaagad. Uminom ako ng shake na binili niya para sa'kin kanina ng napadaan kami sa may coffee shop. Nilibre niya ako. Saktong hindi pa ako nakapag-almusal ay pumayag na ako. Libre, eh. Sayang naman. Minsan lang pa naman s'ya manlibre kaya umo-o na ako kaagad.

"Nababaliw ka na," sabi niya at umiling.

"What?" inis kong tanong at inirapan s'ya. "Suggestion lang naman 'yon ng kaibigan ko kaya why not, 'di ba?"

"Kaibigan? At sino naman? Si Kierra ba?"

"Nope," sabay iling ko. "Aray ko!"

Napahawak ako sa'king ulo ng bigla niya akong binatukan na para ba'ng may ginawa akong katangahan o sinabi.

"H'wag mong sabihin na gagawin mo 'yang suggestion ng kaibigan mo?" galit niyang tanong.

"At bakit naman hindi? Malay mo—"

Don't play with me, Lieutenant || COMPLETED (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon